† Kagustohan ng puso. †

2.6K 138 5
                                    

All rights reserved for Sword Seeker #2 (War of the Gods). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.

°•○ ENJOY ○•°

Valdesis's POV

"Hindi pa ba tayo kakain? Magtatatlong araw na tayo na puro tinapay na bato at kesong panis ang ating kinakain! Di pa ata tayo nakakarating sa lugar ng piraso, patay na tayong lahat dahil sa gutom." Reklamo ko at parang nagwawala nanaman ang mga bulate ko sa tiyan.

"Tumahimik ka nga Valdesis! sa tingin mo ba kumakain ng masarap ang mga kasama natin ngayon?! Nasa digmaan parin tayo ngayon at ang kaibigan natin ay kinakaylangan ang tulong natin!" Bulyaw ng isda sa akin.

"PWEDE BA TUMAHIMIK KAYONG DALAWA?! MAGTATATLONG ARAW NARING PABALIK-BALIK YANG MGA SINASABI NIYO! KAYA PAKIUSAP! KAHIT NGAYONG ARAW LANG!" Biglang sigaw ni Jake.

Napa titig naman kaming dalawa sa kanya nun. Pansin kong umuusok na nga ang ilong niya sa galit, hindi maganda to. Di pwedeng lumabas ang leyon ng lalakeng to. Mahirap na, baka kami pa ang maging pagkain sa mga oras na ito.

(-__-#) Bakit ba naman kasi ako na sama sa dalawang to.

"Tingnan niyo!" Biglang sigaw ng isda na may tinuturo.

Agad naman akong napalingon dahil sa kaisipan ng pagkain. Pero iba ang nakita ko, isang usok.

"Isa atang bayan ang nasa di kalayuan!" Masayang sigaw ng isda at tumakbo bigla.

Napa ikot naman ang mga mata ko dahil dun. Agad akong sumunod at nagtaka sa sarili ko.

Bakit ko ba iniisip ang kaligtasan ng isdang to?

Pero habang papalapit kami sa nasabing bayan, may biglang na sagap ang ilong ko na nagdala ng pagkalito sa akin.

"May na aamoy akong.-"

"Dugo." Pagdudugtong ko sa salita ni Jake.

"AHHHHHHH!" Nagwala naman ang puso ko dahil sa isang sigaw. Agad kong hinanap si Sheena at na takot nung di ko siya makita.

Binilisan ko pa ang pagtakbo ko at hinanap siya. Pero gulat ang sumalubong sa akin. Bigla nalang akong na dulas sa lupa at nakita si Sheena sa di kalayuan.

"SHEENA!" Agad kong hinalughog ang utak ko sa dapat gawin.

Pero na blangko ang utak ko nung nakita ko ang isang malaking aguila na lumipad sa taas ko. Ang bilis ng lipad nito na sa isang iglap, nakita ko na si Sheena sa mga kamay nito.

Sinikap ko namang ipahinto ang sarili sa madulas na lupa at umabot ito ng minuto hanggang sa tuloyang huminto ako.

"Ayos ka lang ba Sheena?" Rinig kong tanong ni Jake. Pero ang hindi ko maintindihan, bakit umiinit ang dugo ko habang nakikita ko ang isda sa mga braso ng taong leyon na ito?

"Ano bang iniisip mo?!" Biglang sigaw ko. "Gusto mo bang magpakamatay?!"

"Valdesis..." Rinig ko sa kanya. May na kita akong mga sugat sa pisngi niya at braso, na ramdaman ko ulit ang takot at kaba.

"Tsk!" Padabog naman akong umalis sa kinaruroonan nila. Di na ako lumingon dahil sa di ko maipaliwanag na nararamdaman.

Di ko gusto ang pakiramdam na ito, parang hinihigitan ang pakiramdam ko noon. Di pwede ito, di maganda.

Sword Seeker #2 (War of the Gods) COMPLETE!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon