† Sakripisyo ng dalawang puso†

2.5K 156 7
                                    

All rights reserved for Sword Seeker #2 (War of the Gods). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.

°•○ ENJOY ○•°

Gabriel's POV

May nagbabago sa akin ngayon, alam ko, dahil ramdam ko ito. Di na ata masukat sukat ang galit sa akin ngayon, at lahat ng ito ay dahil sa tinakda. Bihira man sa akin ang magalit, pero sa sitwasyon ko ngayon na takot sa katayuan ng tinakda, kaya ko ng pumatay kung di ako sang'ayon sa kilos nito.

Hawak hawak ko ang spada ko at hinahanda ito para sa pangalawang digmaan.

Isa ito sa mga plano ng panginoon. Ako ang na ngunguna sa digmaang ito dahil ako ang simbulong harang sa totoong plano. Hindi ko man alam ang hinaharap, pero ang hangad na maibalik ang tinakda ang na ngunguna sa utak ko ngayon para ito ang magkakatotoo.

Habang abala ang harang sa digmaan sa palasyo ng itim na diyos, ang mga mortal ko namang mga kasama ang siyang bahala sa totoong plano ng lahat. Alam kong kalahati ang pag-asa naming makuha ang tinakda na ngayong na laman kong lumalakas ang panginoong itim sa di kasiguradohang dahilan. Pero ang tagumpay ng pangalawang grupo ay siyang magdadala sa amin nito at yun ay ang pagkuha sa huling piraso ng spada.

Ito nalang ang pag-asa namin sa tagumpay, habang wala pa ang tinakda. At dahil wala sa kanya ang spada, alam ng lahat ang totoong panganib na dala ng spada ngayon. Tanging ang tinakda lang ang makakahawak nito, kahit ang panginoon ay di ito magawa. Kaya pinabuti niyang ihanda ang lahat para sa pagbalik ng tinakda.

At ang posisyon ko naman sa labang to ay ang bawiin siya. Oras nalang ang hihintayin ko para sa susunod na atake, marami mang nawala, pero kahit ako ay iaalay ang buhay para maibalik lang ang tinakda. Di ko na ata kakayaning magtagal pa ng ilang araw na hindi siya kasama, lumalakas na nga ang tali ko sa kanya.

Itataya ko ang lahat, malaman lang niya ito pero hindi ito ang tamang oras para sa bagay na ito. Hindi ko parin ito maipapadama sa kanya hanggat hindi ko siya maibabalik sa puting palasyo.

"Heneral Gabriel, tatlong libong hukbo ayun sa kahilingan niyo." Biglang dating ng isang anghel.

"Humanda sa aking salita, sandali nalang at magaganap ulit ang digmaan." At matapos nun, agad siyang na wala na parang bula.

Agad ko namang sinuot ang armado kong kasuotan at inayos ang spada sa bewang ko. Di ko man ramdam ang pagod pero alam na alam kong hindi ito tatagal matapos ang pang-apat na digmaan sa hinaharap.

Inilatag ko na ang mga pakpak ko sa ere at di na nagsayang ng oras. Agad akong tumungo kung saan ang hukbo ng langit, kita ko ang determinasyon sa mga mukha nila kaya lalo akong nagaganahan sa digmaang to.

Pero isang bagay ang biglang na pansin ko sa di kalayuan. Isang papalapit na di ko makuhakuha, di naman nagtagal, ramdam ko ang kadiliman sa paratin.

Agad akong naghanda at gayun din ang hukbo, pero ang pinagtataka ko, bakit isa lang ang nakikita ko?

Umakyat bigla ang dugo ko sa utak nung na kilala ko ang parating na nilalang. Ang lakas ng loob niyang sumugod mag-isa sa puting teretoryo! Pero may isa pa akong bagay na napansin, isang ilusyon ang gamit niyang katawan.

"Isang pagbati, magiting na kaliwang kamay ng langit." Pansin ko rin ang kakaiba niyang ngiti.

Tsk! ginagalit niya talaga ako! Teka! Iniinsulto niya ba ako?!

Sword Seeker #2 (War of the Gods) COMPLETE!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon