† Boto ng ina †

2.9K 159 8
                                    

ⓒ All rights reserved for Sword Seeker #2 (War of the Gods). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.

°•○ ENJOY ○•°


Jake's POV

Hindi ko lubos maisip na magtatatlong linggo na ang nakakalipas ng huli kong na kita si Luna. Kamusta kaya ang misyon nila, alam ko ang utak ng babaeng yun, siguradong hindi ko na mabibilang ang mga kalokohang pinaggagawa niya. Pero sa kabila ng mga to, nag-aalala rin ako sa kalagayan niya.

Alam niya na kaya ang tungkol sa limang mundo? Ang paghahalo nito at kung kaylan magaganap?

Siguradong mabibigla siya kung malalaman niya ang tungkol dito. Kung pwede lang sanang humiling na agad na maka rating sa kinaruroonan niya ay gagawin ko, gusto ko siyang tulongan sa dapat pang ayusin at higit sa lahat, gusto ko rin siyang protektahan.

Hindi na ata mawawala ang parte ng puso ko sa kanya, para siyang isang balat na hindi na matanggal-tanggal.

"Ayos ka lang, Jake?" Napa lingon naman ako sa kaliwa dahil sa isang boses. Isang anino ang nakita ko sa likod ng sumasayaw na kortina at di naman nagtagal, isang katawan ang naglakad palapit at nakita ang ama ni Luna.

Oo tama nga, kasama ko ang ama niya ngayon. Sa totoo niyan, nandito kami sa langit. Matapos kong dalahin ang ina ni Luna sa lugar nila noon, agad naman kaming sinundo ng kambal para ihatid kami sa kaharian ng panginoon. Pagkatapos nun, inutosan niya ako para sunduin ang ama ni Luna dahil sa balitang malapit niya ng makukuha ang piraso ng spada. Paliwanag noon ng panginoon ay ang araw na makukuha niya ang piraso sa lugar na yun, isang napakalakas na pwesa ang mangyayari na magsanhi ng pagkawala ng harang ng limang mundo at ang pagkahalo nito.

Pero gayun pa man, hindi parin niya alam ang tungkol kay Maria. Hindi parin sila nagkikita at pinabuti ng panginoon yun dahil sa mga plano niya. May kadahilanan parin ang pagpunta ng ina ni Luna dito sa langit.

"Tay, ano po ang ginagawa ninyo dito?" Tanong ko. Tama ulit ang narinig niyo, eh gusto niyang tatay ang itatawag ko sa kanya eh, paliwanag niya noon ay parang pangalawang anak na rin raw niya ako, dahil sa pagkakaibigan namin ni Luna.

Ang saklap talaga, hanggang dito lang ba talaga ang posisyon ko para kay Luna?

"Buong araw kitang hindi na kita, akala ko umalis ka ulit dahil sa utos ng panginoon." Umupo na rin siya sa kabilang upuan dito sa silid ko.

"Buong araw kasi akong nag-insayo. Kaylangang maghanda, isang malaking bagay parin ang darating at bilang na ang mga araw dahil parating na ito."

"Alam mo bang habang tumatagal nagiging paham kang lalake? noon man ay isang inusenteng tipaklong kapa, parang nagbago ang lahat dahil sa mga pangyayaring to."

(-___-'') nagmana nga si Luna sa kanya.

"Kaya nga hindi ko namimis si Luna dahil kaparehong kapareho kayo." Nagtawanan naman kami nun.

"May balita ka na ba sa anak ko?"

"Wala pa. Pero wag kang mag-alala, pagkatapos ng pagkatapos niyang makuha ang piraso, siguradong darating yun dito sa langit." Napa tango naman siya.

"Kung ganun, ihahanda ko na ang sarili ko para sa pagdating niya. May mga gamit rin akong dinala para kung sakaling kakaylanganin niya." Tumayo naman siya nun. "Maiiwan na muna kita, Jake."

Sword Seeker #2 (War of the Gods) COMPLETE!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon