ⓒ All rights reserved for Sword Seeker #2 (War of the Gods). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.
•○● ENJOY ●○•
ANG PAGPAPATULOY..
Luna's POV
Parang lalabas na ang mga mata ko dahil sa mga pagkaing naka handa sa harapan namin. Hindi ko man alam ang mga lutuing to pero ang masarap nitong amoy ay sapat na para magkagulo ang mga uod sa tiyan ko.
Pinigilan ko naman ang sarili ko para hindi tumalon sa mga pagkain sa harap, pero sa ginawa kong to, parang pinagpapawisan ako ng mga bato.
"Maraming salamat ulit sa ginawa ninyo. Isang karangalan ang maparito kayo sa lugar namin." Sabi ng matandang lalake at umalis.
Mabilis pa ata sa kidlat ang pagkuha ko sa kakaibang kotsara at inatake ang pagkain sa harapan ko. Gayun din si Valdesis pero inunahan ko na siya sa isang buong manok, aagawin niya na sana ng itinutok ko sa kanya ang spada ko.
Kumuha ako ng kumuha ng pagkain, parang nagkaroon ng gusali sa harapan ko dahil sa rami nito pero dinaigan parin ito ng unggoy sa harapan ko.
Hindi naman ako nag-aksaya pa ng mahalagang oras, kumain na ako na parang ito na ang huling kakainin ko.
"Para silang mga halimaw, kakatakot." Rinig ko sa lalake pero hindi ako lumingo at baka isa yung patibong! kung iwawala ko sa aking paningin ang mga pagkain ko, baka bigla nalang niyang kunin ito.
Tsk! hindi ako papayag! dadaan muna sila sa bangkay ko!
"Baka gusto mo pa." Alok ng lalake sa platong hawak niya.
(@____@) Ito na ata ang pinaka magandang narinig ko sa buong buhay.
Hahablotin ko na sana ng biglang hinawakan ni Gabriel ang kamay ko.
"Umayos ka." Seryosong sabi niya at nailunok ko naman ang mga pagkain sa bibig ko kahit hindi ko pa ito nainguya.
Para akong maiyak sa sinabi niya, pati ba naman sa pagkain ko magiging pakialamero siya?
Napa buntong hininga naman si Gabriel nun, na halata niya ata. Binitiwan niya ang kamay ko, pero nung magpapatuloy na sana ako sa pagkain ko, wala ng natira sa pinggan ko.
⊙﹏⊙
"(Burp!) ahh ang sarap naman oh!" Rinig ko kay Valdesis.
Bigla nalang nagdilim ang paningin ko dahil dun. Pipigain ko na sana ang ulo niya at isa isang kunin ang mga ngipin niya ng dalawang kamay ang bumalot sa katawan ko. Ramdam ko agad ang puting kapangyarihan galing sa kamay niya pero hindi ito sapat para mapigilan niya ako, hinila ko ang kamay ng unggoy at pinagkakagat ito pero hinila ulit ako ng kamay para mailayo ako.
"Oh diyos ko! ilayo niyo siya! ilayo niyoooo!" Valdesis.
Di naman nagtagal, dahan dahan ng nawala ang itim na hamog sa paningin ko. Na alala ko ang brutal na pagkuha ni Valdesis sa mga pagkain ko kaya hinila hila ko ang damit ni Gabriel at umiyak.
"Parusahan mo siya Gabriel!" Naiiyak kong sinabi.
"Kainin mo nalang ang pagkain ko." Sabi niya at napa hinto naman ako nun.
"(@__@) talaga?" Ngumiti siya sa akin at tumango tango.
Niyakap ko siya at agad na kinuha ang pagkain niya. Sinamaan ko ng tingin si Valdesis at napa lunok naman siya nun.
BINABASA MO ANG
Sword Seeker #2 (War of the Gods) COMPLETE!!
FantasySWORD SEEKER #1 (GOD'S CHILD) SWORD SEEKER #2 (WAR OF THE GODS) MUST READ THE FIRST BOOK Pansamantalang na tigil ang digmaan. Puno ng takot ang mga mortal dahil sa na ganap na labanan. Dalawang piraso nalang ang hinihintay ng spada ng langit, pero k...