†Tatlong Liwanag†

2.3K 133 7
                                    

All rights reserved for Sword Seeker #2 (War of the Gods). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.

°•○ ENJOY •°


Luna's POV

Napa luhod ako habang tinitingnan ko ang walang malay na katawan ni Gabriel. Na nginginig pa ang mga kamay ko dahil sa kaisipang ginawa ko. Wala ng paraan ito lang, at sa lahat ng naisip ko, hindi tumugma ang kapayapaang hangad ko sa huli.

Pero ang kapalit ay ang pinakamamahal ko sa buong kalawakan. Ang lalakeng isakripisyo lahat para lang makasama ako. Ano ba ang ginawa ko? tama nga ang kaisipang hindi ako sapat sa kanya. Wala akong kwenta pagdating sa kanya. Lumaki naman ang hiya sa akin ngayon. Ang hiya na sa tingin ko ay dadalhin ko habang buhay.

Kinuha ko lang ang pinaka malaking bagay sa kanya. Ang bagay na sa tingin ko ay pinaka importante sa lahat.

Ayon nga sa ngyari noon, ang pag-uusap namin ng makapangyarihan ay ang nagpakita sa akin ng mga posibilidad. Ang pagmamahal ni Gabriel ang magiging punot dulo ng pagwala ng balanse sa kalawakan. Ito ang dahilan kung bakit walang kapayapaan ang dalawang panig. Magpapatuloy ang digmaan habang na bubuhay ang mga propesiya.

Sinakripisyo ko ang pinaka malaking bagay sa buhay ko. Hiyang hiya ako sa sarili ko! Lahat gagawin ni Gabriel sa akin pero ano ang ginawa ko?! Ako ang unang bumitiw sa aming dalawa! Hiyang hiya ako sa sarili ko dahil hindi ko man lang na punan ang mga bagay na kaya niyang maibigay sa akin.

"Tinakda!" Isang sigaw ang narinig ko at nakita si Xion. Kita ko ang galit sa mukha niya pero paham siyang nanatili sa pwesto niya.

Agad ring lumapit ang kakambal niya at mga pamilyar na monghe at nilalang sa palasyo ng panginoon. Tinitingnan nila ako na parang isang makasalanan pero wala akong pakialam sa bagay na yun.

"Buhay siya." Salita ni Ereest na naka luhod sa tabi ni Gabriel. Kita ko ang kalituhan sa mukha niya pagkatapos nun.

"Ano ang ginawa mo, tinakda? Tinangkaan mo bang patayin si Gabriel sa loob ng harang?!" Xion.

Lumuha ako ulit nun. Parang pinatay ko lang rin siya dahil sa ginawa ko!

Minuto ang tinagal bago ko tinago ulit ang mga luha ko. Kalahati na ng lakas ko ang nagagamit ko para panatalihing matatag. Tinapos ko na ang proseso, ayon nga sa sabi-sabi, ang nakaraan ay dapat matutunang ibaon para sa hinaharap. Pero ang sitwasyon ko ngayon ay iba, kaylangan ko munang takpan para sa digmaang to. Kaylangan kong gamitin ang sarili kong maskara upang hindi mabasura ang ngyari kay Gabriel ngayon.

"Kaylangan ko ang tulong ninyo, Xion. Alam kong sa mga isip ninyo ay may isang malaking sala ako. Pero lahat ng yun ay ginawa ko para matigil na ang lahat ng ito. Hangad ko parin ang kapayapaan, hindi man ako palarin sa pangyayaring ito, pero kaya kong isakripisyo lahat para bumalik sa date ang lahat. Alam ko isang mahinang nilalang ang tingin ninyo sa akin dahil ako ay bagohan, pero ito lang ang sinisiguro ko sa inyo, ang kahinaang meron ako ay ang gagamitin ko para sa labang ito. Ipapakita ko sa inyo na ang mahinang merong ako ay may ibubuga sa labang ito. Nasa akin ang salita ng makapangyarihan, at hindi ko siya bibiguin sa bagay na yun!" Sabi ko habang naka tayo sa harapan nila. "Hindi ko pinatay si Gabriel, tumitubok parin ang puso niya hanggang ngayon. Mukha mang pinatay ko siya, pero alam niyong hinding hindi ko ito magagawa, alam ng lahat kung anong pagmamahal ang meron ako kay Gabriel. Isa paring bukas na libro ang buhay ko pagdating sa puting kaharian. Sa aking pag-intindi sa sitwasyon, ang pagmamahalan namin ang magiging sanhi ng lahat para hindi maging tuwid ang daloy nito. Ang pagmamahalan na hindi tutugma sa buhay na ito. Masakit man, pero kinuha ko ang pagmamahal ni Gabriel sa akin. Ito lang ang naisip kong paraan para matigil ang lahat. At kung sa tingin niyo man ay hindi ito tama, pwes aakuhin ko lahat ng sala kung ito man ay magiging mali sa kahuli-hulihan."

Sword Seeker #2 (War of the Gods) COMPLETE!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon