Harley"Bakit nandito tayo?" Tanong ko kay Diane.
"To enjoy?" Patanong na sagot niya na hindi kalaunan ay tumawa na at inakbayan ako. "Harley, ilang buwan na ang nakalipas simula nung huli tayong pumunta sa bar."
Tumango na lang ako dahil may punto naman siya. Hindi na kami nagkakaroon ng girls night out. Pumasok kami sa isang room at ilang sandali lang ay dumating na ang in'order nila.
"So kamusta naman ang buhay pag-ibig niyong dalawa?" Tanong ni Elaiza bago inumin ang laman ng shot glass niya.
"Masakit sa ulo ang kakulitan ni Dein, but she is good." Ngumisi si Marge at napa-ooohhh naman ang dalawa. Napailing naman ako at kinuha ang shot glass.
"How about you, Harley? Kamusta kayong dalawa ng MVP Girlfriend mo?"
Kakadikit pa lang ng glass sa labi ko nang malipat ang tanong sa akin. Tatlong pares ng mga mata ang nakatingin at naghihintay sa sagot ko. Ininom ko muna bago sumagot na ayos lang ang relasyon namin ni Aki.
"But your eyes says it all." Nag-iwas ako ng tingin kay Diane.
"Naku-naku wag lang talagang sinasaktan ka ng Morrin na yan. Pipilayan ko siya sa paa."
"Grabe naman yang pipilayan mo Elaiza. Baka hindi na siya makapaglaro."
"Iyon nga ang gusto ko, Marge. Bagay lang 'yon sa kanya kapag sinaktan niya si Harley."
Hinayaan kong mag-usap ang dalawa habang parami na ng parami ang iniinom ko. Si Diane ang lagay ng lagay ng alak sa glass ko. Hindi ko na nga maramdaman ang epekto ng alak sa akin dahil iniisip ko ang ikinikilos lately ni Aki. Parang lagi siyang may malalim na iniisip. Kapag tinatanong ko siya, ang sagot niya lagi ay wala lang.
Naramdaman ko ang pag-usod ng katabi ko palapit sa akin. "Harley, tama na yan. Lasing ka na."
"Marge, hayaan mo muna. Minsan lang yan uminom ng alak."
"Baliw talaga kayong dalawa ni Elaiza. Lagi niyong nilalasing 'to."
Narinig kong nagtawanan ang dalawa sa harapan namin.
"Ikaw naman ang maghahatid sa kanya pauwi eh." Dahilan ni Elaiza at narinig ulit namin ang tawanan ng dalawa.
"Ginawa niyo na 'kong taga hatid ng lasing."
--
"Ako na ang maghahatid sa kanya."
"Hindi."
Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko. Pero, hindi ko naman maintindihan ng maayos ang usapan nila. Halatang nagtatalo sila dahil parehong mataas ang boses nilang dalawa. Pinagmasdan ko ang paligid at kahit nahihilo ako ay alam kong nasa loob ako ng sasakyan. Sa passenger seat.
"Pinagbigyan na kita nung nakaraan at hindi niya pa alam na nakauwi ka na. Masaya na siya at wag mo nang guluhin."
"Margarette, please? I will explain everything to her. Ito na ang tamang panahon para malaman niya ang totoo."
"Not now. Nakikita mo naman, she's drunk."
Gusto kong maintindihan ang usapan nila pero nangingibabaw ang sakit ng ulo ko. Nahihilo pa ako.
Naramdaman kong may naglagay ng seatbelt sa akin at isinara ang pinto.
---
"Nasa living room po sila." Sagot ng napagtanungan kong kasambahay. Nagpasalamat ako bago tinungo ang living room.
![](https://img.wattpad.com/cover/87823438-288-k474587.jpg)
BINABASA MO ANG
Akira Morrin's Obsession
Любовные романыSi Akira Morrin ang ace player ng Morrin University, at tinatawag din na Basketball Princess dahil sa husay nito sa larong basketball. Nagsimula siyang magkaroon ng interest kay Harley nung aksidente niya itong makabangga sa loob ng isang coffee sho...