† Daan sa buwan †

3.5K 156 1
                                    

ⓒ All rights reserved for Sword Seeker #2 (War of the Gods). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.

°•○ ENJOY ○•°

Sheena's POV

Sa wakas! umalis na rin kami sa lugar namin kanina. Hindi ko kasi maintindihan ang enerhiyang kumakalat sa lugar na yun. Nakakatindig kaliskis talaga!

Matapos mag-usap nila Luna at Gabriel, ewan sa palaka kung saang lupalop sila nag-usap, ay umalis na kami. Hindi ko nga alam kung bakit parang problemadong problemado si Gabriel nung lumapit siya sa amin, para siyang na matayan na ano. Si Luna naman ay parang, patay! hindi nagsasalita sa amin nung dumating rin siya.

Nag-away kaya ang dalawang yun?

"Wag mo ngang hintaying hilahin ko yang makaliskis mong pwet para bumilis yang paglalakad mo!" Rinig ko kay Valdesis at nagmadali naman akong pumunta sa kanya.

Ang planong binigay ni Gabriel ay ang sinunod namin. Tatlong grupo ang ginawa namin at naghiwalay hiwalay. Hindi ko man maintindihan kung bakit pero ang paliwanag nitong kasama ko na kung may mahuhuli o mawawala man sa amin, katulad sa mga bakas kanina na bigla nalang nawala, ay may dalawang grupo paring sasagip.

Kasama ko si Valdesis, magkasama naman sina Syrrah at Gabriel, sina Luna at Renzo naman ang magkasama. Na pagkasundoan namin na maghiwalay hiwalay ng daan pero iisang dereksyon parin ang lalakarin namin at yun ay silangan, papuntang lugar ng buwan.

Kahit ilang araw na akong naglalakbay kasama sina Luna, na mamangha parin ako sa mga lugar na panibago sa paningin ko. Ang karagatan ay ang kinalakihan ko, kaya naninibago ang katawan ko dahil walang tubig na humahalik sa katawan ko. May mga oras rin nga na ng hihina ako dahil kinakaylangan ng katawan kong ma babad sa tubig, mabuti nalang at buhay pa ako hanggang ngayon!

"Ano ba isda!" Sigaw ulit ni Valdesis.

"Oo na nga oh!" Nagmadali naman akong maglakad nun.

Ang bilis niya talagang maglakad! nagmamadali ba ang lalakeng to?!

"Wag na wag kang magpapahuli kung ayaw mong matangay ng mga nilalang sa paligid." Napa tingin naman ako nun sa kanya.

Anong ibig niyang sabihin dun? habang naglalakad kami, patingin tingin naman ako sa paligid dahil sa sinabi niya. Ilang sandali naman nun, na raramdaman ko ulit ang kakaibang enerhiya sa paligid.

May bigla akong na ramdamang parating at agad namang nagwala ang puso ko, lumingon ako sa likod at agad na pinalabas ang kapangyarihang yelo ko. Isang bagay ang na tamaan ng kapangyarihan ko pero nung tiningnan namin ito.

⊙﹏⊙ I-isang.......

"Ibon?" Valdesis.

Agad akong lumuhod at inangat ang nilalang na naging yelo. Para na akong maiyak dahil sa ginawa ko, na patay ko ang isang nilalang dahil sa gulat!

"Nako nako! na patay ko ang nilalang sa mundong to! isa akong maka salanang Aquireen! PATAWARIN MO SANA AKO PANGINOONG ASEEFANAH!" Sigaw ko sa kalangitan at biglang tinakpan ni Valdesis ang bibig ko. Pansin ko ang galit sa mukha niya at parang mas natakot pa ako nun kesa sa parusa ng panginoon.

Nanlaki naman ang mga mata ko nung hinablot niya ang nilalang sa kamay ko at sinuntok ang lupa, nagkaroon ng butas ang lupa at agad niyang tinapon ang nilalang sa loob nito, tinakpan niya ito at tinusukan ng isang sanga.

Sword Seeker #2 (War of the Gods) COMPLETE!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon