ⓒ All rights reserved for Sword Seeker #2 (War of the Gods). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.
•○● ENJOY ●○•
Luna's POV
Ang magdadala sa aming tagumpay?
Sa oras na lumabas ito sa bibig ng panginoon ay bigla akong napatayo.
Sa mga segundong yun parang na ramdaman ko ang pagtaksil ng puso ko. Iniwala ko naman ito agad sa isip ko. Humigpit ang kamao ko habang na nginginig ang mga kamay ko. Tumayo bigla si Gabriel at nagsarado ang tingin namin. Parang gusto niyang pumunta sa akin pero sa mga titig ko sa kanya, parang nagdadalawang isip siya.
Na iintindihan ko si Gabriel, gusto lang niya akong maging maayos dahil sa nararamdaman ko ngayon, pero ang totoong tanong, na iintindihan ko ba ang sarili ko?
Gulong gulo ang utak ko kapagtagumpay na ang pinag-uusapan ng lahat. Parang biglang nagiging baliw ang katawan at isip ko. May koneksyon ba ito sa pangatlong propesiya?
Nagiging taksil ba ang puso ko dahil dun?
"I-ipagpatuloy niyo." Ang tanging sinabi ko at dahan dahang umupo.
Kahit ako na wiwirdohan sa mga kinikilos ko. Kung ano man ito, hindi maganda ito. Parang hindi ko na nakikilala ang totoong ako, parang naglaho na ang Lunang lumaki sa kahariang Herlina. Ibang Luna na nga ako ngayon at dahil ito lahat sa mga propesiyang kaylangan kong paglabanan!
"Mas maganda kung ipapakita ko ito." Sabi ng panginoon.
Isang liwanag ang biglang lumabas sa harapan. Na ramdaman ko ang pag-iba ng ihip ng hangin, hanggang pinalibutan ng liwanag ang lugar. Naka upo parin kami sa parehong upuan pero puno na ng liwanag ang paligid.
Parang nagkaroon ng puting hamog sa harapan at pansin ko ang mga imaheng gumagalaw. Parang na nunood kami sa bolang kristal pero sa pamamagitan lang ng hamog sa harapan.
At sa oras na naging malinaw ang lahat, parang bigla nalang akong hinila at pumasok sa pangyayari sa harapan.
Umiikot ang ulo ko, parang may kung anong alon ang sumampal nito.
"Kaylangan ng kalawakan ng isang tinakda." Isang boses ang na rinig ko at agad naman akong napa ayos.
Ngayon ko lang na pansin na wala na ako sa pribadong lugar kanina, parang nakatayo ako sa isang silid na puno ng mga batong kasulatan. Namumukhaan ko ang silid na ito! parang ito ang banal na silid ng mga propesiya!
Pero pano ako na punta dito? at saan sila Gabriel?!
"Tinakda?" Isang pamilyar na boses ang na rinig ko. "Tinakda ng kalawakan?"
Di naman nagtagal na kita ko ang panginoon sa di kalayuan. Parang nag-iba ang mukha niya dahil sa maikli niyang buhok, iba na rin ang suot niya ngayon dahil kulay ginto na ito. Ang ganda niya parin pero kaylan pa siya nag-ayos ng ganya?! Ang dali naman ata niyang magpalit.
"Panginoon! Mabuti n-.." Nagulat naman ako nung tumagos ang katawan niya sa akin. Para akong kaluluwa!
⊙﹏⊙ Patay na ba ako?!
"Isang tinakda ang kinakaylangan ng pangalawa at pangatlong propesiya, tinakda na sasagip sa lahat. Ang makakatalo sa kadiliman at magdadala ng kapayapaan sa mga mortal." Sabi ulit ng isa pangboses at sa paghahanap ko nito, isang katawang liwanag ang nasa harapan ng panginoon.
BINABASA MO ANG
Sword Seeker #2 (War of the Gods) COMPLETE!!
FantasíaSWORD SEEKER #1 (GOD'S CHILD) SWORD SEEKER #2 (WAR OF THE GODS) MUST READ THE FIRST BOOK Pansamantalang na tigil ang digmaan. Puno ng takot ang mga mortal dahil sa na ganap na labanan. Dalawang piraso nalang ang hinihintay ng spada ng langit, pero k...