ⓒ All rights reserved for Sword Seeker #2 (War of the Gods). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.
•○● ENJOY ●○•
Jake's POV
Ang ganda talaga ng Atheneysia! Sa wakas naka balik na ako sa mundo ko. Pero ang plano ko noon na sabay kami ni Luna na bumalik ay parang hindi muna mangyayari.
Hindi rin naman ako uuwi pa sa mundong kong to, may misyon parin ako ngayon, at yun ay ang kombinsihin ang ina ni Luna na sumama sa langit.
Hindi ko parin kabisado ang mga sasabihin ko sa ina ni Luna. Alam niyo na, ina kaya yun ng babaeng gusto ko. Malas nga lang talaga dahil hindi ako ang gusto niya.
(-___-'') hari talaga ako sa kamalasan.
"Jake Hunter! Tingnan mo!" Rinig kong sigaw ni Xion na may tinuturo, agad ko naman itong tiningnan.
⊙﹏⊙ A-ang........
Ang kaharian! Isang malaking bundok ang nasa unahan at ang nasa paa nito ay isang kaharian. Sa wakas, naka rating narin kami! Mahigit dalawang araw na kaming tinatahak ang kahariang to, mabuti naman at nakita na namin ang kahariang to, gutom na gutom narin kasi ako.
Kitang kita ko dito sa taas ang kagandahan ng kaharian at alam kong hindi tatagal, makakarating na kami sa lugar ng Phael. Kasalukoyan kasing lumilipad kaming tatlo, kasama ko ang kambal ayun sa sinabi ng panginoon. Buong araw nga kaming lumilipad, nakakasuka na.
Naninibago parin ang katawan ko sa transpormasyong to, isa akong shifter at ang tanging pinapalit ko sa anyo ko hanggang ngayon ay ang spirito ng leyon. Naninibago parin ako sa mga pakpak ko.
Ilang sandali naman nun, nagdesisyon kaming maglunsaran sa isang puno. Muntik ng maputol ang sanga na tinayuan ko dahil sa bigat ko, agad ko namang binalik ang katawan ko sa normal.
"Haay, sa wakas, balik sa date." Sabi ko at tumalon sa baba. Di naman nagtagal, bumaba na rin ang dalawa. Minsan, na wiwirdohan ako sa dalawang to, para silang mga kaluluwa, hindi ko man lang na raramdaman pero bigla bigla nalang sumusulpot.
~T_T~
"Kabila ng kagubatang to ay ang bahay ng mortal." Turo ni Ereest. "Trabaho namin ay sa labas kaya wag kang mag-alala sa kaligtasan ng lugar."
"Makinig ka Jake Hunter, ang ina ng tinakda ay hindi pangkaraniwang mortal kagaya sa iniisip mo. Isa siyang paham na nilalang at isang secreto ang tinatago niya, mag-iingat ka. Hindi basta basta siya maniniwala tungkol sa tinakda. Pinaniniwalaan niyang patay na ang tinakda, kaya kaylangan mong maging paham para makuha ang salita niya." Xion at sinaulo ko naman lahat ng sinabi niya.
Tumango ako sa dalawa at nagsimula ng maglakad. Dumating na nga ang oras na kina tatakotan ko, hindi naman halimaw ang haharapin ko pero bakit parang tatakbo ang kalansay ko para lumayo? Naalala ko ang mukha ng ina ni Luna sa pangitain ng panginoon, magandang babae, pero ang mga mata niya nung tumingin siya sa akin ay parang napaka lamig at walang buhay. Kasing tulad ito ng mga mata ni Luna kapagnagagalit siya. Pero ang kaibahan lang kay Luna, mas nakakatakot lang sa kanya dahil sa itim nitong kulay.
Unang kita ko sa mga mata ni Luna nun ay parang kamatayan, nakakatakot talaga.
~(T___T)~
PIK!
Agad akong napa hinto sa narinig ko. Parang bali ng sanga. tsk! parang may nagmamasid! Bubunutin ko na sana ang spada ko pero isang lalake ang nakita ko. Agad akong nagtago sa isang puno at pinanuod siyang dumaan.
BINABASA MO ANG
Sword Seeker #2 (War of the Gods) COMPLETE!!
FantasySWORD SEEKER #1 (GOD'S CHILD) SWORD SEEKER #2 (WAR OF THE GODS) MUST READ THE FIRST BOOK Pansamantalang na tigil ang digmaan. Puno ng takot ang mga mortal dahil sa na ganap na labanan. Dalawang piraso nalang ang hinihintay ng spada ng langit, pero k...