†Habang Buhay†

3.1K 111 45
                                    

All rights reserved for Sword Seeker #2 (War of the Gods). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.

°•○ ENJOY •°

Luna's POV

Napaka hirap, yun lang ang pumasok na utak ko. Dalawang taon na ang nakalipas matapos ma wala sa mga kamay ko ang tinakda. Ngayon ko lang to na ramdaman, parang gusto ko ng tumakas ulit at pumunta sa mundo ng mga mortal makita lang siya. Di parin maitago na galing siya sa kapangyarihan ko, ito pala ang sinasabi ng panginoon na mahirap sa kanya. Sa dalawang taong yun, karamay ko lang ang mga monghe at mga anghel dahil ginugol ko ang oras para sa mga responsibilidad ko at para ma wala sa isip ko ang tinakda.

Pero ang hindi ko maintindihan sa sarili ko, bakit may hinahanap ako? Para ma ibsan ang kalungkotan ko sa kalawakang to. Alam kong magtatagal ako sa kalawakang to, mahirap hanapin ang kasiyahan lalona't bagohan pa sa buhay ng pagiging diyos. Sa isang buwan, isa o dalawang araw ko nalang na kikita si Alvamo. Dahil sa pag-aayos niya sa mundo ng mga kaluluwa, hindi sapat ang isang taon para ayosin ang mga naiwan niyang trabaho. Libong taon rin siyang na wala, kaya ngayong bumalik na siya, naka tambak naman ang trabaho sa mga kamay niya.

Pero ang nakakagulo lang sa lahat, di siya ma wala wala sa isip ko. Nakakainis nga ehh! Parang sa na raramdaman ko sa tinakda, mas hinihigitan niya ang nararamdaman ko. Hindi parin ma wala wala sa isip ko ang gabing bigla nalang siyang dumating. Bigla siyang na punta sa silid ko habang nag-aayos ako, kita ko ang kakaibang pakiramdam sa mga mata niya. Parang may kaylangan siyang patunayan. Pero pinipigilan siya ng isang emosyon, takot. Dahil sa kalungkotan kong na raramdaman, akala niya siguro may ibang kahulogan yun. At nakita ang sakit sa itim niyang mga mata. Simula nun, parang iniiwasan niya na ako.

(-___-#)

Naka higa lang ako sa kama ko, nag iisip sa mga dapat ayosin sa kalawakan at higit sa lahat nag iisip rin ako sa panginoong itim. Ano kaya ang ginagawa niya ngayon? Nakakainis talaga siya! Ginugulo niya talaga ang utak ko. Bakit ba kasi hindi siya bumabalik agad! Tsk!

Napa hilamos ako sa mukha ko nun at inangat ang sarili para tumayo. Pumunta ako sa harapan ng malaking salamin at inabot ang isang maliit na batingaw at pinatunog. Agad namang pumasok ang mga tagapaglingkod ng palasyo. Alam na nila ang gagawin nila kaya umupo lang ako at naghintay sa kanilang trabaho.

Nagsimula na nilang kunin ang mga dyamante sa buhok ko at ang kuronang naka tayo nito. Pinatayo nila ako at dahan dahang kinuha ang damit ko. Noon man ay nahihiya ako pero ngayon, parang na sasanay nalang ako sa mga ginagawa nila. Hubot habad akong naka tayo at madali naman nilang binalot ang katawan ko ng isang malambot na telang ginto. Naglakad na ako sa ligoan ko at binabad ang sarili sa malaking ligoan. Parang sampong tao ata ang kakasya dito. Na amoy ko agad ang mga langis na nilagay nila, parang amoy rosas at dumagdag rin ang mga bulaklak na lumulotang sa tubig. Napa hinga naman ako dahil dun.

Nakakalungkot, sobrang laki ng palasyo ko at parang ang lungkot lang. At dahil sa inisip ko, bigla nalang pumasok muli si Alvamo sa isip ko. Milyong taon ang dumaan at araw araw niyang na raramdaman ang kalungkotang to. Kaya pala parang mabaliw siya nung kinuha ang kahilingan niya. At napa isip pa ako ng malalim nun.

"Mahal na panginoon, oras na po para umahon kayo." Napa pikit ako sandali at dahan dahang tumayo. Ramdam ko ang pagpunas nila sa katawan ko. Isang mahabang puting damit ang naka latag sa higaan ko at na mangha, kahit ang tagal ko na sa kalawakan, ang mga damit na sinusuot ko ay nakakamangha parin.

Sword Seeker #2 (War of the Gods) COMPLETE!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon