✴ Chapter 36

8K 298 33
                                    

Harley

Nakikita ko sa mukha ng mga classmate ko ang excitement sa laban na mangyayari mamaya. 4PM ang simula ng game. Mabuti na lang ay hindi na masakit ang ulo ko at nakatulong ang kiss kanina.

"Anong nginingiti-ngiti mo dyan?" May pagkamataray na tanong ni Marge habang nakatayo sa harapan ko.

"Ang taray mo ata ngayon?" Umayos ako ng pagkakaupo at pinaikot-ikot sa mga daliri ang pen na hawak ko. "Di ba dapat excited ka? Laban din ng GF mo."

"Hindi ko GF si Dein. Eh, ikaw? Si Akira ba talaga ang dahilan ng ngiti mo?" Namewang pa siya. Ano bang problema niya ngayon? Red days? Kumunot din ang noo ko sa tanong niya.

"Marge, siya lang naman ang reason ko para ngumiti."

Tumango-tango siya bago umupo sa tabi ko. Katabi lang din namin sina Diane at Elaiza na abala sa pag-update ng social media accounts nila.

"Masyado atang excited ang mga Prof sa game mamaya at hindi na nagsipasok."

"Imbis magklase sila, heto tayo? Nga-nga."

Narinig naming usapan nung dalawa. Tumayo ako para lumabas ng room at magpahangin. Nakakatamad masyado ang klase na wala man lang nagle-lecture.

"Wait!"

Napailing ako nang marinig ang boses ni Marge. Talagang hindi ako iniiwan mag-isa.

"Student Council President ka pa naman tapos ikaw din ang pasimuno sa kalokohan. Class hour pa lang kaya."

"Nakaka-bored sa loob. Eh, ikaw miss Vice President?"

"Nakaka-bored din eh."

Huminto kami sa paglalakad at parehas na lang napangiti sa isa't isa. Kami dapat ang halimbawa sa mga estudyante pero kami itong rules breaker.

"Doon tayo sa room ng Student Council."

Tumango na lang ako sa suggestion niya at sabay na namin tinahak ang daan papunta sa kabilang building. Isang building pa ang pagitan mula rito.

Habang naglalakad kami sa ground floor, nakasalubong namin ang Women's Basketball Team ng University namin. Nakasuot silang lahat ng varsity jacket at papunta ata sila ng gym.

"Hi! Miss President! And Vice President!" Tumakbo palapit sa akin si Jaz habang may malawak na ngiti sa mga labi. "Laban namin mamaya sa Morrin University, goodluck mo naman kami."

Ngumiti ako. "Goodluck." Nagbaling ako ng tingin sa mga kasama niya. "Goodluck sa inyong lahat."

"Thank you!" Magsiglang balik nila.

Nagpatuloy na ulit kami ni Marge sa paglalakad at nilagpasan sila.

"Iba ang titig nung dalawa sayo ah? Parang sinasabing tatalunin nila si Akira Morrin."

"Wala naman akong dapat ikabahala dahil hindi basta-basta magpapatalo si Aki."

"Sus, in love ka na nga talaga." Nanunuksong ibinangga pa niya sa akin ang balikat niya.

"Katulad ng sinabi ko kanina, siya lang ang reason ko para ngumiti."

"Aba wag lang talagang mabura yan, mas gusto kong nakikita kang ganyan kasaya."

Ngumiti na lang ako at hindi na sumagot dahil nasa tapat na kami ng pinto sa SC. Pumasok kami sa loob at inayos ang ilang papers na nasa ibabaw ng table namin. Halos kalahating oras na ata kaming nasa loob at kanina ko pa napapansin ang maraking beses na pagsulyap ni Marge. Nawi-weirdo'han ako sa kanya.

Akira Morrin's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon