ⓒ All rights reserved for Sword Seeker #2 (War of the Gods). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.
ENJOY!!
Gabriel's POV
"Oo tama ka nga, alam na namin ang tungkol sa limang mundo." Pag-uulit ng tinakda sa sagot niya. Napa titig naman sina Ereest nun sa tinakda.
"P-pano?" Jake.
"Isa parin akong anak ng diyos, may mga paraan rin akong malaman ang mga bagay na yan." Lihim naman akong ngumiti dahil sa sagot ng tinakda. Parang sa mga salitang yun, parang tanggap na tanggap niya na ang posisyon niya bilang anak ng panginoon.
Hindi naman sa di niya gusto, pero sa mga ngyari noon sa langit, alam kong nasaktan at na galit ang tinakda sa kanyang ina.
"Hahahaha! ang galing ahh! parang totoo lang!" Biglang pasok ni Valdesis sa usapan.
"Tanga! totoo naman talaga yun!" Sheena.
(-___-'')
Tanging kami lang ang nasa silid ng tinakda, kaya nakakausap kami ng normal ngayon. Mas ma buti muna ito, wala ang mga mortal mas napapabulgar namin ang mga lihim namin dahil kami lang ng grupo ngayon. Ayoko ring makinig sa mga sagot na paulit-ulit ko ng naririnig. Alam kong marami silang itatanong, lalong lalo na sa totoong pagkatao ng tinakda.
"Wala na bang ibang minsahe ang panginoon?" Tanong ni Luna.
"Wala na, tinakda." Sagot ni Ereest. Pero bakit parang, nagsisinungaling ang mga mata niya?
Bumuo bigla ang galit sa akin dahil nagsisinungaling siya sa harapan ng tinakda. Pero kilala ko si Ereest, hindi niya gagawin ito kung walang dahilan kaya huminahon na ako.
"Uhmm, parang g-ganun na nga." Sangayon ng mortal na si Jake at parang sa sinabi niyang yun, malapit pa silang mabuko.
"Talaga? kung ganun." Pansin ko ang isang imosyon ng tinakda pero agad niya itong binago. "Mabuti naman kung ganun. Ibig sabihin, hindi na madadagdagan ang problema ko ngayon."
Napa lunok naman si Jake nun, yumuko bigla si Ereest at dun ko lang na kompirma na may tinatago nga sila. Kung ganun ang balitang tinutukoy ni Ereest kanina ay hindi lang pala ito.
Pero bakit hindi nila sasabihin sa tinakda? Bakit kaylangan pa nilang itago ito?
Nadakip ko ang mga mata ni Ereest at parang nagsasalita ang mga mata niya. Agad ko itong na intindihan at palihim na tumango.
Tumayo ako at naglakad sa tinakda. Pansin ko ang kalituhan sa mga mata niya nung kinuha ko ang kamay niya. Ngumiti ako at di na ako nag taka nung dahan dahan siyang tumayo.
"Sumama ka muna sa akin." Di ko na hinintay ang sagot niya dahil nagsimula na akong maglakad habang hawak hawak ko ang kamay niya.
"Teka Gabriel."
Naglakad kami ng naglakad hanggang na punta kami sa kinaruroonan ng mga mortal.
"Oh Luna! Gabriel! kanina pa kayo na wawala ahh, san ba kayo galing?" Tanong ng mongheng si Syrrah.
"Uhmm.. sa.. sa..."
"Naliligo kasi kami." Pagpuputol ko sa tinakda at pansin ko ang gulat sa mukha niya. Di rin maitago ang gulat sa mga mortal, lalong lalo na sa pirata.
BINABASA MO ANG
Sword Seeker #2 (War of the Gods) COMPLETE!!
FantasySWORD SEEKER #1 (GOD'S CHILD) SWORD SEEKER #2 (WAR OF THE GODS) MUST READ THE FIRST BOOK Pansamantalang na tigil ang digmaan. Puno ng takot ang mga mortal dahil sa na ganap na labanan. Dalawang piraso nalang ang hinihintay ng spada ng langit, pero k...