† Panahon na (Part 2) †

2.4K 154 35
                                    

ⓒ All rights reserved for Sword Seeker #2 (War of the Gods). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.

•○● ENJOY ●○•


Gabriel's POV

Isang napaka lakas na pwersa ang biglang lumabas galing sa taas kung saan ang kinaruroonan ng templo. Agad namang nagwala ang puso ko dahil dun.

ANG TINAKDA!

Hindi naman ako nagdalawang isip na tumakbo pero bago ko tuluyang iwan ang pwesto namin, winasak ko ang kweba palabas at agad naman itong gumuho para sumara. Ginamit ko na ang pangalawang plano, ang paguhuin ang daan. Tsk! napaka walang kwenta talaga.

Panginoon, sana wala pang ginawa ang tinakda sa mga oras na ito. Tsk! bat ba kasi hindi siya marunong makinig?! Yan ang problema sa babaeng yun! Pinapahamak niya ang sarili niya sa pananaw niyang tama, eh hindi pa nga kami sigurado kung buhay nga ba talaga ang kaylangan ng enerhiyang to!

Patawarin niyo po ako panginoon kung mapaparusahan ko ang anak niyong may matigas na ulo! Kung kinakaylangan ko man ipasok sa kokote niya, ay gagawin ko para matauhan siya na seryosong seryoso ako!

Dahil sa inis at bagal ng pagtakbo, agad kong pinalabas ang kapangyarihan ko at lumipad sa ere. Sa isang iglap, nasa harapan ko na ang templo at nakikita ko parin ang liwanag ng enerhiya.

Pero ang pinagtataka ko, parang may kung anong harang ang naka balot nito. Para akong hinihila ng harang at ramdam kong bumabagal ang pakpak ko sa paglipad. Nagmadali akong umatras dahil dun at hinanda ang sandata ko. Nagkakagulo naman ang mga higanteng lobo sa baba, at nakita kong tumatakbo ang pirata patungo sa tuktok ng templo.

Hinanda ko na ang sarili ko at huminga ng malalim bago sumugod sa harang ng templo. Agad akong binalot ng enerhiya nito at parang mas bumagal ang paglipad ko. Nakita ko sina Valdesis sa ibaba, nakikipaglaban sa dalawang nilalang sa isang napaka bagal na paraan. Gayun din si Sheena at ang mongheng si Syrrah.

Bigla namang bumilis ang puso ko nung nasilayan ko ang tinakda sa di kalayuan. Mabagal rin ang paggalaw niya at hindi naman ito kasing bagal sa katayuan namin.

Para siyang may kinakausap, at nagsasabi ang mga mata niya na despirado siya sa isang bagay. Napa sumpa naman ako dahil dun! Ang tigas talaga ng ulo niya! Nakakalimutan niya na ba ang pangako niya?!

Pinilit kong bilisan ang paglipad ko pero wala itong silbi dahil sa lakas ng enerhiya nito. Parang nawawalan ako ng kwenta dahil sa lakas nito!

HINDI MAAARI ITO! KINAKAYLANGAN AKO NG TINAKDA NGAYON!

"YAAAAHH!" Ginamit ko na lahat ng lakas at kapangyarihan ko para maka wala. Ramdam ko ang pagpigil ng enerhiya sa kagustohan ko na tila nagsasabing hindi ito magpapadistorbo sa isang bagay. Pero hindi ko ito pinayagan! Pinag-uusapan na ang tinakda dito!

"LUNAAAA!" Sigaw ko. Lumabas ang puting liwanag ko kasabay ng kapangyarihang anghel ko at di naman nagtagal, parang may kung anong na basag na naka balot sa katawan ko at nawala.

Naging normal ang galaw ko dahil dun at di naman ako nagdalawang isip na lumipad sa dereksyon ng tinakda. Pero bago pa ako naka rating sa kanya, isang harang ulit ang sumalubong sa akin para pigilan ako.

Kumulekta ako ng enerhiya at inilagay sa spada ko. Agad kong pinaghahampas ang harang sa harapan.

Habang ginagawa ko ito, nahuli ko ang mga mata ng tinakda. Huminto ako at agad na lumapit.

Sword Seeker #2 (War of the Gods) COMPLETE!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon