ⓒ All rights reserved for Sword Seeker #2 (War of the Gods). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.
°•○ ENJOY ○•°
Luna's POV
Napa atras ako ng napa atras sa kanya. Di parin ma proseso ng utak ko ang mga biglaang mga salita niya. Talaga bang totoo yun? talaga bang, pinukaw ko lang ang pangatlong propesiya? P-pero pano ngyari yun?
"Ayun nga ng sinabi ko tinakda, kagustohan ito ng puso mo." Salita niya ulit.
Parang sasabog na ang utak ko dahil sa mga salitang yun. Di ko alam kung ano na ang na raramdaman ko dahil parang hinihiling ko nalang na mawala. Agad naman itong umepekto sa pagtayo ko na nagsanhi ng pagkatumba ko.
Pero bago pa ako makonekta sa malamig na sahig sa itim niyang silid, dalawang braso niya ang sumalo sa akin. Ramdam ko ang paghinga niya dahil sa lapit ng mukha niya at lalo namang nagwala ang puso ko nun.
Wala akong marinig ni isa maliban nalang sa puso kong sumisigaw sa kaba. Pero sa kabila ng ingay na yun, isa pang pagtibuk ng puso ang sumisingit sa pangdinig ko, hindi naman pwedeng sa kanya yun. Isa parin siyang diyos, at siya ang panginoong itim. Kanino namang puso ang na ririnig ko? Posible bang sa kanya ito?
"Tinakda..." Rinig ko. Pero parang napaka manhid ng tenga ko para prosesohin kung kanino ito galing, at dahil rin sa mga itim na mga mata sa harapan ko.
"Halikan mo ako, aking reyna." Rinig ko sa harapan at parang kakaiba ito sa boses kanina.
Pero bakit parang, di ko kayang tumanggi sa utos na yun?
Sa kabila ng mga iniisip ko, dumadaig parin ang kakaibang na raramdaman ng puso ko. Di ko naman na pigilan ang katawan ko, di ko kayang pigilan ang paglapit ng mukha ko!
"Tinakda.." Salita ulit.
Teka... bakit parang pamilyar ito sa akin?
Na hati naman ang katawan ko nun. Kagustohan kong manatili sa pwesto ko at kagustohan ko ring lingonin ang boses na yun. Teka, talaga bang may boses na tumatawag sa akin?
Dahil rin sa masinop kong isip, tinulak ko ang sarili ko para lingonin ito. Pero bago ko pa ito magawa, hinila ni Alvamo ang mukha ko sa kanya.
⊙﹏⊙
Nagdikit ang mga labi namin at sa gulat ko at takot, para akong bato sa pwesto ko. Pero sa oras na gumalaw ng dahan dahan ang mga labi niya, sumabog bigla ang isang bagay sa loob ko.
Parang ma wawala ako sa sarili dahil dun! at dun ko lang na lamang, gumagalaw na rin ang mga labi ko!
Hindi ko maintindihan ang mga bagay sa utak ko ngayon. Napaka gulo pero ang na raramdaman ko sa mga labi ko ngayon ay nagpapanatili sa gitna nitong daloy.
Di naman nagtagal, parang naging agresibo ang mga halik niya. Parang bigla siyang nagutom, at dahil dun, bigla namang uminit ang katawan ko. Di ko napigilang hilahin siya at hinawakan ang malambot niyang buhok.
(KRSSSSS) Narinig ko nalang bigla na napunit ang damit ko. Pero di ko na ito pinansin.
Pero matapos nun, bigla siyang tumigil at na iwan akong hingal na hingal. May na ririnig akong na babasag pero hindi ko muna ito pinansin dahil sa napaka gulong utak ko.
Teka teka, anong ngyari ngayon lang?
Nanatili muna akong naka upo habang kinukolekta ko muna ang sarili ko. Pero ang ingay ng pagbasag kanina ay napalitan ng pagsabog ng mga bagay.
BINABASA MO ANG
Sword Seeker #2 (War of the Gods) COMPLETE!!
FantasySWORD SEEKER #1 (GOD'S CHILD) SWORD SEEKER #2 (WAR OF THE GODS) MUST READ THE FIRST BOOK Pansamantalang na tigil ang digmaan. Puno ng takot ang mga mortal dahil sa na ganap na labanan. Dalawang piraso nalang ang hinihintay ng spada ng langit, pero k...