ⓒ All rights reserved for Sword Seeker #2 (War of the Gods). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.
°•○ ENJOY ○•°
Valdesis POV
"At saan ka naman galing bata?" Galit na tanong ng matanda pagdating ko. Di ko naman siya pinansin at kinuha ang alak na nakita ko sa maliit na lamesa sa gilid. Pinigilan ako ni ina at napatitig naman ako sa kanya.
"At bakit hindi pa nagsisimula ang kasalang to?" Naka ngiting tanong ko sa kanila.
Parang na hihilo pa ako dahil sa alak sa ulo ko. Ang nakapagtataka lang, parang na mamaga pa ang pisngi ko at hindi ko alam kung bakit.
Kinuha ni ina ang boteng nasa kamay ko at agad kong na ramdaman ang mga kamay niya para kumalma ako.
Bigla ulit akong na inis sa kaisipang kasalan ngayon. Leche talaga, bakit pa ba ako bumalik sa kaharian. Ito ata ang napala ko dahil sa kapangyarihang hinahangad ko. Nakakainis talaga.
Naghanap naman ang mga mata ko sa mga isda at nakita ang ama niya sa kaliwang bahagi ng bulwagan. Hindi ko nakikita ang tatlo niyang mga anak at muli, naghanap ang mga mata ko.
"Narinig kong, nawawala raw ang prinsesa." Rinig ko kay ina.
Napa lingon naman ako sa kanya dahil dun. Anong ibig niyang sabihing na wawala?
Kung ganun, tinalikuran niya na ang kasalang to?
Hindi ko alam pero bigla akong naka ramdam ng saya. May pag-asa pang hindi matutuloy ang kasalang to. Kulang nalang ata, tatawagin ko lahat ng diyos at mga anghel sa kalangitan para hindi na ituloy ang bagay na ito.
Isa lang ang ibig sabihin kasi nito, hindi ako tanggap ng kaharian. Malaya na akong pagmunoan ang kaharian ko kahit wala ang tulong ng pagpapakasal.
"Hindi na tuloy ang kasal, aalis na ako." Sabi ko sabay alis, pero bigla nalang may humila sa braso ko at nakita ang matanda.
Uminit ang ulo ko dahil dun pero nanatili akong kalmado dahil nasa harapan ako ng aking ina. Sutil man ako minsan at walang kinatatakotan, pero pagdating kay ina, umiiba ang serkyolasyon ng dugo ko. Hindi niyo pa nakitang na galit ang ina ko, wag na!
Para sa kaalaman niyo, nagkaroon noon ng digmaan pagitan ng mga pulang dragon at ng mga puti. Hindi lang ang ama ko ang na ngunguna sa digmaang yun. Isa sa mga nasa harapan ang ina ko sa digmaang yun.
Na basa ko ang aklat ng kasaysayan noon at sa mga larawan at mga salita, hindi ko akalaing isang kahanga-hanga ang ina ko.
"Wag kang bastos, bata. Hindi basta basta tatalikod ang pulang dragon sa altar ng isang diyos." Salita niya at muntikan ng umikot ng mga mata ko.
Kinuha ko ang braso ko at tiningnan ulit ang ina ko at saka umalis na ng tuloyan. Hindi ko man gusto ang kasalangang to pero ang pagtalikod sa isang tulad ko ay hindi ko papalagpasin. Humanda ang babaeng yun, sa katawan kong to? Tatalikoran niya? Nahihibang ba siya?!
Magkapatid nga sila ng isdang yun!
Luna's POV
"Luna handa na ako, ibalik mo na ako sa date." Rinig ko kay Sheena. Napa buntong hininga naman ako at ginawa ang kagustohan niya.
BINABASA MO ANG
Sword Seeker #2 (War of the Gods) COMPLETE!!
FantasySWORD SEEKER #1 (GOD'S CHILD) SWORD SEEKER #2 (WAR OF THE GODS) MUST READ THE FIRST BOOK Pansamantalang na tigil ang digmaan. Puno ng takot ang mga mortal dahil sa na ganap na labanan. Dalawang piraso nalang ang hinihintay ng spada ng langit, pero k...