†Part 3: Ang pagtatapos†

2.4K 139 30
                                    

ⓒ All rights reserved for Sword Seeker #2 (War of the Gods). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.

°•○ ENJOY ○•°

Luna's POV

Ramdam ko ang isang prisensya...... isang prisensya na sobrang pamilyar sa akin.

Sumandal ako sa pader at naghintay sa prisensyang yun na dumating. Di naman nagtagal, isang katawan ang dumating at agad naman akong napangiti.

"Hindi ka parin nagbabago, Jake Hunter." Bigla siyang napahinto at kita ko ang gulat niya sa pagkilala sa akin. Parang mawawasak na ang mukha ko sa ngiting suot suot ko ngayon.

"L-Luna........" Bulong niya.

"Kamusta ka, Jake?" Hindi ko naman napigilan ang sarili kong tumakbo sa kanya at yakapin siya ng mahigpit.

Ramdam ko ang pagtigas ng katawan niya sa gulat pero hindi ito nagtagal at niyakap rin niya ako. Inikot-ikot niya ako at tumawa.

"Hindi ako maka paniwala! Ikaw nga Luna!" Tumawa ako lalo dahil dun.

Binaba niya ako at hinawakan ang mukha ko. Tinitigan niya ako sa mata at lumaki lalo ang ngiti niya.

"T-teka, ano bang ginagawa mo dito? Diba dapat nasa langi-... teka teka! Totoo ba ang mga balita?" Jake. "Na ikaw ang pumalit sa puting.... ⊙﹏⊙"

Natawa naman ako nung bigla siyang lumuhod at yumuko. Baliw na lalakeng to.

"Tigilan mo nga yan!" Tawa ko sabay hila sa kanya para tumayo. "Oo, tama ka sa balitang yun. Pero hindi ako pumunta dito para ganyan ganyanin mo ako, tumigil ka nga Jake. Bumibisita ako ngayon, bilang si Luna."

"Kung ganun, totoo nga..." Napatitig naman siya dahil dun. "Ang raming nagbago sayo, lalo na sa mga mata mo." Tumawa lang naman ako nun.

"Pwede ba akong humiling sayo, Jake?"

"Limang taon kang nawala at ngayon hihiling ka na agad? Hindi ka nga binago ng langit." Binatukan ko nga. "Ano bang kahilingan mo, panginoon?"

"Pwede mo ba akong ihatid sa lugar ng Aquiryana?" Kita ko ang ngiti niya at agad naman siyang nagpalit anyo bilang higanteng ibon. Napa ikot ang mga mata ko dahil dun, hindi parin siya nagbabago, nanatili parin ang pagkahambog ng lalakeng to. Napa iling-iling ako dahil dun at natawa.

Hinawakan ko ang leeg niya at nakita ko siyang tumango. Di naman ako nagdalawang isip na sumakay sa kanyang likod. Puno ng sabik ang na raramdaman ko ngayon.

"Kumapit ka, Luna...."

At sa isang iglap, nasa ere na kami at lumilipad. Hindi ko parin na kakalimutan ang pakiramdam na ito, parang kahapon lang ako nawala.

Dinaanan namin ang mga ulap sa itaas ng bundok at kasing ganda ata ng larawan ang nakikita ko ngayon sa ibaba. Bumalik na nga sa date ang kagandahan ng mundo. At dahil naghalo-halo ang limang mundo, natutunan parin ng mga mortal kung pano mabuhay kahit puno parin ng limitasyon ng kapangyarihan.

May nakita akong mga pamilyar na lugar at isa na dito ang lugar ng buwan, ang rami na ngang nagbago at hindi naman ma papantayan ang saya ko dahil parte ako sa mga pagbabagong yun. Oras ang tinagal hanggang naka rating kami sa lugar ng tubig. May na pansin akong kakaiba at sa pagtitig ko, dun ko lang nakita ng maayos ang lahat.

Sword Seeker #2 (War of the Gods) COMPLETE!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon