ⓒ All rights reserved for Sword Seeker #2 (War of the Gods). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.
•○● ENJOY ●○•
Luna's POV
Sinubukan ko ng sinubukang ipalabas ang kapangyarihan ko pero hindi ko ma gawa!
Rinig ko ang tawa ng hari kaya agad akong lumayo sa kanya. Agad kong pinulot ang spada sa sahig at hinanda sa harapan ko. Ano ba ang ngyayari?! Bakit hindi ko magawang ipalabas ang kapangyarihan ko?!
Pansin kong hindi parin na tatanggal ang makapal na bakal sa leeg ko, hinilahila ko ito pero hindi matanggal.
Aso ba ako sa paningin nila?!
"Napaka husay! Ngayon ko lang na saksihan ang ganitong kapangyarihan! Napaka lakas! parang walang katulad. Magaling bata magaling, mabuti naman at dinala mo ang babaeng to!" Masayang sabi ng hari at tinapik tapik pa ang balikat ng lalakeng dumukot sa akin. "Hayaan mong ipaliwanag ko ang bagay sa leeg mo, binibini. Ang mahiwagang bakal na yan ay gawa sa isang mangkukulam sa pitong bundok ng Judya. Kaya nitong harangan ang kapangyarihang taglay ng sumuot nito, kaya binibini, natutulog na ang kapangyarihan mo."
(⊙﹏⊙) A-ano raw?!
HINDI MAARI YAN!
"Papatayin kita!" Sumugod ako sa kanya pero sa isang hampas ng kamay niya ay napa tapon ako.
Ramdam ko ang sakit ng mukha ko at ang paglabas ng dugo ko sa bibig. Para akong mortal! Ramdam ko ngang nawawala ang kapangyarihan ko, parang may kung anong humaharang nito. Lecheng bakal to! UGH!
Umatras ako ng umatras dahil naglalakad ang hari palapit sa akin. Napa hinto naman ako nung na bangga ang likod ko sa hagdan ng trono niya.
"Gintong dugo?" Bigla niyang hinila ang damit ko pataas. "Ano pang secretong naka tago sayo, binibini?"
Nagpupumiglas naman ako nung bigla niyang inilapit ang mukha niya sa akin. At dahil sa takot, ginawa ko lang naman ang pinaka gusto kong gawin, at yun ang basagin ang mahiwagang nilalang niya sa baba.
Agad niya naman akong binitiwan kaya tumakbo ako palayo sa kanya. Pero minamalas nga naman, bigla nalang akong na dakip ng mga kawal niya. LECHENG MGA PAA'NG TO! ANG HINA!
Para na talaga akong mortal. Sa na raramdaman ko ngayon, parang kaylangan kong bawiin ang mga hiniling ko. Tama nga si Valdesis, dapat magpapasalamat ako sa kapangyarihang taglay ko.
"IKAW!" Bigla nalang napunta ang hari sa harapan ko at hinila ang damit ko. Sinampal niya ako ng sinampal, na hinto lang ito dahil na punit ang damit ko kaya nabitawan niya ako.
Napaka sakit na ng mukha ko. Parang na iiyak na ako sa sakit! Ganito pala kahina ang maging normal!
Kahit anong laban ko sa hari parang suntok ng babae lang ang natatamo niya. Kumpara sa kamay kong parang kawayan, parang bata ang mga suntok ko!
Hindi na talaga maganda ito!
"GABRIEL!" Sigaw ko.
Bigla nalang akong hinila sa buhok ng hari at pinapunta sa hagdan ng trono niya. Biglang bumukas ang malaking pinto at dalawang kawal ang pumasok, pansin ko ang isang batang babaeng naka sunod sa kanila.
Binitawan ako ng hari at napa hawak naman ako sa kamay ko nun. Kita ko ang pagpula ng balat ko at ilang pasa sa braso ko. Ang sakit na ng katawan ko!
Isa siyang demonyo! Mukha ba akong bakla para hindi isiping babae ako?!
BINABASA MO ANG
Sword Seeker #2 (War of the Gods) COMPLETE!!
FantasySWORD SEEKER #1 (GOD'S CHILD) SWORD SEEKER #2 (WAR OF THE GODS) MUST READ THE FIRST BOOK Pansamantalang na tigil ang digmaan. Puno ng takot ang mga mortal dahil sa na ganap na labanan. Dalawang piraso nalang ang hinihintay ng spada ng langit, pero k...