†Pagbalik....†

2.1K 145 4
                                    

All rights reserved for Sword Seeker #2 (War of the Gods). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.

°•○ ENJOY •°

Gabriel's POV

Parang naging mahina ang oras. Hindi sapat ang bilis ko para pigilan ang kapangyarihan ng tinakda. Isang na mumuong gintong enerhiya ang ipapalabas niya, at ang mala pagong kong kilos ang magsasagip sa lahat. Sana nasa oras pa ako!

At sa mga oras na ito, isa lang ang nasa isip ko, ang maitumba ko lang ang tinakda. Agad kong tinulak ang katawan niya at kasing bilis rin ng hangin ang paglipad ng enerhiya ng tinakda.

Sa oras na natumba kami sa lupa, isang nakakakilabot na tawa ulit ang binitiwan niya. Agad akong dumistansya sa kanya, at napa hinto naman ako nung may bakas na sakit sa mga mata niya.

"Sinayang mo ang maganda kong enerhiya." Malungkot na sabi niya. Di dahil sa itim niyang mga mata ngayon, sigurado akong nalinlang na ako kanina pa. Hindi ko akalaing, ganito mag-isip ang spada ng langit. Para siyang isang buhay na nilalang kung mag-isip. Hindi maganda ito.

"Itigil mo na ito. Sa sakripisyong binigay ng tinakda para sa mga piraso mo ay sapat na napatunay na siya ang totoo mong tagapangalaga." Sabi ko.

Naka titig lang siya sa akin. Nagwawala na ang malaking apoy sa mga bahay sa paligid, panalangin ko nalang na wala ng mortal na naiwan sa lugar na ito. Puno ng banta, taksil, galit, at iba pang-emosyon ang mga mata ng tinakda. Pero may isang bagay paring natira, isang pagmamakaawa ang bigla kong nasilayan.

"Magsisimula na ako." Rinig ko sa kanya.

Biglang bumilis ang puso ko nung bigla nalang siyang na wala. Sumulpot siya bigla sa harapan ko, at sa isang mabilis niyang galaw, nagawa niyang hawakan ang kamay ko. Ramdam ko ang parusa ng kapangyarihan niya, at nagawa ko ring hawakan ang kamay niya.

Hinila ko ang kabila niyang kamay at inikot ito para sumabay ang katawan niya, ayuko man siyang saktan pero kinakaylangan ko parin siyang pigilan. Nung nagawa ko ito, bawat tibok ng puso ko ay kasing sakit ng itim na kidlat habang nakikita kong na sasaktan ang tinakda.

"UGHH!"

Napaka lakas niya, ni hindi ko nga siya mapigilan ng maayos. Sa mga insayong ginawa namin noon, mukhang nabayaran lahat ng yun. Malakas na nga ang tinakda, isa rin ito sa kinatatakutan ko, may posibilidad na di niya na ako makikilala.

⊙﹏⊙

"Hindi na ba tuwid ang isip mo ngayon, Gabay?" Bigla niyang salita, sabay sipa sa likod ko.

Sa lakas nito, nagawa niya akong paatrasin palayo. Agad akong umayos at gayun din ang ginawa niya. Kita ko ulit ang kakaiba niyang ngiti at kalahati ng katawan ko ay sinusuway ang kagustohan kong manatili. Ginagamit niya ang tali ko sa kanya, isang paham na galaw sa isang paham na isip.

BOOOM!

Bigla nalang akong nakarinig ng pagsabog at dinala naman ang mga mata ko sa kalangitan. Nagtipon-tipon ang mga itim na ulap sa taas at di rin maitago ang mga kidlat na nagwawala. Pero hindi ito ang nagpatigil sa akin, kundi ang isang nilalang na parating.

Naka latag ang higante nitong pakpak sa langit at kasing bangis ng isang Alor ang pagsigaw nito. Na mumukhaan ko ang nilalang na ito. Kung hindi ako nagkakamali, isa itong Ali ng isang pulang dragon.

Sword Seeker #2 (War of the Gods) COMPLETE!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon