TC#9 : Check ! (Black King Awakens)I
Naglalakad sa pasilyo nang paaralan si Del, pauwi galing sa kanyang huling klase. Nasa ikalimang palapag nang kanilang departamento ang klase niya. May pakiramdam siyang may masamang mangyayari ngunit isinawalang bahala niya lamang ito.
Masiyadong tahimik. Walang katao-tao sa paligid na dapat ay mayroon dahil oras nang meryenda ngayon. Napatingin siya sa orasan at nalamang ala-una palang nang hapon.
Ramdam niya na may nakasunod sa kanya kaya hinarap niya ito. Kung sakaling siya si Dran , siguradong matutuwa ito. Pero hindi , naiirita na siya.
Pagharap niya sa likuran ay wala namang nakasunod. Naging vigilante siya. Siya ang sadya ng mga taong kanina pa siya sinusundan.
"Kamusta King ?" sabi nang isang lalaki sa kanya. Si Solstice , ang kanang kamay ni Equinox sa alyansang Solar.
Nagsilabasan pa ang ibang kasamahan nito na sa tantya niya ay sampo hanggang labin-lima katao.
"Ano ang kailangan niyo ?" malumanay na tanong ni Del.
"Wala naman , gusto lang namin nang konting ehersisyo" sabi ni Solstice sabay senyas sa kanyang kasama.
Sumugod ang lahat nang sabay-sabay. Ang isang kasama ni Solstice ay sumuntok kay Del nang napakalakas.
Itinaas ni Del ang kamay niya at sinalo ang suntok na lalaki. Inihakbang niya nang isang beses ang kanyang kanang paa palikuran at buong pwersang ibinalibag ang lalaking sumuntok sa kanya sa mga kasama nito. Natumba ang mga tinamaan sa pagbalibag ni Del samantalang ang lalaking hinagis niya ay tumama sa bintana nang paaaralan at nahulog , MULA SA IKALIMANG PALAPAG !
Del tsk-ed out of disbelief. Wala siyang planong makapatay ngunit napasobra ata ang pwersang ibinigay niya sa counter-attack na iyon.
"Summon , the great Jester ! Divinus" usal ni Del. Dinukot niya ang isang scroll mula sa kanyang likuran at binuksan. Nagliliwanag ang scroll. Maya-maya ay umusok ang buong paligid.
Kinabahan si Solstice sa magiging kahihinatnan niya. Wala siyang pakialam sa mga kaalyansa niya dahil mahihina lamang ito. "Ano pang tinatanga niyo dyan ? Kilos na !" sigaw niya sa mga ito.
Nangatog ang tuhod nang lahat matapos makarinig nang isang 'rattling and creaking sound'. Kaya ang plano nilang pagsugod ay napalitan nang alinlangan. Ayaw pa nilang mamatay !
Unti-unting nawala ang usok at nakita na nila ang pwesto ni Del. May nakatayo sa harap nito na isang payasong kulay itim at puti na may hawak na baston na may rubi sa dulo.. Nangangatal ang ngipin nang manika. Ito pala ang tunog na naririnig nila.
"Ang sabi ko , sugod!" Sigaw ni Solstice.
Bagama't kinakabahan ay sumugod ang mga ito kay Del at sa manika. Lahat nang kasama ni Solstice ay mga taga-department of Elements, mga Swiv's , o mga taga-Sweven.
Nagbago ang kulay nang buhok nila. Lahat ito ay naging dilaw , ibig sabihin ang elementong gagamitin nila ay kidlat.
Naging kasing bilis silang lahat nang kidlat. Napangiti si Solstice. "Hah ! Lagot ka ngayon Del ! The King !" sigaw nito.
Ngunit walang naging reaksiyon si Del. Ganun pa rin ang mata nitong walang kislap. Itinaas ni Del ang dalawa niyang kamay at ginalaw ang mga daliri niya. Dahil dito , itinaas ni 'Divinus' ang setro na hawak niya. Iwinasiwas niya ito sa kanyang harapan. Bumagsak agad sa sahig ang lalaking sumugod sa kanya.
'Paano niya nagawa iyon ?! Maski ako ay hindi nakikita ang bilis ng mga ka miyembro ko !' sa isip ni Solstice.
Sinasalag ni Divinus lahat nang atake nang mga kalaban gamit ang setro nito. Ni walang suntok at sipa ang nakalusot at tumama kay Del. Naging kasing bilis nang mga umaatake ang bilis ni Divinus.
"Tama na yan" sabi ni Solstice. Tumigil ang lahat sa pagkilos. "Sabi ni Equinox , okay lang daw na magsakripisyo nang pawns"
Matapos itong sabihin ni Solstice ay bigla niyang ginilitan sa leeg ang kasamahan niya. Umagos mula sa sugat ang masaganang dugo. Agad nawalan nang buhay ang kawawang sakripisyo.
Nanlaki ang mata ni Del. Dugo. Sumakit ang kanyang ulo. Tila may gustong kumawala mula sa katawan niya. Nawala sa kanyang kontrol si Divinus dahilan para higupin ito pabalik sa scroll.
Dumoble ang sakit nang kanyang ulo at napasalampak siya sa sahig.
Napangiti si Solstice. Gumana ang plano nila. "Tara na" sabi nito sa natitirang kasamahan sabay talikod.
"Mga parekoy , sandali lang. Tee-hee ! Rahahaha !" tila nababaliw na saad ni Del habang pinipilit tumayo. "Sa tingin niyo , makakatakas kayo sakin ?!"
II
"Argh ! Ang tagal naman ni Fantoccio ! Nasaan na naman kaya ang isang iyon ?" tanong ni Eclipse habang sinisipat ang kanyang orasan.
Nasa isang silid siya nang paaralan nang Xanadu Scolu habang hinihintay ang pagdating ni Fantoccio.
Biglang may natumba sa kanyang harapan. Ang kanyang 'Master'. Sinusumpong na naman siguro ito nang gamot niya sa sumpang gumugupo sa kanya.
Hah ! Kung mamatay ka na lang kaya ? Sa isip-isip niya habang pinagmamasdan ang gumagapang niyang master upang kunin ang gamot.
Napatingin siya sa sugat nito. Isang napakahabang hiwa mula leeg hanggang tagiliran sa kaliwa nito. Naglalabas ito nang mga pus , na masangsang ang amoy na tila nabubulok.
Nabigla si Eclipse sa biglaang pagbabago nang ihip nang hangin. Bumigat ito at nakakakaba.
"Black King ..." sabi niya sabay tayo.
III
"Anito nang sinaunang panahon !
Sundin aking mithiin
Pagalawin at kontrolin!
Mga kaluluwang may poot na lihim!"
bigkas ng isang binata sa loob ng Cafeteria ng Xanadu Scolu. Ang binata ay nakauniporme ng katulad ng estudyante. Matipuno ang katawan nito, kulay pula ang buhok at kapansinpansin dito ang pula nitong mata.
Matapos umusal ang dasal. Umulan ng kulay pulang sinulid na galing sa kamay ng binata. Tila hindi man lang ito pinansin ng mga estudyante at patuloy lang sa kanilang ginagawa. Maya-maya ay bumagsak sa sahig ang kalahati ng mga estudyante na nasa Cafeteria. Nang tumayo ang isa sa mga estudyanteng natumba, kinuha nito ang kanyang ballpen at sinaksak ang kanyang kasama. Matapos ito, lahat ng mga natumbang estudyante ay isa isang gumalaw na tila wala sa sarili at inaatake ang kapwa nila estudyante. Sa isang iglap nagulo ang kaninang tahimik na lugar at wala silang kaalam alam kung sino ang may gawa.
Napangiti ang binatang may pulang mata.
"Umpisahan na ang palabas ! Rahahaha !"
--
(A/N: Hahaha ! Gumagapang na ang depresiyon sakin :) Tanong ko lang.. May kwenta pa ba pinagsusulat ko dto ?? -.- :/ :3 so .. ciao muna. d ata ako makakapagupdate -.-)