ⓒ All rights reserved for Sword Seeker #2 (War of the Gods). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.
•○● ENJOY ●○•
Gabriel's POV
Dalawang araw na ang nakakalipas nung ngyari ang pagkawala ng tinakda. Sariwa parin ang galit sa akin nung natagpuan ko siya sa lugar na yun. Matapos ko siyang hinatid sa bahay ng pirata, hinanap ko agad ang lalakeng kumuha sa kanya.
Madali ko lang namang nalaman kung sino, at dahil yun sa mga bulong bulongan sa bayan. Hindi ko man siya pinatay, pinaranas ko lang sa kanya ang galit na raramdaman ko. Pero hindi ko parin na pigilan ang sarili ko dahil muntikan ko na siyang bawian ng buhay, mabuti nalang at lumiko ako sa na raramdaman ko.
Isang beses ko lang nakita ang tinakda na lumabas sa silid niya, at alam kong kinukolekta lang niya ang kanyang sarili. Rinig ko ang pag-iyak niya at na dudurog naman ang puso ko nun.
Pinabuti kong hindi sabihin sa mga kasama ang totoong ngyari, at hindi ko rin gustong pag-usapan yun.
"Gabriel?" Sa lalim ng iniisip ko hindi ko man lang nakitang nasa harapan ko pala si Sheena.
"Bakit?"
"Naka usap ko si Luna kagabi. Aalis na raw tayo sa tanghalian." Sabi niya at napa buntong hininga naman ako nun. "Naka babad lang siya sa tubig at nung pumunta ako ulit sa kanya, parang hindi man lang siya gumalaw sa pwesto niya."
⊙﹏⊙ ano raw?!
"Teka, saan ka pupunta?" Tanong niya nung bigla akong naglakad. Isa lang naman ang pupuntahan ko, at yun ang silid ng tinakda.
Ayuko talaga kapag hindi niya sinasabi sa akin ang problema niya.
TOK TOK TOK
"Luna?" Tawag ko nung nasa pinto na ako.
"Ano bang ginagawa mo?! Hindi ka pwedeng pumasok jan! Sinabi ko lang ngang nakababad si Luna sa tubig, na buhayan agad yang tenga mo." Sinamaan ko nga ng tingin si Sheena. Tsk ang dumi naman ng utak ng isdang ito!
"Bakit?" Rinig ko ang sigaw ni Luna mula sa loob.
"Papasok ako." Hindi ko na hinintay ang sagot niya at binuksan ito. Agad ko siyang nakita sa bintana nakatayo at pansin ko ang basa niyang buhok, parang ngayon lang siya umahon sa tubig. Tsk!
"Luna." Dahan dahan akong naglakad sa kanya pero napa hinto nung may biglang tumulak sa akin at nakita si Sheena'ng tumatakbo sa tinakda.
(╰___╯#) Panira talaga!
"Oh! buhay kana!" May biglang nagsalita sa likod at nakita si Valdesis na ang laki ng ngiti. Agad naman siyang pumunta sa tinakda. Tsk!
Bat ba nagtipontipon ang mga panira sa silid nato?!
Na inis naman ako nung nagyakapan silang tatlo. Tsk! ramdam na ramdam naman ng unggoy ang ngyayari! Pinigilan ko naman ang sarili kong suntokin siya at baka ako pa ang pagalitan ng tinakda.
Naalala ko tuloy ang mga sinabi niya sa tinakda, nakakainis talaga. Nagtapat pa naman sa tinakda! Oo na rinig ko lahat ng pinag-usapan nila, eh kakausapin ko sana siya pero inunahan ako ng unggoy!
Iikutin ko na talaga ang ulo nito! May pa yakap yakap pa sa kanya! KAKAINIS TALAGA!
"Aalis na ba tayo?" Tanong ni Valdesis at tumango naman ang tinakda.
BINABASA MO ANG
Sword Seeker #2 (War of the Gods) COMPLETE!!
FantasySWORD SEEKER #1 (GOD'S CHILD) SWORD SEEKER #2 (WAR OF THE GODS) MUST READ THE FIRST BOOK Pansamantalang na tigil ang digmaan. Puno ng takot ang mga mortal dahil sa na ganap na labanan. Dalawang piraso nalang ang hinihintay ng spada ng langit, pero k...