ⓒ All rights reserved for Sword Seeker #2 (War of the Gods). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.
•○● ENJOY ●○•
Luna's POV
Mababaliw na ata ako, ni hindi nga makapag-isip ng utak ko ng maayos. Parang punong puno ng problema ang utak ko na parang kahit anong oras ay puputok na.
Matapos naming tumambay at alam niyo na, sa pinaka mataas na puno na di ko man lang alam kung saan, ay agad kaming bumalik sa lugar ng buwan. Nakipagsiyahan muna kami sa ritwal ng mga diwata ayun sa pangako ni Gabriel sa akin. Sa mga oras na yun ay parang nagkaroon ng konting kalayaan ang utak ko sa mga problemang dumidikit sa akin ngayon. Ni hindi ko nga inisip ang mga mangyayari bukas dahil sa kasiyahang pinasok ko.
Pero ang mga tawa, biruan, kwentohan, mga kantahan, sayawan at iba pa ay meron palang isang mabigat na.............. kapalit.
Pinaliwanag lahat lahat nila Gabriel pagkatapos nun at isa na dito ay tungkol sa pagkontrol ng spada sa akin. Parang ito ang pumuno ng utak ko ngayon! konti nalang ata ay parang mapapaluhod na ako at sumigaw ng suko.
Hanggang ngayon, hindi parin ako kumikibo sa inuupoan ko. Nasa silid parin kami ngayon at kompletong kompleto ang grupo. Hindi parin kami tapos sa pagpaplano at parang lutang na lutang ang utak ko para sumali pa sa pagpaplanong to, kaya di ako gumagalaw sa kinauupoan ko.
Parang ni isang salita ay hindi ko kayang gawin, para akong walang buhay, walang saysay, walang kwenta. Hindi ko naman kayang magalit sa kanila dahil damay damay ang lahat ng to, at isa pa hinatid lang nila ang minsaheng to. Hindi ko naman pwedeng magalit rin sa iba, eh ginagawa parin nila ang lahat para maka tulong sa mga problemang to. Iisang tao lang naman dapat ako magalit at yun ay ang sarili ko.
Wala dapat akong sinisising iba, ang sarili ko ang dapat managot sa lahat ng bagay nato. Ang sarili ko ang dapat magbayad sa lahat ng to! ang sarili ko ang dapat magdusa sa lahat ng to at hindi ang iba, dahil simulat sapul, ako ang may koneksyon sa lahat ng problemang to.
"Kung kinakaylangang pumunta ng mga ginintuang hukbo sa bawat mundo ay gagawin natin, maging handa lang ang limang mundo. Kinakaylangan parin ng tinakdang kunin ang piraso, sa kadahilanan ng proteksyon. Proteksyon para sa matinding kalaban at yun ay ang panginoong itim." Rinig ko kay Gabriel.
"Pero pano si Luna pag nakuha niya na ang piraso?" Si Jake ata ang nagsalita.
"Ako ang magiging harang, maliban sa tela, ang kapangyarihan ko ang pangalawang pagpilian para sa tinakda." Sagot ni Gabriel.
Sa totoo niyan, hindi ako nakikinig, kalahati ng pinag-uusapan nila ay para lang akong isang kaluluwa na naka upo. Abay may problema rin ako no! Pero gayun pa man, ang na iintindihan ko sa mga pinag-uusapan nila ay kung kinakaylangang isakripisyo ang lahat ay gagawin nila. Tsk! mga baliw nga sila.
Nagpatuloy sila ng nagpatuloy hanggang na pagod ako sa kakaisip rin ng mga problema ko. Di ko na malayang, tulog na tulog na pala ako sa kinauupoan ko.
°•○●□●○•°
"Hindi yan pwede!" Biglang sigaw sabay hampas sa mesa. Agad namang bumuka ang mga mata ko sa gulat. Nandito parin sila sa silid ko at parang ang seryoso nilang lahat.
BINABASA MO ANG
Sword Seeker #2 (War of the Gods) COMPLETE!!
FantasySWORD SEEKER #1 (GOD'S CHILD) SWORD SEEKER #2 (WAR OF THE GODS) MUST READ THE FIRST BOOK Pansamantalang na tigil ang digmaan. Puno ng takot ang mga mortal dahil sa na ganap na labanan. Dalawang piraso nalang ang hinihintay ng spada ng langit, pero k...