†Simula ng bagong pag-asa†

3.1K 132 31
                                    

ⓒ All rights reserved for Sword Seeker #2 (War of the Gods). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless huours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.

°•○ ENJOY ○•°


Luna's POV

Hindi ako maka paniwala sa nalaman ko tungkol sa propesiya. Tama nga ang sinabi ni Alvamo, isang imposible ang kagustohan ng propesiya. Limang taon palamang ako sa pwesto ko at hindi ko alam kung kakayanin ko na bang gumawa ng isang tinakda. Sa mga librong na basa ko sa kasaysayan ng panahon ng panginoong Therina, sa oras na ginawa niya ako bilang tinakda noon ay nagbigay sa kanya ng malaking pagkawala ng kapangyarihan. Ilang propesiya parin ang tinakbo ng kapangyarihan niya pero sa akin ay kauna-unahan. Kakayanin ko ba ang bagay na ito?

Napa titig ako sa labas ng bintana nun. Kita ko ang mga higanteng bitwin at lumalim ulit ang pag-iisip ko.

Tama nga ba ang na isip ko kagabi? Ang koneksyon ng Zurook sa propesiya ay tumogma ba sa kagustohan nito?

Ang dahilan ba ng lahat ay dahil ang susunod na tinakda ay magdadala ng mortal kong puso? Pero bakit si Gabriel ang nagbigay sa mga oras na yun? Kagustohan ba ng makapangyarihan na uulit ang mga nangyayari noon? Kagustohan ba niyang si Gabriel ang magiging gabay ng bagong tinakda? Pero anong ibig niyang sabihin sa pagtitiwalag ng isang mundo sa bagong mundo? At ang kadahilanan nito ay ang puting kapangyarihan?

Napa yuko ako dahil sa mga tanong na umaapaw sa utak ko. Napakalaking bagay ang paparating at hindi ko alam kung kakayanin ko ba ang bagay na ito. Wasak na wasak ang tiwala sa aking sarili ngayon, saan pa ako pupulot para humugot ng lakas?

"Mas mabigat pa ata ito sa mga misyon ko noon." Napa buntong hininga naman ako dahil dun. Ramdam ko ang katotohanan sa mga naisip ko.

Naglakad ako sa aking pinto at lumabas. Parang ang bigat ng ulo ko na di ko man lang kaya batiin ang mga na dadaanan ko. Mahigit sampong minuto rin akong naglalakad at na hanap ko ang sarili ko sa labas ng aking palasyo. Agad akong sinalubong ng itim na palasyo na nasa harapan lang, napaka dilim nito pero habang tumatagal, parang na sasanay na ako. Hindi ko alam pero biglang naglakad ang mga paa ko, agad namang nagsilabasan ng mga hamog upang maging daanan ko. Hindi nagtagal, nasa harapan ko na ang higanteng pinto.

Bigla itong bumukas at nagtaka ako dahil dun. Lumingon lingon naman ako sa paligid at pumasok sa pinto.

Ano ba tong ginagawa ko? Nababaliw na ba ako? Bakit ko ba na isipang pumunta sa palasyo niya?

Naglakad ako ng naglakad hanggang nasa gitna na ako ng napakalaking bulwagan ng palasyo. Napaka laki at nakakamangha lang, alam kong galing ako dito noon, dito parin niya ako tinago ilang taon na ang nakakalipas, pero pinapahanga parin ako ng mga kakaibang straktura ng loob nito. Ngayon ko lang na pansin na habang naglalakad ako, nagiging puti rin ang sahig na nadadaanan ko. Dala ata ito ng kapangyarihan ko.

Na padpad ako sa kanyang trono at pansin ko ang lungkot nito sa malaking bulwagan. Ang layo lang nito sa palasyo ko, may sariling trono parin siya sa bulwagan ko. Teka teka! Bakit parang nag-iisip ako na kaylangan ko ring lagyan ng trono ko dito, na babaliw na ata ako!

Ni yugyug ko naman agad ang ulo ko dahil sa ka wirdohang pumasok sa utak ko. Napa atras ako at aakmang tatakbo sa labas ng may bigla akong na bangga.

Nanlaki naman ang mga mata ko nung nakita ko ang itim niyang mga mata kasabay ng kislap na sumasabog na binibigay niya. Napalunok ako dahil dun at kita ko ang pagkalito niya sa presensya ko.

Sword Seeker #2 (War of the Gods) COMPLETE!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon