ESPYSa mundo na tinatawag na Terra Suelo. Kung saan ang mga taong naninirahan dito ay mayroong natatanging abilidad at kapangyarihan.
Ang Terra Suelo ay mayroon lamang na iisang kontinente na halos sakupin ang buong mundo. Ito ay ang "Kontinente ng Hex".
Ang kontinente ng Hex ay may limang pangunahing bansa.
Sweven- Highlands. Ang mga nakatira sa 'Sweven' ay kadalasang may kakayahang manipulahin ang mga elemento ng mundo. Ang natatanging katangian ng nga taga-Sweven ay ang pagpapalit ng kulay nang kanilang buhok depende sa kanilang elementong gagamitin. Matatagpuan ito sa Hilagang Silangan ng Hex.
Elementalika- Kagubatan. Sinasabing ang ninuno nang mga taga-Sweven ay ang mga taga-Elementalika. Nagagawa rin nilang makontrol ang elemento nang mundo at makapagpalit nang anyo bilang "Sprite" , na nagpapataas nang antas nang kanilang kapangyarihan. Matatagpuan ito sa Hilaga ng Hex , malapit sa Sweven.
Morphrealm - Talampas. Ang mga nakatira rito ay may kakayahang magpalit-anyo sa kahit anong hugis at hulma. Matatagpuan ang kanilang bayan sa Kanluran ng Hex.
Mirage - Disyerto. Ang mga nakatira rito ay mga salamangkero , sorsero , maestro ng ilusiyon at mga alkemiko. Timog-Silangan ng Hex.
Prominenteng pamilya sa Mirage ay ang mga Light. Kung tutuusin ay maaari nilang sakupin ang buong Hex sa kanilang lakas ngunit mas pinili nilang magtiyaga sa init ng buhangin sa disyerto. Ang mga Light ay mayroong ginintuang buhok at mata na tanging sila lamang ang mayroon.
At ang panghuli , ang Amalgam, kapatagan. Halos sakop nang Amalgam ang kalahati ng Hex. Ito ang sentro ng buong kontinente kung kaya't dito malago ang ekonomiya. Iba't-ibang lahi na may iba ibang katangian at abilidad ang nakatira sa bansang ito. Dito rin matatagpuan ang halos lahat ng istruktura at mga gusali .
Dito rin magsisimula ang ating kwento..