ⓒ All rights reserved for Sword Seeker #2 (War of the Gods). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.
°•○ ENJOY ○•°
Luna's POV
Sakripisyo....
Sakripisyo......
Sakripisyo...
Talaga bang ito ang tamang kahulogan ng pangalawang kondisyon ng panginoon? Kung ito man, anong sakripisyo ang kaylangang gawin para maibaliktad ang sumpa?
Sa pagkakaintindi ko sa mga salita ng hari kanina, sakripisyo ang lumabas. Ngipin sa ngipi, mata sa mata.
Hindi malayong ang tinutukoy ng mga salitang to ay ang buhay na nawala. Kung buhay ang kinuha nila, buhay rin ang kaylangan nilang ibigay para maging balanse na ang lahat.
Pero ilang daang tao ang pinatay ng mga sinumpaang mga nilalang, pano nila mababayaran kung ilang daang tao rin ang isakripisyo nila.
Ibig bang sabihin kaylangan parin nilang mawala para mapatawad ng panginoon.
Imposible.......
Imposible kung ito ang paraan ng sakripisyo. Pero may parte parin ng mga bugtungang mga salita na nagsasabing, magpapabaliktad ng sumpa. Ibig sabihin, di kaylangan ng ilang buhay ang ipapalit, kung may isang sakripisyong hindi iniisip ang kapalit. Hmmmmm, isang tao lang ang kinakailangan ng kondisyong ito, kung hindi ako nagkakamali, alam ko na kung sino ito.
"Kumain ka." Rinig ko galing kay Gabriel.
Nasa mansyon kami ng hari ngayon, gabi na at salamat sa diyos at hindi kabilugan ng buwan ngayon. Hindi ko parin matitiyak kung kaparehong buwan ang lalabas bukas ng gabi dahil sa nagwawalang panahon, kaya mananatili kaming gising para sa mga planong gagawin bago ang pagbilog ng buwan.
Isang himala ang ngyayari ngayon, dahil sa magulong pag-iisip ko, parang nawawalan ako ng ganang kumain.
"Siguro, mamaya na." Sabi ko at napataas naman ang kilay niya.
"Talaga bang ikaw si Luna? sa mga pagkaing ito, dapat nagiging halimaw ka na! Gabriel! sigurado akong sinasapian na siya!" Sigaw ni Valdesis at tinapunan ko naman ng tinidor na naglunsaran sa gilid ng upuan niya.
"Sa susunod, sa mata mo na yan tatama." Banta ko kaya napa lunok siya.
"Biro lang naman, na ninibago lang kasi." Valdesis at kumain na ulit.
"Teka, nakita niyo ba si Redrein?" Biglang tanong ni Renzo.
"Sa pagkakaalam ko, nasa taas siya ngayon." Sheena.
"Pagpaumanhin niyo, babalik ako sandal-..." Renzo.
"Umupo ka na nga! tiyak darating narin yun maya't maya." Sabi ni Syrrah.
"Oo tama siya, teka, alam niya na bang magkapat-.." Valdesis.
"Shhhh! tumahimik ka nga. Wala pa siyang alam, siguro sa panahong makakalabas kami sa lugar ng buwan ay sasabihin ko ang tungkol sa bagay na yan, di pa rin ako handa." Renzo.
"Tsk! na babakla ka na ata pare." Valdesis.
(-___-'') Leche naman ohhh, na iirita ako sa ingay nila.
BINABASA MO ANG
Sword Seeker #2 (War of the Gods) COMPLETE!!
FantasíaSWORD SEEKER #1 (GOD'S CHILD) SWORD SEEKER #2 (WAR OF THE GODS) MUST READ THE FIRST BOOK Pansamantalang na tigil ang digmaan. Puno ng takot ang mga mortal dahil sa na ganap na labanan. Dalawang piraso nalang ang hinihintay ng spada ng langit, pero k...