Extra Chapter

1.7K 64 56
                                    

Author's note:

Hello! Wala talaga ako sanang balak magupdate ngayon at sa mga susunod pang weeks dahil na down ako na walang nagcocomment sa story ko. Yung feeling ba na useless lang yung pagsusulat ko rito :)

Pero dahil masaya ako since naka 1k na ang Tassein Czar at nalagay sa 'What's new' ng fantasy genre bibigyan ko kayo ng extra chapter. :)

Maraming salamat sa pagtangkilik ng karahasan ko dito xD Huwag po sanang magpakasilent reader :) Masama yun, nakakamatay. Sana huwag kayong ganyan. Kung may suggestion kayo o comments  , violent reactions o hindi nagets sana naman sabihin niyo sakin pliith !

So ! Thanks ulit mga madlang pips ! Here the special chapter for you ! :-*

Again , huwag na po kayo magpaka silent reader :3 i dedic next chapter sa unang comment xD sinuhulan ?! ahaha !

--

Extra Chapter : Chase for Piedras Platas

Nie Bust POV

Yak ! Yak !

Bakit ba kasi ako napapadpad kung saan saan ? Kadiri na makahalikan ang lalaking iyon para lamang makabalik dito sa mundo ng Terra Suelo.

Tsk. At isa pa sa ikinakainis ko ! Ni hindi ko man lang naligawan si miss chickababes ! Ang dyosa , ang pag-ibig ko ! Ang iniirog ko ! Nakakalungkot. I feel , broken.

"Hindi na ako iibig pang muli !!" sigaw ko sabay yuko.

Pag-angat ko nang paningin ko ay may nakita akong napakagandang dilag. Perpekto ang kanyang hubog. Malalaking dibdib , manipis na tiyan at malapad na balakang. Ang ganda niya.

"Joke lang po !" sigaw ko ulit at dali-daling lumakad papunta sa babae.

Hinawakan ko ang kanyang kanang kamay at hinalikan. Maginoo mode switch on !

"Hindi naman siguro masama kung sasama ka sa akin magandang dilag hindi ba ? Ako nga pala si Nie Bust. Name it , I am tall , dark and handsome, drop dead gorgeous na lalaking naglakbay sa ibayo nang mundo makita lamang ang matamis mong ngiti" sabi ko sabay ngiti , ang pamosong killer smile ni Nie Bust. Wuhaha !

"Hello , ako si Mario Maurit , Errich for short. Talaga gwapong koya ? Sige ! Angkinin mo na ako" napangiwi ako sa narinig kong sabi ng babae. Ang lalim ng boses niya , taena ! Bakla to!

Niyakap niya ako. Yak! Kadiri ! Nagpilit akong makawala sa yakap niya. Ngumuso pa ito na parang hahalikan ako pero sinako ko gamit ang palad ko ang mukha niya.

"Taragis ! Lumayo ka sakin ah !" sigaw ko habang nagpupumiglas.

"Fafa ! Angkinin mo ang katawan ko" sabi niya at pinaghahalikan ako.

Waaah ! Nanlilimahid ako. Gula-gulanit ang coat ko matapos akong pagsamantalan nang baklang iyon. Mabuti na lang at nakatakas pa ako.

I feel abused. Ang kagwapuhan ko ay para lamang sa babaeng maganda ! Hindi sa baklang maganda !

Lesson learned: Alamin muna kung bakla ang magandang dilag.

"Ayoko na talagang umibig" usal ko.

Ngunit napatingin ako sa harapan ko. Nakatalikod ang babae sa akin. Tingin pa lang sa likod nito , napakaganda na niya.

"Damn baby , you got a big future behind you" i said in a husky tone when i got near her. Hinubad ko ang coat ko at itinira ang long sleeves.

Lumingon ang babae at napa mental facepalm ako sa nakita ko. Nasa karagatan ba ako ?! Kanina octopus tapos ngayon ?! HIPON ?

"Yes ?" pacute na sabi nang babae nang makita ako.

Napahakbang ako paatras. No! Swiper wag kang lalapit ! Tuknene ka ! I crossed my fingers , creating a crux shape at itinapat ito sa kanya. Umalis ka sa harap ko kampon ng karagatan !

Tumakbo ako palayo. Itinodo ko ang bilis ko. Hah ! Ewan ko na lang kung makahabol pa yung hipon na yun !

Lumingon ako sa likod ko at nakitang nakasunod pa rin si hipon. Wow ! Partida pa yan nakatakong at naka long gown nakakatakbo nang mabilis ?

Wooh ! Its you already !

Nanlaki ang mata ko. Ibig sabihin mahahabulan niya ako ?!

At katulad nang ikinakatakot ko nahablot niya ang sleeves ko at niyakap.

"Babe , huwag mo na akong tatakbuhan ulit huh ?" sabi nito sabay ngumuso.

No.

No.

Noooooo!!

Wala na akong pantaas nang makaalis ako sa babaeng hipon na iyon.

Tsk ! Ang malas ng araw kong ito. Kanina pa ako nahahalay !

Okay lang ! Atleast nakita nila ang six pack abs ko at ang makisig kong pangangatawan !

"Apo , pahinge naman nang makakain kahit kaunting tinapay lamang"  sabi nang isang matandang mahaba ang balbas.

"Tata lino ? Statue ?! este Sino po kayo ?" tanong ko.

"Isa lamang akong nagugutom na matanda dito sa gubat malayo sa kaharian ng Berbanya. Hinahanap mo rin ba ang Ibong Adarna iho ?"

"Ganun na nga po Tata Lin-- lolo , pero ang pinakapakay ko ay ang piedras platas" sabi ko.

"Pero pahinge naman ako nang kaunting makakain diyan kahit tinapay" sabi niya.

"Ah eh .. lolo , wala po akong dalang pagkain pero meron ho ako ritong pandesal" sabi ko sabay himas sa abs ko. Wuhaha !

Pero ang akala kong biro lang , si lolo hinawakan ang ang abs ko. Naramdaman kong nanginginig ang kamay niya. Napatingin ako sa kanyang mukha , namumula ?! He almost droll on my abs and I find it.. gross !

Napabalikwas ako. Taragis ! Si Lolo, Confirmed !

Dali dali akong lumayo kay lolo at pumasok sa kakahuyan. Takte ! May problema talaga ang extra chapter na to.

Nakarating ako sa pusod ng gubat at namangha sa aking nasaksihan. May dalawang hugis tao na bato at isang lalaking nakatayo sa harap ng Adarna. Sinusugatan niya ang kanyang braso gamit ang labaha at pinapatakan nang duhat. Sadista lang?

Ngunit ang kapansin-pansin dito ay ang nagliliwanag na puno na tila ba dyamante. Ang Piedras Platas.

I equipped my Gold Set armor. My excalibur and falcon-eyed armor. Hindi ako tatablan nang kahit anong enkantasiyon kapag suot ko ito.

Lumapit ako sa puno. Sapaw sa view ang lalaking sadista kaya tinulak ko siya na agad niya ikinatumba. Hinaplos ko ang puno. Sa wakas , nahanap ko rin ang  puno na ito.

Bilang isang medium linker , o yung mga may kakayahang magtawag nang mga bagay na malalagyan ko nang marka , gagawin ko ito bilang isang armor.

Kinuha ko ang isang maliit na talim sa aking bulsa at ginasgasan ko ang puno. 'NB

Nagliwanag ang puno , ibig sabihin succesful ang ginawa kong link. Dumapo bigla ang ibong Adarna sa balikat ko. Isang napakagandang huni ang pinakawalan nito.

"Si-sino ka ?!" sigaw nang lalaking kanina ay itinulak ko.

"Nie Bust, mister ?"

"Don Juan , bunsong anak sa kaharian nang berbanya. Kaunting pabor para sa dayuhang katulad mo" usal niya.

"Yeah ? What is it ?" tanong ko.

"Huh ? Hindi ko maintindihan ang iyong wika ginoo. Ngunit , kung mamarapatin mo , maari ko bang mahiram ang ibong Adarna para sa ama kong naghihingalo sa kaharian ng Berbanya ?"

"Sure" sabi ko sabay lahad sa kanya sa ibon.

--

(A/N: wuhaha ! kamusta naman?!")

Tassein CzarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon