TC#27 : Cerberus
Dran's POV
Nakipagpalitan ako kay JL ng kalaban dahil nakakaantok kalaban si Greed. At isa pa may bagay na meron si Gluttony na gusto ko makuha.
"Haha! Ang baboy mo Gluttony" usal ko habang nakatingin sa lalaking mataba na miyembro ng Ravine.
"Tsss! Huwag mo akong maliitin Knight! Wala kang laban sa akin at sa alaga ko!" sagot niya. Napangisi ako, gustong gusto ko talaga pahirapan ang mga matataas ang tingin sa sarili nila, Haha!
Biglang kong narinig ang nasa isip ni Arko na nanalo sa laban niya kay Limbo, King Minos.
Haha ! Nagdilang demonyo ka ata Arko!" sabi ko gamit ang Telepath.
"Waaah ! Congrats Arko !" sabi ni JL.
Nakikinig din pala tong O.A na to. Pero ang laki nang pinagbago niya ng makilala niya si Ces. Ako kaya? Magbabago ba ang desisyon ko pag naging kami ni Jen? Haha!
"Hah! Saan galing ang boses na yun ? " sabi ni Arko.
"A-asan kayo?" sabi ni Arko.
"Nandito sa aming poste, may kinakalaban , nag-uusap tayo sa ating mga isip." sabi ko.
"Remember that bracelet? yung telepath? imbensiyon yan ni Dran! Astig nuh?!" paliwanag ni JL.
"Ano?! Natakot ka na ba at hindi ka makapagsalita ?" biglang salita ni Gluttony.
"Maya na muna! may laban pa ako!" sabi ko at tinigil ko ang pakikipag-usap sa kanila.
"Haha! Huwag kang maingay taba, baka hindi kita matantya magaya ka kay Limbo" sagot ko na nagpalaki ng mata niya.
"Anong nangyari sa kanya!" sigaw niya sa akin.
"Hmmm, namatay lang naman" sagot ko sabay ngisi sa kanya.
"Ahhh! Magbabayad kayo! Open the gate of Tamers! Lumabas ka Cerberus!" sigaw ni taba habang gumagawa ng portal.
Tsss , Ano akala niya sa akin? Minamaliit niya ba ang isang Dranius Light?! Isang simpleng Familiar ang ipaglalaban niya sa akin?
Lumabas ang isang higanteng aso na may tatlong ulo. Ang mga ito ay mukhang galit na nakatingin sa akin.
"Hah! Matakot ka na! Cerberus! Lapain mo na siya!" Biglang umatake ang aso sa akin. Nakanganga itong tumakbo palapit sa akin.
Iniwasan ko ito sa pamamagitan nang pagtalon ng mataas. Inipon ko ang bigat sa akin paa at buong pwersa na sinipa ang pang-gitnang ulo ng aso. Sa sobrang lakas ng pagkakasipa ko ay bumaon ang aso ng ilang pulgada sa sahig.
"Tsss , Ang hina naman ng tuta mo" sabi ko habang naglalakad papunta sa kanya.
Biglang tumayo ang malaking tuta at muntik na akong sakmalin mula sa likod.
"Woah!" ang nasabi ko na lang matapos kong makailag.
"Tsk tsk , haha! Bad dog!" sigaw ko.
"Anong sinabi mo na mahina ang Cerberus ko?" sabi ni Gluttony sabay ngisi.
Ang yabang ng baboy na to. Pasalamat ka na lang Gluttony at tinatamad ako mag aksaya ng spells at energy pero..
"Sige , bigyan mo ko ng magandang laro Gluttony" sabi ko habang nakangiti sa kanya.
Napansin ko ang biglang pag atras niya. Wow! Mukhang ramdam niya na agad ang takot ?
"Wala pa nga ako ginagawa eh" bulong ko sa tenga niya.