ⓒ All rights reserved for Sword Seeker #2 (War of the Gods). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.
•○● ENJOY ●○•
Valdesis POV
Na tuyo na ata ang mga mata ko dahil sa bilis ng paglipad namin ngayon. Di ko na nga nakikita ang paligid dahil sa bilis namin! Mag-iisang oras na at hindi parin kami nakakarating, kalahating oras narin ang nakakaraan nung nagkahiwalay hiwalay kami ng mga kasama ko.
Pero sa kabila ng mga problema namin ngayon, isa parin akong maswerteng pulang dragon dahil, isang babaeng anghel ang kasama ko ngayon. Yakap yakap niya ako at parang maduduling ako sa na raramdaman ko. Ngayon lang ako nakakita ng babaeng anghel at isa pa talagang kataas-taasan sa hukbo ng langit.
Ano kaya ang pakiramdam kung hahali-........
Σ( ° △ °|||)︴taktek! parang bigla nalang tumayo ang balahibo ko sa di kasiguradohang dahilan, at ang nakakatakot lang ay dahil bigla nalang lumabas ang mukha ng isda sa utak ko.
(-___-'') bangungot talaga ang pagmumukha niya.
"Kumapit ka ng mabuti mortal, papasok na tayo sa harang ng mundong Zyrexis." Rinig ko sa babaeng anghel.
Eh sino ba naman ako para tanggihan ang sinabi niya? Napaka bait ko kaya, kaya gagawin ko ito, ng buong puso. Agad naman akong napa kapit sa kanya at naghintay sa walang hanggan, pero sadyang kuripot ang oras dahil ilang minutong paghihintay, bigla nalang naging normal ang paligid.
Binuksan ko ang aking mga mata at dun ko lang nakita ang kinatatayuan ko, NASA MUNDONG ZYREXIS NA NGA AKO!
"Hindi ko alam ang lugar na ito, sang lupalop mo ba ako binaba, binibini?" Tanong kong naka ngiti.
"Isang milya simula dito ay ang kaharian ng mga pulang dragon, mortal." Sagot niya at pansin kong inaayos niya na ang kanyang mga pakpak.
"Pwede mo ba akong dalahin sa kaharian ko?" Naglakad ako ng dahan dahan sa kanya. "At alam mo na, pagplanohan ang kinabukasan ng sabay?" Sabay kindat at ngiti sa kanya.
♥__♥ ITO NA TALAGA!
"Naka ukit na ang kinabukasan ko, at yun ay ang pagsilbihan ang mga diyos sa langit habang buhay."
(-___-'')
Nagtaka naman ako nung bigla niyang inilagay ang kanang kamao niya sa kanyang dibdib at tumango sa akin. Magsasalita pa sana ako sa kanya ng bigla nalang siyang, lumipad!
⊙﹏⊙
"HOY! BUMALIK KA! IHATID MO KO SA KAHARIAN KO!" Sigaw ko na alam ko namang di niya na naririnig.
(-____-#) minamalas ka nga naman.
"Anong gagawin ko sa, kagubatang to?!"
Nagsimula na akong maglakad at ang nakakainis lang ay ang haba ng mga damo sa dinadaanan ko! Para akong naging kambing dahil kusang pumapasok ng mga damo sa bibig ko!
"@#&%+=!" Sigaw ko sa inis.
Oras na ata ang dumaan pero parang paikot-ikot lang ako sa parehong lugar. Nagdesisyon akong umupo muna sa isang bato at binigyan ang utak ko ng katahimikang mag-isip.
Pero ilang sandali, isang kakaibang pakiramdam ang biglang na ramdaman ko. Parang may kung anong wirdong enerhiya na biglang na sagap ko! Pero nung tiningnan ko ang paligid, nanatili naman itong tahimik at malayo sa kapahamakan.
BINABASA MO ANG
Sword Seeker #2 (War of the Gods) COMPLETE!!
FantasiSWORD SEEKER #1 (GOD'S CHILD) SWORD SEEKER #2 (WAR OF THE GODS) MUST READ THE FIRST BOOK Pansamantalang na tigil ang digmaan. Puno ng takot ang mga mortal dahil sa na ganap na labanan. Dalawang piraso nalang ang hinihintay ng spada ng langit, pero k...