ⓒ All rights reserved for Sword Seeker #2 (War of the Gods). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless huours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.
°•○ ENJOY ○•°
Luna's POV
Tatlong buwan ang naka lipas at kasing bilis rin ng kidlat ang paglaki ng tinakda. Kita ng lahat ang pagbabago ng kanyang anyo, kung isang normal siyang mortal ngayon, nasa limang taong gulang na siya ngayon. Napakaganda niyang nilalang, pero ang pinagtataka ko, unti unting nagiging puti ang kanyang buhok. Kasing puti ng mga ulap sa kalangitan ng mga mortal. Ang pulang labi niya ay parang kinulayan lang ng dugo, na alala ko ang panginuong Therina sa kanya. Sa katunayan niyan, parang kamukha nga sila. Siguro dahil nung mga naka raang araw ang iniisip ko ay ang panginoon, kaya na alala ko siya sa kanya. Pero kakaiba ang mga mata niya, kalahating berde at kalahating itim. Sumasalamin ang mata niya sa mga mata ko noon pero ang mga itim niyang mga mata ang nagpapalito sa akin. Pinaghalong propesiya ko at propesiya parin ng itim na diyos ang bumuo sa tinakda. Di malayong ito ang dahilan sa mga kulay na nakikita ko.
Pero ang kakaibang dugo na nasa katawan niya ang nagsasabing, nagtatalo ang mortal at imortal niyang pagkatao. Parang nakikita ko ang sarili ko sa kanya. Parehong kapalaran parin ang bumuhay sa aming dalawa.
Naalala ko tuloy ang naka raan. Natatawa ako sa mga nadaanan ko, di ko lubos maisip na buhay pa ako at na lampasan ang kahirapan noon.
Napa iling-iling ako at napa tingin ulit sa tinakda.
Naka upo siya sa sahig ng puting bulwagan at kalaro niya ang mga batang bitwin. Napaka inusente niyang nilalang, napaka inusente sa katotohanang magaganap.
Ramdam ko rin ang lumalakas niyang kapangyarihan, di malayong magiging malakas siya sa takdang panahon.
"Kaylangan na ata ng tinakdang matuto sa mga bagay bagay." Biglang dating ni Alvamo at Errest sa gilid ko.
"Panginoon." Bati ni Errest at yumuko.
"Kaylangan parin niyang maging handa sa hinaharap."
"Tatlong buwan pa siyang na bubuhay, kaylangan parin niyang maramdaman ang pagiging bata." Bigla nalang lumalim ang pag-iisip ko sa sinabi ko.
Ayokong maranasan niya ang na ranasan ko noon. Na wala sa akin ang pagiging normal, lalo na sa kabataan ko. Agad akong nag-insayo di dahil gusto ko, kundi kinakaylangan ko. Ang utak ng mga mortal ay parang nasa kahon, nasa loob lang ang pinaniniwalaan nila, di parin nila maintindihan ang dugo ng mga imortal. At isa rin sa dahilan ko ay dahil rin kay ama, alam kong purong mortal ang dugo niya. Di ko man gusto ang kapangyarihan ko noon, pero sa kaisipang magagamit ko ito bilang proteksyon ko sa kanya kaya dahan dahan kong tinanggap.
Napaka bata parin niya para mamulat sa katotohanan. Di parin isang biro ang mga nadaanan ko, dugo't pawis ang binuhis ko upang maging handa. Ang walang muwang niyang utak ang magpapahamak sa kanya kung ipipilit ito.
Napalingon bigla ang tinakda sa dereksyon namin at agad na napatayo. Lumapit siya at yumuko.
"Kumusta ang araw mo tinakda?" Tanong ko.
Ngumiti siya at tinuro ang mga batang bitwin na kanina niyang nilalaro.
Di parin siya marunong magsalita.
Ngumiti rin ako at agad na hinawakan ang kamay niya.
"Sigurado ka ba Luna? Mas maganda kung sa lalot madaling panahon siyang matuto. Mas maaga, mas nakakasiguro tayo sa hinaharap." Rinig ko kay Alvamo.
BINABASA MO ANG
Sword Seeker #2 (War of the Gods) COMPLETE!!
FantasySWORD SEEKER #1 (GOD'S CHILD) SWORD SEEKER #2 (WAR OF THE GODS) MUST READ THE FIRST BOOK Pansamantalang na tigil ang digmaan. Puno ng takot ang mga mortal dahil sa na ganap na labanan. Dalawang piraso nalang ang hinihintay ng spada ng langit, pero k...