† Mga alipin ng buwan †

3.8K 167 19
                                    

ⓒ All rights reserved for Sword Seeker #2 (War of the Gods). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.

•○● ENJOY ●○•

Renzo's POV

"Maraming salamat sa lahat, Renz." Sabi ni Luna at kinamayan ako.

"Renz? may pangalan na pala ako ngayon sayo. Wala ka dapat ipagpasalamat, kagustohan kong tumulong. Pero binibini, na raramdaman kong magkikita pa tayo muli." Na tawa naman siya nun.

Ngayong pumasok na talaga sa utak ko na aalis na nga siya, parang may kung anong kirot ang nararamdaman ko. Matagal ng silyado ang puso ko pero bakit parang kaparehong kapareho ito sa na raramdaman ko noon?

"Bakit biglaan naman ang alis mo, binibini?" Tanong ni Gail.

"Tawagin niyo pa akong binibini, ililibing ko na kayo." Banta niya pero tumawa lang ang mga pirata at lalo na ako.

Para talaga siyang bata, nakakatuwa.

"Tama nga ang kapitan, ramdam rin ng mga kasama na magkikita pa tayo ulit, Luna." Gail.

"Teka, magpapakamatay na kayo?" Gulat niyang tanong at nalito naman ako nun.

"Puro talaga kalukohan ang nasa isip mo." Ginulo ko ang buhok niya at muntik na akong matawa dahil inirapan niya ako. "Pero gayun pa man, may itsura ka naman."

Pinigilan ko naman ang sarili kong tumawa dahil sa gulat niyang mukha.

"Ang kapal neto! Anong may itsura?! Ang ganda ko kaya! aminin mo!" Sigaw niya at na tawa naman sila lalo. "Mga walangyah!"

"Mag-iingat ka, pulang buhok." Sabi ni Bert.

Pulang buhok? ano naman ang nakain ng lalakeng to?

"Mukhang na iinip na ang mga kasama mo sa baba, Luna. Basta tatandaan mo, bilog parin ang mundo kaya magkikita pa tayo." Bulong ko at niyakap siya, ramdam ko ang gulat niya kaya napa ngiti ako sandali. Rinig ko naman ang tawa niyang bahagya.

"Gusto ko ng alak kung magkikita man tayo ulit." Luna at sumang-ayon naman ang lahat.

Umiling iling ako sa sinabi niya. Pambihira talaga ang babaeng to nakakagulat minsan.

Kinuha niya na ang mga gamit niya at ngumiti sa aming lahat. Pinigilan ko naman ang sarili ko na manatili sa pwesto ko para hindi siya halikan at ubusin ang hangin sa kanya hanggang sabihin niyang mananatili siya sa tabi ko. Pero alam kong malabong mangyari yun.

Teka teka?! Ano ba tong pinag-iisip ko!?

Ilang araw niya pa akong nakikilala at alam kong hindi pa nabubuo ang isang pakiramdam sa kanya! bakit naman na hantong ang utak ko sa bagay na yun?!

"Hanggang sa muli!" Masayang sabi niya at binuksan ang pinto palabas.

Tiningnan ko siyang naglakad kung saan ang mga kasamahan niya at kinindatan nung tumingin siya ulit sa dereksyon ko. Kita ko ang gulat niya at pansin ko ang maliit na pula sa pisngi niya.

Pero na wala naman ito nung may humila sa kanya at nakita ang lalakeng kinaiinisan ko. Tiningnan niya ako ng masama na parang kinuha ko lang ang isang pag-aari niya, at binalik ko lang sa kanya ang tinging yun.

Kung maka asta naman tong lalakeng to, parang pag-aari niya si Luna! Tsk!

Hinila siya ni Luna at naglaho na sa bayan. Naiwan naman akong naka tingin kung saan si Luna kanina.

Sword Seeker #2 (War of the Gods) COMPLETE!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon