†Part 4: Ang pagtatapos†

2.3K 128 17
                                    


ⓒ All rights reserved for Sword Seeker #2 (War of the Gods). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.

°•○ ENJOY ○•°

Luna's POV

Tumawa ako ng tumawa dahil sa ginawa ko. Kita ko ang inis sa dalawang nasa harapan ko at tumawa pa lalo.

''Pwede ko ba siyang batukan ulit?'' Rinig ko kay Sheena sa malalim na boses kaya tumawa ako lalo.

''Wag kang padalos-dalos, magagalit ang langit.'' Sabi ni Jake sa babaeng boses.

Di ko talaga mapigilan ang tawa ko. Ginawa ko kasi silang baliktad ayon sa kasarian nila. Isa ito sa kapangyarihan kong ikinatutuwa ko. Minsan nga, sinusubukan ko ito sa mga anghel ng langit. Lalo na sa kambal na sina Xion at Ereest.

''Sa pamamagitan nito, di na tayo mamumukhaan ng mga pulang dragon.'' Nakita ko namang nagbuntong hininga silang dalawa. Mabuti at hindi na sila umangal pa.

Agad ko namang binalot ang gintong kapangyarihan ko sa aming tatlo at inisip ang lugar ng mga pulang dragon. Minuto ang tinagal, agad kong naramdaman ang init ng paligid.

''Tigilan mo nga yan, magmumukha kang manyak na nilalang niyan!'' Sheena.

''Bakit ba? Eh dibdib ko rin naman tong hinahawakan ko. Kung gusto mo, hanapin mo nalang ang maliit na nilalang sa luo-...''

''Wag mo ng ituloy!'' Pagpuputol ni Sheena kay Jake.

''Tumigil na nga kayo, kung gusto niyo, gawin ko nalang kayong aso.'' Ako.

''HINDI!'' Sheena/Jake.

Huminga ako ng malalim at agad na naglakad papunta sa pulang palasyo. Dumaan kami sa malaking pamilihan ng kaharian at di rin naman nagtagal, naka tayo na kami sa paa ng pulang palasyo. Maraming pulang kawal ang nagmamasid at dahan dahan na akong naglakad sa higanteng pinto.

''Anong kaylangan niyo sa palasyo?'' Tanong ng kawal na humarang sa amin.

''Kami ang tagagawa ng mga damit. Dala ko ang mga damit na isusuot ng prinsipe mamayang gabi, sila ang mga katulong ko. Sa pagkakaalala ko, huli na kami sa oras na kagustohan ng hari. Siguradong lahat tayo ngayon ay ma wawalan ng ulo kung ang oras ay magpapatuloy.'' Kita ko ang paglunok ng kawal at sa mukha niya ngayon, alam kong kumakagat na siya sa kasinungalingan ko. Napaka sama ko naman, pero nararapat, alang-alang na makapasok kami.

Eh bakit ba, gusto kong magtagal eh kaya hindi ko gustong gamitin parati ang kapangyarihan ko.

''Papasukin sila!'' Sigaw ng kawal at napa ngiti naman ako nun.

Sinalubong agad kami ng napaka laking bulwagan. May nakikita akong mga Zyrian na naglilinis sa malaking bahagi nito, at kalahati ata ng paghahanda ay malapit ng matapos.

''Magkakaroon ng dalawang kasalan, sa kaharian ko at sa palasyo ng pulang dragon.'' Rinig ko kay Sheena.

''Na aamoy mo ba kung saan si Valdesis, Jake?'' Tanong ko.

''At kaylan pa ako naging aso?'' Sinamaan ko naman siya ng tingin. ''Sabi ko nga eh, aamoyin ang paligid.''

Nagsimula na niyang amoyin ang paligid pero may biglang kumuha ng atensyon ko. Isang larawan ang nakita ko sa pader malapit sa tinatayuan ko. Lumapit ako at tinitigan ang larawang yun.

Sword Seeker #2 (War of the Gods) COMPLETE!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon