†Part 6: Ang pagtatapos†

2.4K 136 37
                                    

ⓒ All rights reserved for Sword Seeker #2 (War of the Gods). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.

°•○ ENJOY ○•°


Luna's POV

Hindi ko maintindihan ang galit sa kanyang mga mata. Kay tagal ko na itong hindi nakikita sa kanya, dahil ba ito sa pagkawala ko?

''Anong ginagawa mo dito sa mundo ng mga mortal, Luna?'' Matigas niyang tanong.

Hindi ko alam pero bigla akong natakot dahil sa pagtitig niya. Binaliwala ko naman ito at nanatiling kalmado. Agad niyang napansin ito at mas lalong kumunot ang noo niya. Na alala ko bigla si Gabriel at agad ko siyang nilingon pero parang ginawa ko lang ang pinaka tangang bagay sa buong kalawakan.

''Ang anghel, buhay ka pa pala.'' Malalim niyang sinabi. Ramdam ko naman agad ang kanyang na mumuong kapangyarihan. Maglalakad na sana siya palapit kay Gabriel pero pinigilan ko siya.

''Hindi kaylangan ng kagulohan sa mundong ito, isa itong pagsuway sa mga sinumpaan ng kalawakan. Huminahon ka Alvamo.'' Sabi ko at hinigpitan ang kamay ko sa kanya. Napa titig siya sa akin at parang na basa niya ang mga mata ko.

Sa oras na naging diyos ako ng liwanag, may mga kondisyon akong pinasatupad pagitan sa aming dalawang diyos. Masisira ang lahat kung isa sa amin ay hindi tumupad ng mga ito. Alam kong alam niya ang maging mangyayari kung ipagpapatuloy niya ito.

''Kung ganun, bumalik na tayo sa puting palasyo.'' Pag-iiba ng kanyang tono. ''Isang digmaan nga ang magaganap kung wala akong marinig na magandang kapaliwanagan sa pangyayaring ito.''

Tumango ako sa kagustohan niya.

''At ikaw.'' Turo niya kay Gabriel. ''Manatili kang mawala.''

Hinila ako bigla ng itim na diyos at aakmang ipapalabas ang kanyang kapangyarihan pero biglang gumalaw si Gabriel at kinuha ang kanyang sandata.

''Anong ginagawa mo Gabriel?'' Salita ko pero nanatiling blanko ang mga mata niya.

''Kagustohan kong makausap ang bagong diyos.'' Bumilis bigla ang puso ko sa oras na narinig ko ang boses niya.

''Anong karapatan mo para hingin ang bagay na yan!'' Sigaw ni Alvamo. Agad ko namang pinahinahon siya gamit ng kapangyarihan ko. Hindi maganda ito, lalong magkakagulo ang lahat dahil dito. Alam kong hindi titigil ang itim na diyos hanggat hindi titigil si Gabriel.

Ano ba tong gulong napasok ko?! Kanina lang ay ang ganda-ganda, tapos bigla nalang magkakaganito? Hindi ko hahayaang magkakagulo dito, una sa listahan ko ang kaligtasan ng mga mortal. Kaylangan kong kumilos, hindi ko gustong lumawak ang kaalaman ng lahat na may diyos na bumaba sa mundong ito.

''Tatanggapin ko ang kagustohan mo.'' Ramdam ko naman ang mga mata nila sa akin. Humigpit bigla ang kamay ni Alvamo sa akin.

''Hindi ako papayag sa bagay na yan. Tandaan mo Luna, isa rin ako sa dapat na magdesisyon pagdating sa kaayosan ng langit.'' Galit niyang sinabi. ''At hindi ako sangayon sa sinabi mo!''

Ang sarap upakan ng lalakeng to! Di niya ba na babasa ang kagustohan ko?! Tsk! Kinakaylangan na naming mawala dahil kahit ang pader ay may mga tenga. Malalaman ng mga mortal kung magtatagal pa kami dito. Iniiral niya nanaman ang bagay na yan!

Sword Seeker #2 (War of the Gods) COMPLETE!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon