†Bagong anyo ng Shifter†

2.2K 131 5
                                    

All rights reserved for Sword Seeker #2 (War of the Gods). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.

°•○ ENJOY ○•°

Valdesis's POV

⊙﹏⊙

Totoo bang si Jake ang nakikita kong naka tayo sa ibaba ngayon?!

Hindi ko alam pero matapos kong maramdaman ang malakas na enerhiya kanina, bigla nalang na hulog ang katawan ni Jake sa mga halaman at nag-iba na agad ang itsura niya!

Sa pagkakaalam ko, isang bihira ang pagkakaroon ng pangatlong anyo sa isang shifter. Makukuha lang nila ito kapag ang nilalang ay magkakaroon ng pambihirang lakas at taglay para mapili kang karapat-dapat na magkakaroon ng kapangyarihan. Kahanga-hanga!

"Jake?" Rinig ko kay Sheena.

Siya ngayoy naka tayo habang pinagmamasdan ang panibago niyang anyo.

Nanatili ang katawan niyang mortal, pero isang higanteng pakpak ng aguila ang lumabas sa kanyang likod. May mga koko rin siya na katulad ng isang mabangis na leyon at mga pangil na handang ilabas ang bangis nito sa isang kalaban. Kita ko rin ang pagbabago ng braso niya dahil may nakikita na akong balahibo ng isang leyon, pero ang nakakatakot sa lahat ay ang kanyang mga mata, na ngayoy kasing pula na ng pulang buwan.

"Subukan mo kayang kumuha ng larawan para di mo talaga to makalimotan?" Sabi ko sa nilalang.

Oo, kahanga-hanga nga siya pero tsk! ako parin ang malakas.

Agad ko namang kinulekta ang lakas ko at inisip ang kapangyarihang apoy. Nilakasan ko ito at minuto ang dumaan, nagsimula ng masunog ang mga dahon na naka balot sa katawan ko. Di naman nagtagal, nagawa kong maka wala sa mga halamang naka balot sa katawan ko. Nasunog rin ang damit ko at sa tingin ko umuusok pa ata ang katawan ko.

Napaka init ko talaga.

"Nagbibiro ka ba?! May oras ka pa talagang pumorma diyan!" Rinig ko sa isda at napa pikit naman ako sa paninira niya.

Agad akong nagpakawala ng bolang apoy at itinira sa derekyon niya. Agad siyang nahulog sa lupa at muntik na akong matawa sa porma ng pagkahulog niya.

"Luna?" Napa tigil ako bigla dahil sa tawag ni Jake. Agad akong napalingon at na gulat.

Isang kahoy ang naka tayo sa harapan niya na may hugis katawan. Hindi lang isang ordinaryong katawan lang ang naka korte nito, dahil kamukhang kamukha ito ni Luna.

Isang makintab na bagay ang napansin ko sa kamay niya at nanlaki naman ang mga mata ko nung na mumukhaan ko ito.

"Ang piraso, nasa kanya ang piraso!" Gulat na salita ko.

"Ano pang hinihintay natin?! Kunin na natin to!" Bigla nalang sumugod si Sheena sa kahoy na korteng Luna na ikinagulat ko.

Kasing bilis na ata ng kidlat ang kamay ko para pigilan siya pero bigla nalang siyang napatapon ng malakas. Huminto ang puso ko nun, pero mas na gulat ako sa nagdulot nito.

Sword Seeker #2 (War of the Gods) COMPLETE!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon