†Part 7: Ang pagtatapos†

3.3K 159 27
                                    

ⓒ All rights reserved for Sword Seeker #2 (War of the Gods). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.

°•○ ENJOY ○•°


Luna's POV

Hindi ako makapag-isip ng tuwid dahil sa ng yari kahapon. Ang mga salita ni Gabriel ay parang isang bomba na nag-iwan ng malaking pagsabog na kay hirap hirap ng mag-isip ng tuwid. Hindi ma wala sa isip ko ang huling sinabi niya.

Bakit naman nagpakita ang makapangyarihan sa kanya at binigay ang Zurook kay Gabriel para ibigay sa akin? Ano bang kagustohang mangyari ng makapangyarihan? Alam kong may ipinapahiwatig siya nito, alam ko sa dumadaloy na dugo ko. Pero ano?

⊙﹏⊙

Nagulat ako nung bigla nalang lumindol at agad na sumulpot si Xion sa silid ko. Napa tingin ako sa taas at sumasayaw na ngayon ang higanteng ilaw sa taas.

''Ano bang ngyayari?'' Agad kong tanong kay Xion.

''Ang panginoong itim.....'' Sa oras na narinig ko ito, agad naman akong umalis at hinanap ang panginoong itim.

Ano nanaman bang ginawa ng lalakeng yun?! Uupakan ko talaga siya kung may ginawa nanaman siyang hindi maganda!

Niramdam ko ang buong palasyo pero hindi ko ramdam ang prisensya niya. Na inis naman ako lalo nung hindi parin tumigil ang paglindol sa palasyo ko. Kita ko ang mga gintong kawal na lumabas at ilan sa mga monghe ay nag sitinginan sa labas ng higanteng bintana.

Di na ako nagpaligoy ligoy pa at lumabas na rin. Agad kong pinalabas ang spada ng langit at nag masid sa kalawakan.

(⊙﹏⊙)

Muntikan ng mahulog ang baba ko at pumutok ng mga mata ko dahil sa na kikita ko ngayon. Kinusot kusot ko ang aking mga mata at nanatili ang nakikita ko.

Bakit nandito ang itim na palasyo sa labas?!

''ALVAMO!'' Sigaw ko at di rin nagtagal, lumantad siya sa harapan ko. ''ANO BANG GINAGAWA MO?!''

''Nagustohan mo ba ang pangyayaring to aking reyna? Isa itong napakalaking pagbabago sa ating kasaysayan! At dahil ito lahat sa pagtanggap mo sa akin.'' Napataas naman ang kilay ko nun.

''Ano bang pinagsasabi mo gung-gung ka?!'' Sigaw ko ulit.

''Hindi mo ba na alala ang ngyari kahapon? Binuksan mo ang puso mo sa akin. Isa itong pagtanggap.....''

''A-an... wal... hu?'' Gumulo ang utak ko dahil dun.

''At dahil dun, tinutupad ko lang ang sinabi ko noon. Sa oras na matatanggap mo ako, magiging isa na tayo. Kaya ito, magiging isa na ang lokasyon ng ating palasyo.''

⊙﹏⊙

Na alala ko ang mga sinabi niya noon pero hindi ko akalaing totohanin niya ito! Pero ang pinagsasabi niyang pagtanggap, san ba banda yun?! Gumagawa ata siya ng storya!

Kumidlat bigla sa utak ko at may naalala akong isang bagay.

⊙﹏⊙

ANG HALIK!

Kita ko ang ngiti niya dahil sa reaksyon ko at alam kong alam niya na ang iniisip ko. Parang humiwalay lang bigla ang kaluluwa ko sa katawan!

''Masaya kaming paglingkoran kayo mahal na reyna.'' Biglang bati ni Ereest. Yumuko siya at nasa likod niya ang libong hukbo ng itim na diyos.

Sword Seeker #2 (War of the Gods) COMPLETE!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon