ⓒ All rights reserved for Sword Seeker #2 (War of the Gods). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.
•○● ENJOY ●○•
Luna's POV
"Wag mo nga akong simulan!" Sigaw ko kay Gabriel.
"Hindi mo ba inisip ang kaligtasan mo?! Pano mo yun na gawa?! Umalis ka nalang ng ganun ganun nalang tapos ma dadatnan ko to?!" Sigaw rin niya.
"Kasalanan ko pa ngayon?! kasalanan ko ba ang ngyari Gabriel?! Ako na nga ang muntik ng mamatay tapos kasalanan ko pa, sa tutuosin nga, nasa akin lahat ng karapatan para lumayo! Sasabog na ako Gabriel! konti nalang! Lecheng propesiya na yan! at lecheng kabiyak na yan!" Sinipa ko na talaga ang kahoy na nakita ko.
Ilang oras na ang nakakalipas, at buong oras na yun, nagsisigawan lang kami ni Gabriel. Ang sarap niyang suntukin!
"Tumabi ka nga diyan! At wag na wag mo akong kakausapin kung ayaw mong maubos yang dugo mo sa ilong." Tinulak ko siya at nagmadaling pumunta sa gilid ni Sheena.
Nakakainis talaga siya! pangaralan ba naman ako! ugghh! daig niya pa si itay!
"Huminahon ka nga. Sasabog na ang mukha mo." Rinig ko kay Sheena at sinamaan ko naman siya ng tingin.
Huminga ako ng malalim. Wala paring patutunguhan to kung ganito.
Nandito kami sa isang bahay sa kapital ng kahariang Warlum. Hindi kayo maniniwala kung sasabihin kong kay Renzo itong bahay, maniwala kayo, totoo to.
Akala ko puro sapot, lumang kisame, maruming kusina, sirang bubong ang makikita ko sa bahay nato. Isa parin siyang pirata kaya ganito ang nasa isip ko nung nalaman kong pupunta kami sa bahay niya. Pero ang ikinagulat ko, isang mansyon ang nakita ko!
Oo mansyon! Akalain niyo, ang yaman pala ng lalakeng yun! Saan kaya niya ninakaw ang yamang to! Kakagulat ehh.
Pero ang kakaiba sa mansyong ito, naka tago ito sa ilalim ng lupa. Nung dumating kami dito, isang maliit na bukasan lang ang nakita namin pero nung pumasok na kami, MANSYON!
Parang may kung anong mahika silang ginamit, NAKAKAMANGHA TALAGA! siguro kung tapos nato lahat, gagawa ako ng ganitong bahay kay itay, oo tama! gagawin ko yun.
(-___-'') kung matatapos nga.
Maniwala kayo't sa hindi, puno ng dyamante ang mansyong to! Muntikan na ngang mahulog ang baba ko nung nakita namin to! Daig niya pa ang isang hari!
"Nag-aalala lang naman si Gabriel at sigurado yun." Sabi ni Sheena. Sumandal ako sa balikat niya at pinanood ang apoy sa harapan namin.
"Ano ba talaga ang ginagawa natin dito?" Tanong ni Valdesis na tumabi sa akin.
"Isang bagay lang naman at yun ang tulong niyo." Biglang sabi ni Renzo na pumasok sa malaking silid.
"Wala kaming panahon sa ganito!" Inis na sabi ni Gabriel at sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Matagal kaming naglalayag sa karagatan. Ngayon lang namin na balitaan ang pagdukot sa mga bata sa lugar. Ako na ang humihingi ng tulong, pakiusap." Gail.
"Bakit Gail? anong ngyari?" Tanong ko.
"Isa man akong pirata ng karagatan, may sarili rin akong pamilya. Dalawa sa babae kong mga anak ay dinukot at ngayon ko lang nalaman. Nasa taas ang asawa ko at lalake kong anak, ayun sa kanila, nagsimula ang lahat tatlong araw na ang nakakalipas." Gail.
BINABASA MO ANG
Sword Seeker #2 (War of the Gods) COMPLETE!!
FantasySWORD SEEKER #1 (GOD'S CHILD) SWORD SEEKER #2 (WAR OF THE GODS) MUST READ THE FIRST BOOK Pansamantalang na tigil ang digmaan. Puno ng takot ang mga mortal dahil sa na ganap na labanan. Dalawang piraso nalang ang hinihintay ng spada ng langit, pero k...