TC#7 : Practice Match (part 2)3rd person
"Haha ! panalo na ako!" masayang wika ng knight.
Napatingin siya sa dalawa niyang kasamahan. Napansin niyang ang Rook lang ang nakahiga at wala ang Pawn.
Nasaan siya ? tanong ng Knight sa kanyang sarili. Agad na naging alerto ang knight. Maaring atakihin siya ng pawn ngayon.
"Water Canon" Sigaw ng Pawn na nasa likod ng knight. Naiwasan ng knight ang rumaragasang tubig. Muli ay napagmasdan ng Knight ang Pawn. Kung kanina ay purong itim ito ngayon ay parang tubig ito na hulmang tao. Agad naman nalaman ng Knight ang nangyari kay Pawn.
"Haha ! Ang galing ! sa hula ko ay habang nasa tubig ka ay ginamit mo ang Vortex mo para maabsorb ang element of water na ginawa ko ! ang galing !" papuri ng Knight sa Pawn.
"Hmmmm.. Kaya kong iabsorb lahat ng elemento sa napakabilis na panahon basta't nasa Sprite form ako. Hindi ko mamaliitin ang kakayahan mo ngunit wag mo rin sana ako maliitin. Ang simpleng element attacks ay di makakapabagsak sa akin" usal ng Pawn
"Haha ! Hindi ko kayo minamaliit kaya all-out na agad ako kanina pa lang. Aaminin kong hindi ko inaasahan ang mabilis mong aksyon sa atake ko.Masasabi kong epektibo ang ginawang plano . Tama na ang kwentuhan may laban pa tayo hindi ba?" wika ng Knight.
"Water Bombs !" sigaw ni Arko at sabay sabay nagpaulan ng malalaking tubig na hugis bilog. Pagbagsak ng mga tubig ay agad itong sumasabog. Bagama't hindi nakakasunog ang pagsabog, makakaya naman nitong makadurog ng buto. Sa dami ng umuulan na tubig , Hindi magkandaugaga ang Knight sa pag iwas sa mga bombang tubig na ipinaulan sa kanya ng Pawn.
Halatang nahihirapan na ang Knight ngunit nakangiti pa rin ito. Habang umiiwas ay papalapit ng papalapit ang Knight sa kinatatayuan ng Pawn.
Nabigla ang Pawn. Tuluyan ng nakalapit na ang Knight sa kanya. Inasinta ng Knight ang kamay niya gamit ang mga dagger nito.
"Haha ! kanina pa tayo gumagamit ng power eh. Combat naman tayo Arko!" sabi ng Knight at sunod sunod na pinatamaan ang Pawn.
Todo iwas lang ang Pawn ngunit madalas ay tinatamaan siya ng mga atake ng Knight. Sabagay, umpisa pa lang sinabi na ng Knight na mahusay siya sa close combat fight at sa kahit anong melee weapon. Matatalo siya pag nagpatuloy ang ganitong labanan. Dehado ang Pawn at alam niya yun. Lumayo ng ilang dipa ang Pawn sa Knight. Ininda niya lahat ng galos na natamo niya dahil sa sugat na nagawa ng dagger ng Knight.
Nang makalayo siya sa kinaroroonan ng Knight agad siyang nagpakawala ng atake.
"Tidal Wave !" sigaw ng pawn sabay tutok ng kanyang dalawang kamay sa knight. Mula sa kamay niya lumabas ang gahiganteng tubig na may sampung talampakan ang taas.
Walang matakbuhan ang Knight! Wala siyang ibang pag pipilian kundi ang suungin ang atakeng ginawa ng pawn.
"Templum terram" usal ng Knight. At ang lupang inaapakan ng knight ay naging isang Templong gawa sa lupa. Kasing tibay ng adobe ang lupang templo na nagawang pigilan ang Tidal wave ng Pawn. Naging depensa ng Knight ang templo kung kaya't hindi man lang siya naapektuhan ng atake ng Pawn.
"Malakas ang atake niya ngunit pansin ko lahat ito ay elemental! Mataas ang tsansa ko manalo dahil iaabsorb ko lang ito" Sa isip isip ng Pawn.
Kusang nag giba ang Templong pinagtaguan ng Knight. Ngunit Bago pa yun ay nahawakan na ng Pawn ang kanyang templong lupa. Naging purong lupa ang katawan ng Pawn.
"Earthquake !" Biglang yumanig ang lupa at nag crack ang lupang inaapakan nila.
Nabuwal ang Knight dahil sa lindol na agad naman nakabangon.
"Haha ! pinapahanga mo talaga ako. Hmm By the way., Gusto mo ba makarinig ng musika ?" tanong ng Knight.
Napakunot ang nuo ng Pawn. Nang-uuyam ba siya ? sa kalagitnaan ng laban ay gagawa siya ng musika ? sa isip ng Pawn.
"Somnum" bulong ng knight sa kanyang sarili. Nilabas ng Knight ang kanyang Flute na nasa loob ng kanyang coat.
Napakalamyos ng musikang nalikha ng Knight. Ngunit napansin ng Pawn na pa isa isa ay nakakatulog lahat ng nanunuod. Ayaw mang aminin ng Pawn ay tinatablan rin siya ng antok dahil sa musikang narinig niya. Nanlalabo na ang kanyang paningin at unti unti nang nawawala ang kanyang sprite form. Paano na? Di ko na kaya ang antok ! reklamo ng Pawn sa isip niya.
Tuluyan ng napapikit ang Pawn. Bumagsak siya sa sahig at mahimbing na nakatulog. Samantalang ang Knight ay nakatulog din dahil maging siya ay tinablan ng kanyang mahika. Nakalimutan niyang maging siya ay apektado sa spell na ginawa niya. Sino mang makarinig nito ay makakatulog maging ang caster nito.
Sakto namang nakatulog ang dalawa ay tumayo ang Rook. Nagtaka ang Rook bakit karamihan sa nanunuod ay tulog kasama ang Knight at Pawn. Nagising ang mga manunuod.
Woah ! si Nie ang nanalo ?
Ang galing akala ko ang mananalo ay si Dran !
Akala ko si Pawn eh
Paano niya napatulog yung dalawa ? Nakatulog din ako eh .
Samo't saring mga haka haka at opinyon ang narinig ng Rook ngunit maya maya ay nagsipalakpakan ang mga manunuod.
Woah ! ang galing mo Nie
I love you Nie
Ang hot mo !
Ang gwapo mo at ang galing mo !
Palakpakan at sigaw ng manunuod na karamihan ay babae. Mga Babae rin ang pumupuri kay Nie. Ang rook naman, Bagama't naguguluhan ay tuwang tuwa sa mga nangyayari.
"Salamat ! salamat " sigaw ng Rook sabay kindat sa mga dilag na nanunuod. Agad namang nabalot ng hiyawan at tilian ng mga babae ang buong battlegrounds.
(A/N: templum terram = rock temple
somnum = sleep )