† Ang paglalakbay (part 1)†

3.5K 152 9
                                    

ⓒ All rights reserved for Sword Seeker #2 (War of the Gods). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.

•○● ENJOY ●○•


Luna's POV

Na gising ako dahil hindi ko ramdam ang mga paa ko. Dahan dahan akong bumangon at agad naman akong napa hawak sa ulo kong sumasakit. Nung kinapa ko ang spada ng langit sa gilid ko, iba ang sumalubong sa kamay ko.

⊙﹏⊙ N-nyebe?

Tumingin tingin ako sa paligid at nanlaki naman ang mga mata ko nung napuno ng nyebe ang paligid. Agad kong hinanap ang mga kasamahan ko dahil puro puti nalang ang nakikita ko.

Nakita ko ang damit ni Sheena sa kaliwa ko at agad ko naman itong hinila. Na nginginig pa siya sa lamig at parang na wala lahat ng kulay sa mukha niya. Sunod kong nakita ang damit ni Valdesis at agad ko itong hinila. Walang pinagkaiba sa sitwasyon ni Sheena, nanginginig rin siya.

Biglang bumilis ang puso ko nung hindi ko ma hanap si Gabriel. May na pansin ako sa isang puno at agad naman akong pumunta dun. Napa sumpa naman ako nung nakita ko ang kamay ni Gabriel, hindi ko man ramdam ang lamig pero alam kong hindi ito normal kung hinahawakan ko ang kamay niya. Agad kong kinuha ang mga nyebe sa mukha niya at naka hinga naman ako nung ramdam ko ang paghinga niya.

Ano ba ang ng yari dito? Ayun sa kanila, hindi normal ang lamig kagabi, pero hindi ganito ang inaakala ko!

"Gabriel? na ririnig mo ba ako?" Pinagpagan ko na ang nyebe sa damit niya para mabawasan ang lamig sa katawan niya.

Hinubad ko naman agad ang kapang suot ko at binalot sa katawan niya. Tumakbo ako ulit kay Sheena at inulit ko ang ginawa ko kay Gabriel kanina.

"Na ririnig niyo ba ako? Gumising kayo."

Tinapik tapik ko ang mukha ni Valdesis at pansin kong gumagalaw ang mga mata niyang naka sara. Kinusot kusot ko naman ang mga palad ko para uminit ng konti at nilagay sa mukha niya. Ilang sandali naman nun, kalahati na ng mga mata niya ang bukas.

Ginawa ko rin ito kay Sheena pero matagal niyang naigalaw kahit konti sa katawan niya.

Tumakbo ako ulit kay Gabriel at ginawa ko rin yun sa kanya. Ramdam ko ang lamig sa mga labi niya nung nahawakan ko ito, kaya na takot na ako lalo. Niyakap ko na siya at hinimas himas ang mga braso para mainitan naman ng konti ito.

Parang maiyak na ako sa takot nung hindi parin siya gumagalaw, pero ilang sandali naman nun may na ramdaman akong malamig na bagay na dumapo sa leeg ko. Napa tingin ako kay Gabriel nun at nakita ang kalahating bukas niyang mga mata.

"A-ang la-lamig." Sabi niya at na tawa naman ako ng bahagya nun.

Pansin kong gumagalaw na si Valdesis at di naman nagtagal, nakita ko ng natutunaw ang mga nyebe sa balat niya.

"Babalik ako." Sabi ko at tumayo.

Wala akong ibang naisip kundi hilahin si Sheena palapit kay Valdesis para mainitan ito sa kapangyarihan ng pulang dragon.

"Ano to?" Tanong niyang pang-alinlangan at napa ikot naman ang mga mata ko nun.

"Gusto mo bang si Gabriel nalang ang hilahin ko para yakapin mo?" Ang bilis niyang umiling nun at agad niyang hinila si Sheena.

Kinusot kusot ko ulit ang mga palad ko habang palamit kay Gabriel at inilagay sa magkabilang pisngi niya. Nanginginig parin siya kaya niyakap ko siya ulit.

Sword Seeker #2 (War of the Gods) COMPLETE!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon