ⓒ All rights reserved for Sword Seeker #2 (War of the Gods). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.
•○● ENJOY ●○•
Luna's POV
Tinulak nalang ako bigla ni Gabriel at napa tapon ako sa ere. Binalot muli ng enerhiya ang katawan ko na nagpapabagal sa mga galaw ko. Nagpupumiglas ako ng nagpupumiglas pero hindi parin nagbago ang lahat.
"GABRIEL!" Sigaw ko pero ang bagal rin nito.
Hindi maari! Ano ba ang iniisip ng lalakeng yun para akuhin lahat ng problema nato?! Kung hindi man niya pinahahalagahan ang buhay niya, pwes ako OO! Mahalaga siya sa akin at alam niya ito!
Bakit siya magdesisyon ng ganito nalang?! Iniisip niya ba na buhay ang pinag-uusapan dito?!
@#&%$¿!
"GABRIEL!"
Biglang nagdilim ang paningin ko at nanginig bigla ang katawan ko. Wala na akong pakialam kung magagamit ko man ang Elfeeh ngayon para maka wala lang sa harang nato.
"UGHHH! AHHHH!" Isang sigaw ang nagpamulat sa akin at nakita ko si Gabriel.
Kasalukoyang lumulutang ang katawan niya sa ere habang sumisigaw at dahil dun, wala na akong ibang nakita kundi itim na hamog.
Pabalik balik ang isang sigaw sa isip ko at lalong na muo ang galit sa akin. Ramdam kong naglunsaran ako sa sahig at dumudugo na ngayon ang kamay ko dahil sa mahigpit kong kamao.
Gusto kong pumatay!
Naghanap agad ako sa paligid at nakita ang mga mortal na kasalukoyang naka kulong sa harang ng enerhiya. Agad kong kinuha ang spada ko at hinanda. Pero bago pa ako sumugod, bigla akong napa-isip, gusto kong pumatay gamit ng mga kamay ko.
Tinapon ko ang spadang hawak hawak ko at tiningnan ang nanginginig kong kamay dahil sa sabik na pumatay.
Sumugod ako at hinila ang isang higanteng lobo at tinapon ito sa pader. Rinig ko ang iyak nito pero hindi pa ako na kontento. Agad akong sumugod sa isang lalakeng mortal at sinipa ito ng malaka, hihilahin ko na sana ang babaeng mortal para ikutin ang ulo nito ng may bigla akong na ramdaman.
Parang........... sakit.
Hindi ko alam pero bigla akong napa luhod at napa hawak sa puso ko. Parang may kung anong sumabog sa loob nito na di ko maintindihan.
"UGHH!" Parang ma pupunit ang damit ko dahil sa pagkahawak ko sa aking dibdib. Hindi ko maintindihan ang pakiramdam na ito! parang may kung anong nawala!
-Luna....
Isang pamilyar na boses ang biglang narinig ko. Parang alam ko kung sinong may-ari nito pero pinipigilan ito ng itim na hamog.
-Luna.....
Isang imahe ang biglang lumabas sa utak ko. Isang imaheng may, asul na mga mata.
⊙﹏⊙
"G-Gabriel...."
Biglang nanginig ang buong katawan ko sa di kasiguradohang dahilan. San galing ang pangalang yun? bakit parang, palagi ko itong sinasabi?
"G-Gabriel.." Kusa nanamang nagsalita ang bibig ko. "Gabriel."
Dahan dahan kong inangat ang kamay ko at hinawakan ang ulo ko, may isang bagay akong nakalimutan, isang napaka importanteng bagay.
BINABASA MO ANG
Sword Seeker #2 (War of the Gods) COMPLETE!!
FantasíaSWORD SEEKER #1 (GOD'S CHILD) SWORD SEEKER #2 (WAR OF THE GODS) MUST READ THE FIRST BOOK Pansamantalang na tigil ang digmaan. Puno ng takot ang mga mortal dahil sa na ganap na labanan. Dalawang piraso nalang ang hinihintay ng spada ng langit, pero k...