† Panahon na (Part 1)†

2.9K 154 5
                                    

ⓒ All rights reserved for Sword Seeker #2 (War of the Gods). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.

°•○ ENJOY ○•°


Luna's POV

Lailah...

Lailah..

Lailah!....

Sumasakit na talaga ang ulo ko dahil sa mga tawag ng enerhiya! Pero ang pinagtataka ko, bakit hindi na naririnig ni Gabriel ang tawag nito? Pero na rinig niya to kanina, bakit hindi na ngayon?

Parang sa bawat tawag nila sa akin ay parang tagos sa utak ko na nagpapagulo sa mga iniisip ko.

Napaka gulo parin ng utak ko, dahil ito lahat sa problemang hawak hawak ko. Hindi ko na alam kung ano ang unang lutasin o dapat kong di gawin. Ang sakit na talaga ng utak ko! Parang matutuyo na ito!

"Luna, anong problema?" Biglang bulong ni Gabriel pero hindi ko siya pinansin.

Lailah!..

Lailah...

Ano ba talaga ang tamang gawin?! sa rami ng problema sa kamay ko, hindi ko na alam kung ano o sino ba talaga ang dapat kong paniniwalaan o gawin!

Una sa listahan ko ay ang panginoong itim! PANO KO SIYA TATALUNIN?!

Pangalawa ay ang mga piraso! KAYLAN KO PA MABUBUO ITO?!

Ang limang mundo! MARAMING MAMAMATAY KUNG MANGYAYARI ANG PAGSANIB NITO!

At iba pangbagay katulad ng sumpang meron ang lugar na ito! sa dami daming taong pwedeng pagpilian, bakit ako pa ang lulutas nito?!

At meron pa, ang pinaka nakakainis na problema ko ngayon at ang problemang yun ay, DAHIL NAKA PAA LANG AKO HANGGANG NGAYOOOON!

Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko dahil parang niyayakap ako ng galit na nararamdaman ko na nagpahawak sa akin sa Zurook sa bulsa ko. Parang may kung anong nagsasabi sa akin na gamitin ko ito para maibsan ang galit ko.

"Luna! anong ginagawa mo?!" Isang kamay ang biglang pumigil sa akin at agad ko naman itong tiningnan ng masama. Kumukulo na ang dugo ko at dahil dun nakikita ko na ang itim na hamog. Sino siya para pigilan ang gusto ko?! kumakalat na ang itim na hamog sa paningin ko.

"Bitiwan mo ako, Gabay!" Galit kong sinabi sa lalakeng nasa harapan ko.

"T-teka anong ngyayari kay Luna?" Rinig ko sa kaliwa at pinatalsik ko ito gamit ng pwesa ko.

Dalawang kamay ang biglang gumapos sa akin at sa higpit nito, parang hindi ko na abot ang Zurook sa bulsa ko.

Isang pamilyar na enerhiya ang biglang na ramdaman kong pumapasok sa akin na nagsanhi ng pagkatigil ng pagnginig ng katawan ko sa galit. Hindi naman nagtagal, bumalik na sa date ang paningin ko.

"Gabriel?" Teka, bakit niya ako niyayakap?

"Luna! ayos ka lang ba?" Biglang tanong niya at napa taas naman ang kilay ko sa kalituhan.

"Bakit, ano bang ngyari?" Tanong ko.

"Muntik mo na kaming kainin!" Sulpot ni Valdesis at mas lalo akong nalito.

"Yung totoo, talaga bang matatawag ka pang pagkain sa katayuan mo? tsk! maligo ka nga muna!"

"Ha-ha-ha... Geez, ang sakit nun ahh. Pero ano nga bang ngyari sayo?" Valdesis at napa tingin naman ako kay Gabriel nun para sa kasagutan.

Sword Seeker #2 (War of the Gods) COMPLETE!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon