ⓒ All rights reserved for Sword Seeker #2 (War of the Gods). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.
°•○ ENJOY ○•°
Luna's POV
Bigla akong napapikit dahil sa isang malakas na liwanag na kumalat ulit sa paligid. Parang masusunog ang mga mata ko sa lakas at sa pagkawala nito....... parang mahuhulog na ang mga mata ko sa aking nakikita.
"Ang makapangyarihan............." Parang mauubos ang hininga ko pagkatapos kong marinig kay Alvamo ito.
Pinikit pikit ko ulit ang mga mata ko, pero walang nagbago. Totoo ngang nandito ang makapangyarihan! At dahil sa kaisipang yun, tumakbo ng mabilis ang puso ko.
Bakit siya nandito? Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan, siguro dahil hindi ko pa nagagawa ang misyon ko. Kahit kaylan, isa talaga akong mahina!
Ang pagdating niya ba dito ay nagkakahulogang hindi ako nagtagumpay? na sa kahinaan ko, siya nalang ang tatapos nito? Malamang tama ang naisip ko. Ni isa sa plano ay wala akong natapos! Ni hindi nga ako nakakalahati sa plano ko sa labang to!
Nabigo ako, ulit.
Isa lang ibig sabihin nito, naging baliwala ang lahat ng ginawa ko dahil nabigo ako. Nanginig naman ang kamay ko dahil dun, tiningnan ko ito at maluha-luha dahil sa hindi nito normal na pagnginig.
Lahat ng sakripisyo.............. ay masasayang!
"Tinakda." Bulong sa kanan ko.
Hindi maaari!
"Hindi pwedeng masasayang ang lahat." Bulong ko at nanginig lalo.
Isang pwersa ulit ang lumabas at agad naman kaming napa atras dahil dun. Ramdam ko ang kumakalat na kapangyarihan sa paligid, parang ang lakas lang nito na hindi ko mapigilang mapaluhod. Kita ko rin ang pagluhod ni Alvamo at ng mga nilalang ng langit. Hindi malayong, ito ang totoong kapangyarihan ng diyos ng mga diyos. Para akong malulunod sa lakas!
"Tumayo kayo mga diyos ng kalawakan at mga alagad ng langit." Agad itong sinunod ni Alvamo, pero nanatili ako sa aking pwesto. Hindi ko parin alam kung anong posisyon meron ako sa kalawakan. "Tumayo ka, tinakda ng langit."
Sinunod ko naman ito pero umiwas sa kanyang mga mata. Napaka walang kwenta ko talaga! Hiyang hiya ako sa sarili at lalong lalo na sa makapangyarihan.
"Kita kong limang bitwin ang pinasabog niyo sa kalawakan ko. Hindi niyo ulit ginamit ang pagiging paham sa pangyayaring to. Hindi niyo inisip ang magiging resulta nito sa mga mortal." Yumuko ako lalo dahil dun. "Pero gayun pa man, tumigil ito dahil sa salita ng tinakda."
⊙﹏⊙
Agad akong napa tingin sa kanya nun. Gumulo lalo ang utak ko at napa tingin sa ibang nan dito. Tinitigan ako ni Alvamo at gayun din ang mga kasama ko.
Ano ba ang sinasabi niya?
"Binabati kita, tinakda." Napa lingod ako sa nagsalita at nakita ang panginoong Therina. Na babalot parin siya ng liwanag pero ang kasuotan niya ngayon ay nagbago.
Ano ba ang pinagsasabi nila?! Litong lito na ako ngayon!
"Anong ibig sabihin nito, Therina?" Biglang dating ni Alvamo sa harapan ko. "Kung humingi ka ng tulong sa makapangyarihan para makuha lang ang tinakda, pwes dadaan ka muna sa akin bago mo siya mahahawakan. Manatili ka sa likod ko tinakda! Ako na bahala sa bagay na ito."
BINABASA MO ANG
Sword Seeker #2 (War of the Gods) COMPLETE!!
FantasySWORD SEEKER #1 (GOD'S CHILD) SWORD SEEKER #2 (WAR OF THE GODS) MUST READ THE FIRST BOOK Pansamantalang na tigil ang digmaan. Puno ng takot ang mga mortal dahil sa na ganap na labanan. Dalawang piraso nalang ang hinihintay ng spada ng langit, pero k...