Akira"Miss Akira Morrin, we don't tolorate any violence inside our university. We also called the attention of Morrin University and reported what you've done. Assured us they will take an immediate action to your behavior."
Gusto kong ipagtanggol ang sarili ko pero kahit anong paliwanag ko ay hindi nila pinaniniwalaan. Dahil may witness raw sa mga nangyari. Hindi porket estudyante nila ay iyon na ang papanigan nila kahit mali naman!
"To avoid the same problem in the future, our university's decision is to ban you. You're no longer allowed to enter Stillford University anymore unless for academic and sport purposes."
Nalipat ang tingin ni Miss Hannah Stillford kay Karen at Ellen na tahimik lang na nakaupo. Pero alam kong nagdidiwang na sila sa decision na i-ban ako rito. Lalo na yang si Karen! Bwisit talaga.
"To Miss Karen Roque and Ellen De Guzman, one week suspension."
Hindi sila umangal sa ibinigay na decision sa kanila. Isang linggo lang naman kasi yon! Habang yung akin ay ban na sa SU!
Matapos ang usapan ay pinalabas na kami sa office. Nang maisara ko ang pinto ay sinalubong ako ng malaking ngisi ni Karen. Habang si Ellen ay nakatingin lang sa ibang direksyon. Walang bakas ng guilt sa mga mata niya dahil sa pagsisinungaling niya kanina. Nabalik ang tingin ko kay Karen na hanggang ngayon ay hindi pa rin naaalis ang ngisi sa mga labi.
Inilagay niya ang hintuturo sa chin niya at naglakad palapit sa akin. "Ito na pala ang huling araw ng pagpunta mo rito at pagbuntot kay Harley."
Napakuyom ako pero gusto ko siyang bigyan ng farewell shot. Since ban na ako sa Stillford University dahil sa kasalanan na hindi ko naman ginawa? Bakit hindi ko na lang kaya totohanin?
Ako naman ang napangisi na ikinawala ng kanya. Kumunot din ang noo niya. Nang makakita ng tiyempo ay malakas ko siyang sinuntok sa kaliwang bahagi ng mukha niya. Sa lakas ay natumba siya at dumugo ang gilid ng mga labi niya. Inalalayan agad siya ni Ellen na makatayo.
"Ayan na, ginawa ko nang totoo ang pagsuntok sayo katulad sa inimbento niyo."
Mabilis ang mga lakad na umalis ako sa harapan nila bago pa siya makabawi. Hindi pa rin naaalis sa pagkakakuyom ang mga kamay ko dahil sa inis na nararamdaman ko.
Nang makarating sa parking lot at makalapit sa kotse ko, ay iyon naman din ang pagtawag sa akin.
"Aki!"
Tumatakbo siya palapit sa akin at huminto sa harapan ko. Mabilis na nag-iwas ako ng tingin sa kanya.
"Why did you do that?"
"Ang ano?" Maang na tanong ko. Ang tinutukoy ba niya ay ang imbentong kuwento nila Karen at Ellen? Bumalik ang tingin ko sa kanya. "Wala akong ginagawa. Na-set up nila ako sa bagay na hindi ko naman ginawa."
"Not that. Nakita ko ang ginawa mo nung makalabas kayo sa office. Bakit mo sinuntok si Karen?"
Nagpantig ang tenga ko sa sinabi niya lalo na sa pangalang binanggit niya.
"Siya ang na una!"
"Kahit na."
Mas lalo pa ako napakuyom. "Mas kinakampihan mo ba ang ex mo kaysa sa akin na girlfriend mo?" Hindi ko maiwasan na magtampo. Hindi man lang niya ako ipinagtanggol kanina habang hinuhusgahan ng mga nakapalibot sa amin.
"Wala akong kinakampihan. Ang sa akin lang ay hindi mo na dapat ginawa yon. Mas lalo ka lang pag-iinitan ni Karen." Kalmadong sagot niya.
And that pissed me off. Paano niya nagagawa maging kalmado sa harapan ko, habang nasa ganitong emotion state ako? I'm angry!
BINABASA MO ANG
Akira Morrin's Obsession
RomanceSi Akira Morrin ang ace player ng Morrin University, at tinatawag din na Basketball Princess dahil sa husay nito sa larong basketball. Nagsimula siyang magkaroon ng interest kay Harley nung aksidente niya itong makabangga sa loob ng isang coffee sho...