✴ Chapter 18

10K 399 11
                                    


Akira

Mahinang tinatapik ko ang table gamit ang hintuturo ko. Kasalukuyang tamad akong nakikinig sa discussion ng Prof namin sa harapan. Ang tagal kasi ng dismissal at gusto ko nang makita si Harley. Miss ko na siya.

Pagkasabi pa lang ng class dismiss ay agad na tumayo ako at nakasunod naman ang dalawa sa akin. Naunahan pa nga naming lumabas ang Prof namin. Kailangan pa nga pala naming pumunta sa practice.

"Still undefeated pa rin ang MU.." Masayang pahayag ni Dein habang nakaakbay kay Gizelle na busy sa phone.

Kami pa rin ang nangunguna sa team standings ng Women's Basketball Tournament

"Akira, nagtatanong sa akin si Diane kung may gusto ka raw kay Harley."

Nahinto ako sa paglalakad at ganon din sila. Tumingin ako sa kanya kaya nagsalita ulit siya.

"May something daw kung paano mo titigan mo kay Harley."

"Ano na-threaten ba?"

"I dunno? Alam mo namang may gusto ang kakambal niya kay Harley."

Botong-boto talaga siya para sa kakambal niya. Kaya pala gusto niyang maghiwalay sina Harley at Karen noon. Sorry ka na lang Danielle Lorenzo, akin na si Harley eh.

Nagpatuloy na ulit kami sa paglalakad at naabutan naming nagk-kuwentuhan pa ang mga teammate namin.

Nagsimula nang practice namin at lagi nila ako dino-double team. Ganito naman talaga ang nangyayari sa akin sa totoong laban, minsan pa nga tatlo ang nagbabantay sa akin.

"Akira!"

Mabilis na pinasa ko ang bola kay Dein na pinasa naman niya kay Gizelle na nasa three-point-line. Tumakbo ako palapit sa ring at mabilis din niyang ipinasa sa akin ang bola. Nasa harapan ko na agad si Alyana kaya nag-fake shooting position ako at kinagat naman niya kaya nakapag-lay up tuloy ako.

Nag-apir naman kaming tatlo at natatawa kami sa itsura ng mga teammate namin na nakasimangot.
Pumito na si coach kaya sumalampak kaming tatlo sa floor.

"Napanood niyo ba ang laban ng SU nung last saturday?"

"Hindi." Sagot namin ni Dein sa tanong ni Gizelle.

"Tambak pala ang kalaban nila ng 30 points."

"Oh?"

"Oo, at ang best player nga raw ay si Lorenzo."

Masyadong nagpapakitang gilas itong si Danielle. Kapag nagharap na ang SU at MU? Parehas ko ulit na lalampasuhin sina Lorenzo at Roque dahil ang mga mahihina ay walang lugar sa loob ng court.

"Kamusta naman kayo ni Harley?"

Tumingin ako kay Dein bago sumagot. "Okay lang at lagi akong nakakahalik sa kanya." May ngisi pa ako sa mga labi.

Nagkatinginan ang dalawa bago tumawa ng malakas. Nang-aasar ba ang mga 'to?

"Maybe, she likes the taste of your lips." Natatawang binato ako ng bola ni Gizelle at mabuti na lang talaga ay nasalo ko. Dahil kung hindi at tatama ito sa mukha ko. Pero tama ba ang narinig ko? Natuwa naman ako na gusto pala ni Harley ang lips ko. "And Harley is a kiss addict."

"Ah, kaya pala hinalikan niya ako dati." Mapang-asar na nginitian ako ni Dein na ikinainis ko kaya binato ko siya ng bola na mabilis niyang nasalo. "Selos lang?"

Nabaling ang atensyon ko kay Gizelle at may paghihinala itong tinitigan. Matagal ko nang napapansin na parang marami siyang nalalaman tungkol kay Harley.

Akira Morrin's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon