† Ang paglalakbay (part 3) †

3.4K 151 8
                                    

ⓒ All rights reserved for Sword Seeker #2 (War of the Gods). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.

•○● ENJOY ●○•


Luna's POV

⊙﹏⊙ H-halimaw!

Ako lang ba ito o talagang nakakatakot lang ang dalawang halimaw na nasa harapan namin ngayon?

Sumakit ulit ang marka sa kamay ko bilang babala sa panganib at dahil sa sakit, agad naman akong napa hawak nito.

Itim ang balahibo nila at ang taas ng mga koko nila! parang kasing taas ng ulo ko ang mga ngipin nila! may mga laway pa itong tumutulo na nagsasabing takam na takam na sila sa amin, pula ang kulay ng kanilang mga mata at ang pinaka nakakatakot sa lahat, ay ang bilang ng kanilang mga mata!

(⊙﹏⊙) T-tatlo, teka hindi, apat. Oo, tama. Apat ang mga mata nila!

May ganun ba?! apat ang mga mata?! psf! pambihira!

Wala na bang mas malas pa nito? matapos ang paghulog namin at pagdulas sa loob nito, ito pa ang naghihintay sa amin?! Hindi na ba talaga ako lulubayan ng malas?!

Teka teka, nakalimutan kong MALAS pala ang gitnang pangalan ko.

(-___-#)

Hinanda ko naman agad ang spada ko sa harap at pansin kong gayun din ang ginawa ng mga kasama ko. Nanlaki ang mga mata ko nung bigla itong sumigaw, sa lakas nito parang biglang sumabog ang tenga ko.

Para silang mga halimaw na aso, di kaya ito ang mga nilalang na pinarusahan ng panginoon? pero imposible! wala pang kabilugan ng buwan!

Ginawa naman nilang panakot ang mga ngipin nila at nagsanhi naman ito ng pag nginig ng tuhod ko. Sa sobrang laki nila, parang kasing laki nila ang limang leyon na Jake!

"Uhm a-anong plano?" Sabi ko.

"Wag ka lang lumayo." Rinig ko kay Gabriel.

"Maliligtas ba tayo nun?!" Ako.

"M-mga kasama, mga u-uod ba yang nasa likod n-nila?" Rinig ko kay Valdesis.

⊙﹏⊙ Uod?

Agad kong tiningnan ang sinasabi niya. Parang mahuhulog ang mga mata ko dahil sa mga gumagalaw sa likod ng mga halimaw, at nung nilakasan ko ang liwanag ng kapangyarihan ko, dun lang naging malinaw ang lahat. Hindi uod ang gumagalaw sa likod ng mga halimaw, kundi mga naglalakihang mga ugat!

Sumigaw ulit ang halimaw dahil sa paglakas ng liwanag, na gulat naman ako nung biglang umatake ang mga ugat sa amin. Sa bilis nito, muntikan ko ng hindi mailagan ito. Na bangga ako sa isang bato at na hulog sa mga buto, agad naman akong tumayo dahil sa kilabot na naramdaman ko sa mga kalansay ng mga tao.

Hindi malayong sila ang may pakana sa mga butong to, kalahati ng katawan ko ay gustong puksain ang mga halimaw, pero ang kaisipang na kulong kaming apat dito kasama ng mga halimaw na ito ay parang, nakakatakot lang! ang malas talaga.

"Maging listo ka tinakda! hindi magandang oras para mag-isip ka ng kung ano ano!" Gabriel at napa tango naman ako.

Umatake na sila Valdesis at dahil sa apoy sa paligid, iniwala ko na ang gintong kapangyarihan ko. Hinanda ko ang spada ng langit sa harapan at agad na pumunta sa gilid ng gabay ko.

"Kunin mo ang atensyon ng halimaw, may plano ako." Sabi ni Gabriel at tumango naman ako.

Hindi ko man alam kung anong binabalak ni Gabriel pero sumunod nalang ako. Agad akong tumakbo sa ibang dereksyon at inilagan ang ugat na parating. Hiniwa ko ito at panibagong ugat ang tumubo ulit na ikinagulat ko. Agad akong gumulong at pinalabas ang puwersa ko, nagkapirapiraso ang mga ugat pero tumubo ulit ito.

Sword Seeker #2 (War of the Gods) COMPLETE!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon