† Paghahanda (Part 4) †

2.3K 142 8
                                    

ⓒ All rights reserved for Sword Seeker #2 (War of the Gods). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.

°•○ ENJOY ○•°

Sheena's POV

Pinagmamasdan ko ang anghel na lumilipad paalis. Minuto palang ang dumaan nung naka rating kami sa mundong Aquiryana. Kumaway kaway ako sa kanya at sumisid na sa karagatan ng kaharian ko.

Hindi ako maka paniwala! naka balik na ako sa mundo ko!

Sa sobrang saya ko, nagpaikot-ikot ako habang mabilis na lumalangoy. Wala paring katulad ang karagatan sa lahat! Parang unti-unti ng lumalakas at bumabalik ang buong lakas ko.

Naalala ko bigla, kaylangan nga pala akong magmadali! Bilang prinsesa ng Aquiryana, kabisado ko lahat ang lugar sa buong mundo. Kung hindi ako nagkakamali, nasa hilaga ako ngayon sa kinaruroonan ng palasyo. Matapos kong languyin ang dalawang milya simula sa kinaruroonan ko, ay makakarating na ako sa kapital.

Sinaulo ko lahat ng plano namin para sa mangyayari ngayon, buhay parin ng lahi ko ang naka salalay dito kaya kinakaylangan kong ibigay lahat ng kaya ko.

Oras ang lumipas at hingal na hingal akong naka sandal sa isang bato. Napa ngiti naman ako nung nakikita ko na ang kagandahan ng palasyo sa di kalayuan. Hindi na ako makapaghintay na maka uwi!

"Ang prinsesa!" Sigaw ng isang Aquireen nung naka rating ako sa intrada ng kaharian.

Gumulo bigla ang paligid dahil nagtipon-tipon bigla ang mga Aquireen sa dereksyon ko. Agad silang yumuko at bumati sa akin, napa ngiti naman ako sa kanila bilang pasasalamat sa mainit nilang pagsalubong sa akin.

Pero ang mga tawa at ngiting na kikita ko ngayon ay mawawala kung malalaman nila ang minsaheng dala ko. Nakakalungkot lang isipin.

Agad na may lumapit na mga kawal sa dereksyon ko at gumawa ng daan para sa akin. Nagpaalam na ako sa mga Aquireen at nagsimula ng umabante ulit.

Di naman nagtagal, kaharap ko na ang palasyo ng kaharian. Magkabilang gilid ng daan ay mga kawal na naka yuko at sa dulo nito, nasilayan ko ang ngiti ni ama.

"Amang hari!" Masayang sigaw ko at nagmadaling lumangoy sa dereksyon niya. Agad ko siyang niyakap at hinalikan sa pisngi.

"Mabuti at maayos kang naka balik anak!" Masaya niyang bati sa akin. Bumukas bigla ang pinto at nakita si Khet, pansin ko ang gulat niya at di naman nagtagal, mabilis niya akong niyakap.

"K-khet... h-hindi a-ako.... mak-kahinga!"

"Ate! bumalik ka! mananatili ka na ba sa kaharian? hindi mo na ba ako iiwan?" Sunod sunod niyang tanong.

"Uhmmm..." Hindi ko to na paghandaan. Mas mahirap nga ito sa inaakala ko. "Hindi pa ako makakasiguro sa bagay na yan. Bumalik ako dahil sa isang importanteng minsahe at kinakaylangan nating pag-usapan agad ito."

"Anong ibig mong sabihin, anak?" Tanong ni amang hari.

"Mas mabuting pribado natin to pag-usapan." Tumango naman si Ama nun at nagsimula ng pumasok sa palasyo.

Lumangoy ng lumangoy si ama hanggang kaharap na namin ang silid niya. Kung isang seryosong usapan kasi ang aming gagawin, isa lang ang pupuntahan namin at yun ay ang silid ni ama.

"Bakit ang tahimik ng palasyo? wala ba si Mikkah ngayon?" Tanong ko.

"Simula nung umalis ka sa palasyo, si ate Mikkah muna ang tumutulong kay ama. Nasa Silangang kaharian siya ngayon, binisita ang pinsan nating namamahala dun." Sagot ni Khet.

Sword Seeker #2 (War of the Gods) COMPLETE!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon