†Pagkawala ng lihim na lugar†

2.1K 122 9
                                    

All rights reserved for Sword Seeker #2 (War of the Gods). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.

°•○ ENJOY ○•°

Jake's POV

(-__-#)

Buong araw...

(-__-#)

Buong araw na silang nag-aaway!

"Pakiusap! TUMAHIMIK NA KAYO!" Sigaw ko sa dalawang kasama ko. Agad naman silang napahinto sabay lingon sa akin.

Tiningnan ko sila ng masama at agad namang umusok ang ilong ko nung tiningnan lang rin nila ako.

Panginoon! bakit sila pa ang nakasama ko sa misyong to?

"Pagsabihan mo nga siya Jake! lumalaki ata ang ulo nito ehh." Sabi ni Sheena at tinuro-turo pa si Valdesis.

"Eh totoo naman ahh! sabihin mo na kasi na mas malakas kaming mga pulang dragon!" Valdesis.

(-___-#) leche! ano nanaman ba ang pinag-aawayan ng mga kumag na to?!

"Talaga bang palakasan ang pinag-uusapan ninyo?!" Inis na sabi ko sabay palit anyo ng mukha ko bilang isang leyon. Agad naman silang napaatras dahil dun. Agad ko namang iniwala ito at nagpatuloy maglakad. "Tsk! isang salita.."

Napa hilamos ako sa mga palad ko at nagbuntong hininga. Wala nga akong naririnig na salita galing sa kanila, mga batong na tatapon naman ang na ririnig ko. Panira talaga ang mga to!

Muli, hindi ko nalang sila pinansin at tiningnan ulit ang mapang binigay ng diyos sa amin.

Isa itong mahiwagang mapa galing sa langit at kitang kita ang pagbabago sa lugar kung saan kami ngayon. Sa totoo niyan, ang lugar kung saan kami ngayon ay nakakatakot habang tumatagal. Patay lahat ng puno at ang mga halaman sa paligid ay parang sinunog ng isang demonyo. Pero bakit parang na babalaka ako ngayon? Bakit parang napaka pamilyar ng lugar na ito sa akin kahit sa kabila ng empyernong ngyari dito?

⊙﹏⊙

Bigla nalang lumindol na may kasabay na maliit na pwersa sa kinaruroonan namin. Agad akong napatingin sa mga kasama ko at na kita ang gulat rin nila.

"Posible kayang........"

"Oo posible." Pagsang-ayon ko kay Valdesis. Agad naman akong tumango sa kanila at nagpalit anyo.

Agad kaming tumakbo habang niraramdam ang paligid. Malakas, malakas na enerhiya ang na raramdaman ko ngayon. Posibleng ang piraso ang may kagagawan nito.

Pero ang hindi ko maintindihan, wala sa mapa ang bakas ng piraso. Ayon sa panginoon, lilitaw ang piraso sa mapa kung malapit na kami sa kinaruroonan nito. Pero isa paring makapangyarihan ang spada, posible parin ang lahat.

Habang tumatagal, bakit parang pamilyar ang lugar sa mga mata ko. Lumingon lingon ako sa kaliwa't kanan at pamilyar nga ito. Hinaloghog ko naman sa utak ko ang kasagutan sa pagkalito ko.

Nagulat naman ako nung may biglang sumabit sa paa ko. Agad akong natumba at nagpalit anyo para madali kong maibalik ang katawan ko. Pero hindi ko na pansin ang isang kahoy na agad na tumama sa ulo ko.

(⊙﹏⊙)

Hawak hawak ko ang ulo kong sumasakit, pero hindi lang ito ang nagpagulat sa akin.

"Ayos ka lang ba Jake?" Dating ni Sheena.

Sword Seeker #2 (War of the Gods) COMPLETE!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon