† Pagbabalik †

3.6K 173 8
                                    

ⓒ All rights reserved for Sword Seeker #2 (War of the Gods). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.

°•○ ENJOY ○•°

Luna's POV

Kapatid?! nagbibiro ba siya? Ang mga batang ito ay kapatid ni Renzo?!

Pero pano ngyari yun?

Mahigit dalawampû ang nakikita kong mga bata ngayon. Imposibleng magkakaanak ng ganito ka dami ang nanay ni Renzo! Anu yun aso? sabay sabay?

Ang bantot naman ata ng iniisip ko, sira talaga tong utak ko paminsan minsan!

Dinumog nila ang kahong dala nila Gail at nanlaki naman ang mga mata ko nung nakita ko ang laman nito. Puno ng mga laruan, damit, gamit, at iba pa ang loob ng malaking kahon. Pansin ko rin ang mga kumikislap na mga mata ng mga bata.

"Teka teka! wag kayong mag-aagawan. Lahat meron kaya hindi kaylangang magsakitan hahaha." Natatawang sabi ni Renzo at tinulongan ang mga bata.

Nakakatuwa, ito pala ang dahilan kung bakit kami nandito. Sa mga masamang inisip ko, parang kaylangan ko ng mangumpisal o di kaya mas mabuting iuntog ang ulo ko para bawiin yun.

Sa lahat ng libro kong na basa tungkol sa mga pirata nung nasa kahariang Herlina pa ako, hindi ganito ang pagkakakilala ko sa kanila. Iba ang mga piratang to, kahit nagnanakaw sila ng walang pakialam kung saan o kaylan, may puso parin silang dumadaig sa mga kasamaang ginawa nila.

May bigla akong na ramdamang humihila-hila sa damit ko at nakita ang isang batang babae na may hawak na laruang uso.

"Ano yun?" Yumuko ako para hindi siya tumingala sa akin.

Hindi siya nagsalita pero bigla niyang hinawakan ang buhok ko at mukha ko. Nagulat ako nung bigla niyang hinila hila ang pisngi ko at tumawa.

"Isa ka bang Nymph?" Tanong niya at na tawa naman ako nun.

"Ang layo ko lang sa pagiging Nymph, sabihin mo, isa ka bang Fae?" Tumawa siya sa tanong ko at tumango.

⊙﹏⊙

"T-talaga? hahaha, pambihira!" Sabi ko at kinindatan ko siya.

Muntik ko ng makalimutan, ang iba nga pala sa kanila ay mga Fae. Ayun sa librong na basa ko tungkol sa mundong ito, kalahati ng populasyon sa mundong ito ay mga Fae. Pangunahing kapangyarihan nila ay elemento ng lupa. At ang mga Nymph na tinutukoy niya ay isa ring nilalang sa mundong ito na naka tira sa gubat, sila ang mga umaalaga sa gubat dahil ang kapangyarihan lang nila ay ang kalikasan at wala ng iba.

"Ang pula mo bang buhok ay ibig sabihin, ang pangalawang kapangyarihan mo ay apoy?" Tanong ulit ng bata.

"Hahahaha nako hindi." Lumapit pa ako lalo sa kanya at bumulong. "Isa akong diyosa."

Agad kong nilagay ang hintuturo ko sa labi ko at kinindatan siya.

May lumapit ulit na bata at ngayon lalake na ito. Hinila niya ang kamay ko para yumuko at bigla niyang hinila hila ang mga pisngi ko. Dumagdag ulit ng dalawa at gayun din ang ginawa nila.

Ano ba ang problena ng mga batang to? nagagandahan ba sila sa akin? Naks naman oh!

"Para ka kasing daga kaya na natutuwa sila sayo." Biglang sabi ni Renzo at agad ko naman siyang inirapan.

Sword Seeker #2 (War of the Gods) COMPLETE!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon