Chapter 55

1.9K 86 17
                                    

Harley

Dahil nawala ang phone ko, hindi ko nalaman na gusto pala akong makausap ni Coach.

Hinintay ako nila Jaz at Roxanne sa ground floor ng building namin. Hindi raw ako nagre-reply at sumasagot sa tawag kaya sinundo na raw nila ako.

Akala ko nga kaming dalawa lang ni Coach Flores ang mag-uusap pero, nandito rin pala ang mga members ng Women's Basketball Club.

“Totoo ba talagang Summer Cup ang magiging unang basketball game sa buong buhay mo?”

Tumango ako na naging dahilan para mapabuntong hininga siya. Hindi rin nakaligtas sa pandinig ko na may ilan sa members ang nabubulungan.

“Kung ganon ay kailangan ka pang i-train at mag-uumpisa sa basic. Mas maganda siguro na ngayon pa lang ay magkaroon ka na ng advance training. Baka mapahiya ako sa lolo mo kapag nakita niyang maglaro ka na walang alam sa loob ng court.”

Kumunot ang noo ko dahil nasa tono ng pananalita niya ang pangmamaliit sa akin.

“Coach, bakit hindi mo muna subukan si Harley?” Nalipat ang tingin ko kay Karen na may ngisi sa mga labi. “One versus three, tatlo kami nina Ellen at Danielle ang magbabantay sa kanya.

Biglang tumawa si Coach Flores at sinabing baka maagang mabugbog raw ako sa court. Tumatawa rin ang ibang players dahil sina Karen, Danielle at Ellen ang makakaharap ko. Tatlo sila ang key players ng SU at malaki ang contribution nila sa team nung last Basketball Tournament.

Pinag-warm muna kami bago sinimulan ang challenge sa akin. Si Danielle ang nag-presinta na magpapahiram ng sneakers dahil may extra raw siya sa locker.

Sa ilalim ng ring pumwesto sina Karen at Ellen habang si Danielle ang nagbantay sa akin. Nasa three-point-line kaming dalawa habang sina Coach ay nakatayo sa gilid.

Nagsimula na akong mag-dribble at hindi ko pa naihahakbang ang kanang paa ko, naagaw na agad ni Danielle ang bola. Mula sa peripheral view ko ay napailing si Coach. May ilan sa members ng Club ang nagtakip ng bibig. Maaaring pinagtatawanan nila ako.

“Kinakabahan ka ba?” Tanong niya habang nakatitig sa mga mata ko.

Nag-iwas ako ng tingin. Bakit ba kailangan ko pang ipakita ang skills ko? Wala rin naman akong balak maglaro sa Summer Cup. Pakiramdam ko hindi ako welcome sa team.

“Iniisip ng mga teammates natin na nakapasok ka lang dahil sa connection. Why not use this opportunity? Ipakita sa kanila ang skills mo. Show us the real you inside the court, Harley.” Ipinasa niya sa akin ang bola at muling bumalik sa pagbabantay.

Huminga ako ng malalim bago pinagmasdan ang bola. Matagal ko nang pangarap maglaro sa totoong game at i-represent ang school. Bumabalik sa isipan at pakiramdam ko ang mga pinagdaanan ko, maabot lang ang skills sa sport na gusto ko. Tila may warm feeling sa loob ng dibdib ko na unti-unting kumalat sa buong katawan ko. Masyadong overwhelming.

Bumalik ang tingin ko kay Danielle at biglang bumaba ng kaunti ang katawan niya. Naghahanda siya sa gagawin ko at sinusubukan gawing matibay ang depensa niya.

Nag-dribble ako habang nasa left hand ang bola. Habang tumatagal, ang mabagal na movement ng bola ay biglang bumilis. Tumakbo ako paabante gamit ang kanang paa ko papunta sa left side niya kaya napasunod din siya. Pagtapak ng right foot ko ay doon na ako huminto at kasabay din nito ang paghawak ng dalawang kamay ko sa bola. Mula sa left side ay umikot ako para makadaan sa right side niya. Nakalagpas ako at papunta na ako ngayon kina Ellen at Karen. Nararamdaman ko rin na nakasunod si Danielle sa akin.

Akira Morrin's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon