†Part 2: Ang pagtatapos.†

2.3K 130 27
                                    

All rights reserved for Sword Seeker #2 (War of the Gods). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.

°•○ ENJOY ○•°


Luna's POV

Limang taon....... 

Limang taon na ang nakakalipas at buhay pa ako. Hindi ko lubos maisip na nalagpasan ko lahat ng mga pagsubok ko bilang panibagong diyos ng kalawakang ito. Bumalik sa date ang lahat, maliban sa tumatayong mundo ngayon. Nanatili itong isa at sa mga taong lumipas, nagkakaroon na ng panibagong hakbang ang mga mortal sa bagong mundo. Marami akong natutunan dahil dito at isa na dito na hindi pala madaling maging diyos. Napakalaki nga ang napasaaking responsibilidad at parang mas hinahangaan ko pa lalo ang ina ko dahil napanatili niya ang kaayosan hanggang sa nawalan na siya ng kapangyarihan.

Hindi ko pa talaga matatawag ang sarili ko na magaling, hindi pa ako nakakalahati sa mga nagawa niya. Kahanga-hanga talaga siya.

Sa limang taon kong pagiging diyos, nasanay na rin akong hindi matulog. Simula ng paggising ko sa silid, yun na ang kahuli-hulihang paggising ko galing sa pagtulog. Normal raw ito, ito ang paliwanag ni Xion noon sa akin. Pero habang tumatagal ako sa pwesto, kahit katiting na pagsisi ay naibura sa akin. Nagawa kong tanggapin ang lahat. Lahat ng trabahong napasaakin ay tinanggap ko buong puso. At alam ko sa sarili ko, kakayanin ko ang lahat hanggang sa huli ng buhay na ito.

"Handa ka na ba, mahal na panginoon?" Biglang dating ni Xion sa harapan ko. Yumuko siya at umayos. Si Xion ang naging kanang kamay ko, wala na akong ibang naisip pa na karapat dapat sa pwestong ito maliban sa kakayanan ni Xion.

"Pinaghintay mo ako ng limang minuto." Salita ko at pansin ko ang ngiti niya. Nagbago man ang pananaw nila sa akin, pero hindi parin maiwasan ang mga oras na parang bumalik kami ulit sa date.

"Ipagpaumanhin niyo po, panginoon. Matagal pong dumating ang mga kawal ng itim na diyos." Paliwanag niya.

"Tsk! kahit papano talaga ang lalakeng yun!" Inis kong sabi.

"Sa bulwagan po tayo ngayon." Tumango naman ako pagkatapos nun. Yumuko siya at na wala na.

Huminga ako ng malalim at hinanda ang sarili. Bakit kaya hindi nagpapakita ang itim na diyos? Simula nung nasa silid kami, limang taon na ang nakakalipas, paminsan minsan nalang siya nagpapakita sa akin. At ang nakakainis lang, nagagalit ako sa sarili dahil dun! Ugh! Lecheng taling ito!

At ngayon?! mga kawal ulit ang ipapaharap niya sa akin?! Pinapagalit niya ba ako o ano?! 

"Humanda ka, tipaklong ka!" Inis kong sabi.

Pinikit ko na ang aking mga mata at inisip ang sarili na naka upo sa trono ng bulwagan. At sa pagbukas ng aking mga mata, nasa harapan ko na ang mga alagad ko.

Di naman nagtagal, nasilayan ko ang dalawang kawal na naka itim. Napaikot naman ang mga mata ko dahil sa kapangitan nito. Talaga bang siya ang may gawa sa kanila? Ano bang klaseng utak meron ang lalakeng yun. Habang tumatagal, lahat ng ipapadala niyang kawal ay umaakyat rin ang kapangitan nila.

"Mahal na panginoon, pinadala po kami ng inyong kabiyak na ang itim na diyos para sa isang kompirmasyon." Lumabas naman ang ugat sa noo ko dahil dun. Talaga bang tinuruan niya ang mga tong tawagin siyang kabiyak ko?!

"Kompirmasyon?" Tanong ni Xion na naka tayo sa kanan ko.

"Hahatiin po ng panginoon ang lagusan ng mga patay." Kumunot naman ang noo ko dahil dun. Tiningnan ko si Xion na nalilito at agad niya namang na basa ang mukha ko.

Sword Seeker #2 (War of the Gods) COMPLETE!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon