TC#26 : Armour of gods
3rd Person
Nagbunyi si Minos dahil napatumba niya ang isa sa Chess, ang Pawn.
"Hahaha! pwede nabang umalisss sa poste ko ? Hahanapin ko pa si Dranius H. Light!" sabi ni Minos sa kanyang sarili.
Papaalis na sana siya ng bigla siyang tamaan ng asul na apoy sa braso.
"Cold Flame" sabi ni Arko na ngayon ay nababalutang asul na apoy.
"Pa-paanong nabuhay ka!" Sigaw ni Minos sabay tingin sa kinahihigaan ni Arko. Nandoon pa rin nakahiga ang walang malay na Pawn.
"Paanong dalawa na ang kalaban ko!" pagtataka ni Minos sa isipan niya.
"Isa yang ice dummy, nakokopya nito ang buong itsura ko kaya't nalinlang kita ng inakala mong patay na ako" paliwanag ni Arko.
"Imposible! Hindi ko siya nakitang gumawa niyan nang naglalaban kami!"
Biglang natigilan sa pagiisip si Minos nang makita niyang umaapoy parin ang kanyang braso. Hindi siya napapaso sa init ngunit napapaso siya sa sobrang lamig.
"Aaah!" napasinghap siya sa sakit na dulot ng napakalamig na apoy.
"Kung nagtataka ka paano ko nagawa ang ice dummy ay simple lang. Ginawa ko ito nang panahong nababalutan ka ng yelo" paliwanag ni Arko.
"Wala akong pakialam! Tatapusssin na kita!" aatake na sana si Minos nang bigla siyang matigilan.
"Frostbite" usal ni Arko.
Biglang naging yelo ang parteng nasusunog kay Minos. Namanhid ito at hindi na maramdaman pa ni Minos.
"Ang lamig ng aking Frostbite ay kabaliktaran ng init ng araw. Tatlong elemento ang ginamit ko rito. Hangin, tubig at apoy. Totoo nga, Tama ka na ako ang pinakamahina sa amin pero kaya kong makipagsabayan" usal ni Arko.
Nagtangkang gumalaw si Minos ngunit nagulat siya ng biglang humiwalay at mabasag ang kanyang buong braso. Wala siyang maramdaman na kahit na anong sakit. Ni wala ring dugo ang tumulo mula dito.
"Pasensya na , ginagawang yelo ng Frostbite ang parte ng katawan na tatamaan nito kaya't naputol ang braso mo" mahinahong sabi ni Arko.
Butil butil na ang pawis ni Minos pagkat sa sitwasyon niya ngayon ay dehado na siya. Bagaman at kinakabahan ay nakuha niya pang magsalita.
"Pangahasss!" sigaw niya sabay dura ng lason kay Arko. Agad nalusaw ang kinatutungtungan ni Arko.
"Ano't--" hindi na naituloy pa ni Arko ang kanyang sasabihin dahil dumura na naman si Minos ng lason.
"Aaahhh!" naging higanteng ulupong si Minos at agad na sinugod si Arko.
"ColdFlame Wheel!" sigaw ni Arko.
Mula sa kanyang kamay ay may nabuong flat na hugis bilog na gawa sa asul na apoy. Ibinato niya ito kay Minos na tumama sa tiyan ng huli. Unti-unting nagyeyelo ang buong katawan ni Minos hanggang sa tuluyan na itong naging yelo.
Nakaramdam ng awa naman si Arko para kay Minos pagkat konting lakas lang ng hangin ay mababasag na ang katawan ni King Minos.
At nangyari nga ang ikinababahala ni Arko. Isang napakalakas na pagsabog ang nangaling sa di kalayuan. Nabasag at nagpirapiraso ang bantay ng unang poste.
"Haha ! Nagdilang demonyo ka ata Arko!" sabi ni Dran
"Waaah! Congrats Arko!" sabi ni JL.
Hah! Saan galing ang boses na yun?
"A-asan kayo?" sabi ni Arko habang hinahanap si Dran at JL.
"Nandito sa aming poste, may kinakalaban , nag-uusap tayo sa ating mga isip." sabi ni Dran.
"Remember that bracelet? yung telepath? imbensiyon yan ni Dran ! Astig nuh?!" sabi ni JL.
"Maya na muna! may laban pa ako!" sabi ni Dran at bigla na lang nawala ang boses nito.
"Ako din, Arko sundan mo na si King!" sabi ni JL bago mawala.
"Sige" usal ni Arko saka tumakbo papunta sa kinaroroonan ni Del.
Sa lugar naman kung saan naglalaban si Lust at Rook. Dehado na sa laban si Rook na ngayon ay nakadapa matapos magpakawala ng napakalakas na bugso ng hangin si Lust. Nadidistract din siya sa tanawin na nasa harap niya. Paano ba naman ay gula-gulanit na ang damit ni Lust dahil sa pagpapaulan niya ng patalim kani-kanina lang.
"Sumuko ka na!" sigaw ni Lust habang pilit tinatakpan ang katawan.
"Ang bastos ng kalaban kong ito! Kailangan ko na siya tapusin!" sa isip ni Lust.
"Cyclones!" sigaw ni Lust.
Mula sa kalangitan bumagsak ang hindi mabilang na ipo-ipo. Matatalim ang hangin na nasa gilid ng ipo-ipo, madikit ka lamang ay tiyak nang mapupunit ang laman mo. Naglabas ito ng napakalakas na pwersa ng hangin na nagawang matibag ang mga kalapit na sira-sirang gusali.
Nakadapa pa rin si Rook na pilit bumabangon kahit ang mata nito ay nakatuon sa kalaban.
"Hoy! Magseryoso ka nga Nie!" sigaw ni Dran sa isip niya.
"Oo na, oo na" pag tugon ni Nie.
"Sino kinakausap mo dyan? Nagdadasal ka na ba?" tanong ni Lust.
"Oo , nagdadasal ako na sana magtagal pa ang magandang tanawin sa harap ko" sagot ni Nie sabay ngisi.
"Aba talagang bastos ka eh nuh! Cyclones!" Muli, bumagsak ang nagbabanggaang mga ipo-ipo.
Unti-unti nagsilapitan ang napakaraming ipo-ipo kay Nie. Naiipit siya sa gitna at hindi alam kung paano makakaalis. "No choice" usal niya. Matapos ito ay nabalutan siya ng nakakasilaw na liwanag.
"Armour of gods" usal ng Rook.
Kung kanina ay Falcon-eyed at excalibur ang gamit niya ngayon naman ay ibang iba.
Mayroon siya napakatalim na sick sa kanyang kanang kamay habang sa kaliwa naman ay may napakalaki ngunit napakakintab na pananggalang. Ang kanyang baluti ay gawa sa metal na may mga disenyong nakaukit. Ang sapatos niya ay may maliit na pakpak kaya't bahagya siyang nakalutang sa ere. Mayroong ring mga sandatang nakalutang sa kanyang likuran.
Napaligiran siya ng napakaraming ipo-ipo ngunit nakapagtatakang hindi man lamang siya natatangay ng malakas na bugso ng hangin. Nanatili siya sa loob ng rumaragasang mga hangin.
Iwinasiwas niya ang kanyang sickle-- isang 'semi-circular' na patalim na mayroong maliit na hawakan, isang gamit na malimit gamitin pamutol ng mga damo. Sa isang iglap nahati ang mga ipo-ipo at parang bulang naglaho sa kawalan.
Lumutang siya sa pinakamataas na lugar na kaya niyang abutin matapos ito ay tinitigan niya si Virulent sabay ngisi. Inikot niya pa ang balikat niya na parang nagwa-warm up.
"Kailangan na siguro nating magseryoso?"
