TC#25 : Ravine vs. Chess
3rd Person
Nagkarating na ang Chess sa kampo nang Ravine. Agad nilang inalerto ang sarili nila ng maramdamang may nakatingin sa kanila.
"First Circle" nakangiting sabi ni Dran.
"Arkz dude , ikaw na bahala dito ah ?" sabi ni Nie.
"Waaah ! Paano kung matalo si Arko ? First time niya lalaban tapos sa Ravine pa agad ? Paano kung mapahamak siya ? Paano kung.. paano kung mamatay siya!" sabi ni JL.
"Ano ka ba JL. Huwag mo naman takutin si Arkz dude" saway ni Nie kay JL.
"Oh paano Arko ? Ingat na lang. Sumunod ka agad pagkatapos mo dito" wika ni Dran.
"Tara na !" biglang sabi ni Del. Agad umalis ang apat na miyembro ng Chess at iniwan si Arko sa unang poste.
Ito ang plano nila. Alam nilang magbabantay lang ang Ravine sa napili nitong kampo kaya mas pinili nilang sila ang umatake. Bawat lugar papasok sa kampo ng Ravine patungo da lider nila ay may bantay
They can not advance unless they can defeat each who guards the circle.
"Sssssino ang pangahasss ? Handa ka na ba para sssa iyong katapussssan ?!" salita ng hindi kilalang nilalang na nasa likod ni Arko.
Buong tapang na hinarap ito ni Arko at nagsalita .
"Ako ang Pawn. Arko Void" sabi ni Arko.
"Ssss! Ito ang Unang Palapag papuntang impyerno. Ako ang Limbo, King Minosss !" sigaw ng nilalang.
Naaninagan ito ni Arko. Nagulantang siya ng makita ang isang lalaking nakaitim na damit. At may balahibo ng uwak sa balikat. Dominante sa dilim ng gabi ang mata nitong sa ahas.
Agad sumugod kay Arko ang nilalang na tinatawag ang sarili niya bilang King Minos
Samantala ay nakarating na si Nie sa pangalawang poste ng kalaban. Agad niyang nakita ang babaeng kayang makakaharap.
"Binibini ? Ikaw ang bantay ng second circle ? Anong pangalan mo ?" Tanong ni Nie na ngayon ay nasa ikalawang poste na.
"Ako si Virulent Fog. Ang Lust" sabi ng babae. Nakasuot ito ng hapit na damit na hanggang tiyan lamang ang haba. Kita rin ang kalahati ng dibdib nito na nagpa ngiti kay Nie.
"Pffft ! " pagpipigil ng tawa ni Nie.
"Anong nakakatawa Rook !" sigaw ni Lust.
"Wala may naisip lang ako ahahaha!" pagtawa ni Nie.
"Pffft ! Virulent a.k.a "Lust" Fog! Wahaha ! ok ahaha !" pagtawa ni Nie sa isipan.
"Ahhh ! Nakakairita ! Tanggapin mo to !"
---
3rd Person
Hah ! Ang bilis niya. Hindi ko siya mahuli. Sa ngayon ay tanging pagsuntok lamang ang nagagawa ko sa Minos na ito. Naiilagan niya ito agad , samantalang hindi ko man lang maiwasan ang kanyang mga pag atake. Sa isip ng Pawn.
Isang morpher siguro siya dahil ang balat niya ngayon ay parang may kaliskis at ang dila nito ay katulad ng sa ahas.
"Haha ! Alam mo bang ikaw ata ang pinakamahina sssa Chessssss ! Kahihiyan ! Sssayang ! Sssi Dran pa naman ang gusssto kong makaharap !" wika ni Minos.
Tila napanting ang tenga ng Pawn sa kanyang narinig. Totoo siya nga ata ang pinakamahina pero hindi siya kahihiyan. Kaya niyang makipagsabayan sa miyembro niya.
Kinuha niya ang dalawang botelya na nakakabit sa kanyang bewang. Kulay asul at puti ang laman nito. Ibinigay ito sa kanya ni Dran.
"Haaaaaah !" pagsigaw ni Arko. Unti-unti nagiging itim ang buo niyang katawan. Ginagamit nita ang kanyang Elemental Sprite form. Gamit ang dalawang botelya ay naging kalahati ang kulay ni Arko. Kalahating asul at puti.
"Ssss ! Ako na ang tataposs sayo !" Biglang inatake ni Minos ang Pawn. Nang mahahawakan na niya ito ay agad naglaho sa hangin ang Pawn.
"Aero Scissors !" sigaw ng Pawn. Humulma ang hangin sa kanyang paligid bilang isang matatalim na hangin. Ipinukol ito ni Arko kay Minos ngunit walang kahirap hirap lang itong naiwasan ni Minos.
"Mabagal !" sigaw ni Minos. Inilabas niya ang kanyang pangil at inatake niya si Arko ng direkta.
"Ice Cage !" nagliwanag ang kalangitan matapos itong sabihin ni Arko. Bumagsak sa kalangitan ang napakalaking ulan na agad tumama kay Minos. Nakulong si Minos sa loob nito. Unti-unti ay naging yelo ang tubig dahilan upang kasamang magyelo si Minos.
Sa kabilang banda, patuloy na naglalaban si Nie at Lust.
Suot suot na ni Nie ang kanyang Falcon-eyed at hawak na niya ang excalibur.
Pinauulanan siya ni Lust nang napakaraming ipo-ipo dahilan upang mapako siya sa kanyang kinatatayuan. Wala siyang magawa dahil maaring matangay siya ng hangin pag gumalaw siya .
"Haha ! Kasalan mo yan Rook ! Minaliit mo ako ! Wala ka na bang ibang ipapakita kundi ang baluti mong iyan?" sabi ni Lust na humuhulma ng panibagong ipo-ipo sa kanyang kamay.
"Shooting stars!" sigaw ni Nie. Matapos ito ay umulan ng sangkatutak na patalim sa puwesto ni Lust. Kung hindi niya lang ito napansin ay malamang na malubha na ang kalagayan niya. Nadaplisan ang kanyang damit dahilan upang malahad ang kaliwang dibdib niya.
Napangiti ng sobra si Nie sa napagmamasdan.
"Haha ! Ang swerte ko witwew !" sabi niya sa kanyang isipan.
Dahil nawala sa konsentrasiyon ay agad naglaho ang kapangyarihan ni Lust. Inikot ni Nie ang kanyang balikat na parang minamasahe.
"Masakit yun babe ah ! Pero ako naman!" sigaw ni Nie na nakangisi.
Pilit naman tinatakpan ni Lust ang kanyang katawan mula sa mahalay na mata ng kanyang kalaban.
"Manyak ng bwesit na ito !" sigaw ni Lust sa isip niya.
"Ahh! Bastos ka! Manyak" sigaw ni Lust at nagpalabas pa siya ng napakaraming ipo-ipo.
Samantala , si Lily Laverinth na nanunuod din ng laban sa taas ng mga sirang establishemento ay di maiwasang mag-init ang ulo dahil sa kamanyakan ni Nie. Nabali niya pa ang hawak niyang lolipop dahil sa inis. Siya ang nakatokang magbantay sa galaw ng ibang kalaban na maaaring makigulo sa laban nila sa Ravine. Kasama si Ces na siyang poprotekta sa kanya. She had made an illusion around the area to divert the attention of other alliance or guilds.
"Waaah ! Ang lolipop ko ! Grr ! kasalanan mo to Nie Bussst !" sigaw ni Lily.
"Achoo !" biglang pagbahing ni Nie.
"May umiisip kaya sakin ? Malamang ! Ang gwapo ko kasi" sa isip ni Nie.
"Blade shower !" sigaw ni Nie. Mula sa kanyang kinatatayuan ay lumabas ang mga patalim na hindi mabilang. Ang mga ito ay lumilipad sa iba't-ibang direksiyon. Inilagan itong lahat ni Lust subalit natatamaan rin siya dahil sa dami ng patalim.
---
"Pa-papaanong nabasag niya ang yelo " takang tanong ni Arko.
Bigla na lamang kasi nagkalamat ang kanyang Ice Cage at sumabog. Mula dito lumabas si Minos na tila walang tinamong sugat.
Umatake agad si Minos. Mahahagip na sana si Arko ng pangil ni Minos pero niyelo lamang niya ang bibig ni Minos. Walang kahirap-hirap namang binasag ito ni Minos.
"Mahina ka !" sigaw ni Minos at muling sinugod ang pawn.
Naging ahas ang buong katawan ni Minos. Isang dambuhalang ahas na may mga kamay.
Agad na pinuluputan ni Minos si Arko at sinagpang sa leeg ang huli. Bumaon ang pangil ni Minos sa leeg ni Arko. Matapos ito ay binitawan na niya at itinapon sa sahig ang naghihingalong Pawn.
"Haha ! Mamatay ka na ! Ang lassson ko ay nagpapatigil sa tibok ng pusssso ! haha !" pag tawa ni Minos kay Pawn.
