Extra ChapterNie's POV
Naghikab ako at nag-unat nang mga braso ko. Nakakapagod ang laban ko kagabi. Ugh, di'ko alam kung nakailang rounds kami nu'ng, nu'ng sino na nga ba iyon? 'Di ko na maalala ang pangalan niya.
Hayaan na nga. Panibagong araw. Panibagong pagkakataon nang mga tao sa Xanadu Scolu na masilayan ang angking kong ka-gwapuhan.
Tumayo ako sa kama ko at pumunta sa may lababo. Napalawak ang ngiti ko.
"Hello! pinakamagandang lalaki sa balat ng lupa" sabi ko sa repleksiyon ko sa salamin. Hinawakan ko ang baba ko at lumingon sa pakaliwa at kanan. Ang gwapo mo talaga Nie, maging ako ay naakit sa'yo.
Okay, time for bath. Naghubad ako ng t-shirt, kinuha ang tuwalya sa likod ng pinto at sinabit ito sa balikat ko. Lumabas ako sa kwarto at nagsimulang kumanta.
"Ako si Nie na gwapo,
Padala nang langit
Sa mga kumontra,
Pumutok ang mukha.
Sayang ang kagwapuhan ko!
Kung hindi makikita,
Kahit sa pagkain
Mas yummy pa ako. Hmmm..."Binuksan ko ang pinto ng banyo habang patuloy sa pagkanta.
"Nie, pati ba naman boses mo? Napaka-gwapo?"
Napasarap ang pagligo ko. Ramdam na ramdam ko ang marahang pagbagsak ng tubig sa mukha ko mula sa shower. Isang payapang oras sa panahon ng Tassein Czar.
Noong unang inalok ako ni Dran at Del na sumali sa binubuo nilang grupo, hindi ako pumayag. Aba! Ayokong mamatay nang maaga nang hindi naipapalaganap ang apelyido ko sa buong Terra Suelo ano. Atsaka, hindi ko rin nuon maintindihan kung bakit may ganitong klaseng patimpala.
Doon ko nalaman, isang bagay nga pala ang kumukontrol sa mundong ito. Kapangyarihan. Kapag malakas ka, ikaw ay maaaring upo sa trono kasama ang iba pang malalakas.
Kaya ako sumali, for popularity. Ang gwapo ko kasi.
Dran and Del, hindi sila madalas magkibuan ngunit masiyado silang malapit sa isa't-isa na tipong tingin palang alam na nila ang nais ipahiwatig. Nakakatuwa na nakakatakot. Maraming lihim. Maraming nakatagong kapag sinubukang tuklasin ay hindi ka na mabubuhay. Para kang pawn na sumuong sa kampo ng kalabang piyesa na wala man lamang na tulong.
Natapos akong maligo na malalim ang iniisip. Ngayon ba? Popularidad pa rin ang nais ko?
Isang matinis at nakakabinging tili ang narinig ko. Napatigil ako sa pagpunas ng buhok ko dahil du'n. Halos mapapikit din ako.
"Hoy! Bakit ka ba natili?" sigaw ko sa kung sino man. Wait-- babae ba yung boses na yun? Sa babaeng tabla?
Patuloy pa din siya sa pagtili kaya nainis na ako. Bigla ko siyang hinatak papasok sa banyo at idikit sa pader. Sinara ko ang pinto dahil paniguradong tutuksuhin ako ni Dran kapag nakita niya tong babaeng to.
"Anong ginagawa mo rito Lily?!" sabi ko sabay dilat ng mata.
Tumingin siya sa mata ko tapos bigla siyang tumingin sa baba at biglang tumili.
Ugh! Ang sakit sa tenga!
Tinakpan ko ang bibig niya. "Anong problema mo? Kumalma ka na nga muna. Nakakabingi ang tili mo"
Nang kumalma siya. Tinanggal ko na ang kamay ko at humalukipkip. "Now, what?"
Napaiwas siya ng tingin pero pansin ko ang pagtingin niya sa baba. Ano bang problema nitong babaeng to?!
"Uhh, Nie? Can you please wear your clothes or, or boxers maybe?"
Nanlaki ang mata ko at napatingin sa baba. Oh hi li'l Nie. Este bwesit! Kaya pala ang lamig. Malas talaga itong babaeng to.
Nagtapis ako ng towel sa harap niya. Itatago ko pa ba eh nakita niya rin naman. Atsaka hindi naman nagalit si li'l Nie kaya wala akong gagawing masama.
Hinawakan ko ang kamay niya at sinama palabas ng banyo. "Bakit ka ba nandito? Umagang-umaga. Panira ka nang maganda at gwapo kong mood eh"
Nakarinig ako nang malalim na paghinga bago siya sumagot. "Binibisita lang kita. Alam mo nang may laban ang Chess mamaya sa Myriad at gusto kong makasama ka dahil alam mo na baka huling araw ko na 'to--"
Napanting ang tenga ko dahil sa sinabi niya. Magsasalita na sana ako nang biglang sumabat si Dran na nakaupo sa sofa. Nalintikan na. Alam kong mukhang anghel ako at nagdadala sa mga babae sa langit pero bakit ngayon pa ako nagdilang anghel?!
"Haha! Umagang umaga Nie. Hindi mo agad napigilan? Tsk" aniya sabay tiklop nang binabasa niyang libro. "Oh well, lumabas sina Ces at JL, si Arko nasa battlegrounds at si Del hindi ko makita. Aalis na rin ako para solo niyo ang bahay"
"Wait, takte Dran let me explain!" sigaw ko sa nakalabas nang si Dran. Takte, para akong nahuling nanloloko sa sinabi ko.
Napahilamus ako nang mukha at napatingin kay Lily. Malas ka talaga.
"Ugh, labas tayo Nie. D-date?"
"Para sa'n? Anong okasiyon?"
"Para kung sakaling huling araw ko na 'to. May babaunin akong magandang alaala" aniya sabay nangilid ang mga luha.
Hindi ako komportableng nakakakita nang babaeng umiiyak. At wala akong alam na puwedeng maka-comfort kay Lily. Kaya tumayo ako at hinawakan ang babae niya. Nagkatinginan kami saglit at siniil ko nang halik ang labi niya.
It ecstastic. Sa hindi ko inaasahang pangyayari pumikit ako. Masama 'to. Ayokong ma-attach masiyado sa babaeng ito dahil hindi ko alam kung anong mangyayari kung may mawala pa sa'kin. The situation is getting out of my hand. But for now, I know I'm happy.
I moved closer to her ang hug her tight. Ilang segundo na ang tinagal nang aming halik pero walang bumibitaw at sa unang pagkakataon, ako si Nie Bust ay rumespeto nang babae. Tinigil ko ang halik at pinunasan ang kanyang luha.
"Baliw. Wala ka bang tiwala sa sarili mo? Hindi mo mapaglalaruan si Nie Bust nang ganoon lang kung hindi ka malakas. Remember the day we first met. The day you scarred my handsome image"
Namula siya at ngumiti. She mouthed thank you to me. And hugged me. "I love you"
Hinaplos ko ang mahaba niyang buhok at ngumiti. Mahal mo ko dahil tinamaan ka nang pana ni kupido, literal. Kapag nawala ang epekto noon, hindi ko masasabi kung mamahalin mo pa rin ba ako.
"Hindi ko hahayaang mapahamak ka. Ako pa ba?" bulong ko sa kanya.
----
Mauso man ang iba pang labteam. #NiLy pa rin ako. wooph!
Anyways. Sorry sa matagal na update sa lahat nang kwento ko. Nawalan kasi kami ng driver kaya nawala yung drive ko para magsulat. Haha! Gets niyo?!
Ang extra chapter na ito ay pasasalamat sa lahat nang nagbabasa. Mapasilent reader man o hindi. Thank you for the 4k reads.
Ps: Sinong kumanta ng verse sa taas sa tono nang ako ay may lobo?! haha
Survey: Ano sa tingin niyo ang ending nang kwentong Tassein Czar?